Pangtalo :')
*Mich's POV*
one month na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi parin nag paparamdam si Ipot, ewan ko ba! wala namang tampuhang nangyari samin nung huli kaming nag kita, minsan nga kinakabahan na ako pano kung may nang yari na sa kanyang masama na hindi ko man lang nababalitaan..
Pati sina Mommy at Daddy nag-aalala na sa kanya, bakit daw di na umuuwi si Ipot sa bahay. Baka daw nahospital sya o kaya naman daw pinagtripan sya...
sandali kong pinitik ang noo ko, kung ano-ano na namang kaengotan ang pumapasok sa utak ko.
"Walang mangyayaring masama sa kanya tandaan mo yan Mich!" pabulong kong sinabi sa sarili ko
Pasimula din ng di nya pag paparamdam ay naging sobrang tahimik na ng buhay ko, wala na yung laging nang-aasar sakin, wala na din laging yung nangungulit sakin sa klase, wala na akong kasama sa bahay pag manggagawa ng assignments namin, miski yung kwarto ko sobrang tahimik walang nag-iingay...
"Hey ate Mich!" nagising na lang ako sa kasalukayan ng tawagin ako ni Milky
Pasimula ng hindi pag paparamdam ni Ipot, sina Milky at Jane na lagi ang kasama ko, Masaya naman silang kasama..
"Mich.. namimiss mo na naman ba si Prince?" pagtatanong sakin ni jane
"Hindi ah" pag sisinungaling ko sa kanila
"Ate Mich.. wag ka nang magsinungaling, may luha ka alam naming nalulungkot ka dahil hindi mo manlang alam kung anong nangyayari kay kuya Prince" sabi ni Milky
Ngayon ko lang nalaman na tumulo-tulo na naman pala ang masasaganang luha ko.. agad ko itong pinunasan
"Mich wag ka ng malungkot... andito naman kami ni Milky eh" sabi ni jane
"Oo nga po ate Mich! tara lilibre ka namin sa bagong bukas na Ice cream parlor dyan sa kanto! tara bilis!" tsaka ako hinila ni Milky sa kinauupuan namin
Pag dating namin sa Ice Cream Parlor ang daming tao, Um-order na kami tsaka nag-kwentuhan.
Habang busy kami sa pag ke-kwentuhan at tawanan may nahagip ang mga mata ko...
Alam ko sya yun kilang kilala ko sya, hindi ako pwede mag kamali
"Ah.. CR lang ako ha?" pag papaalam ko
"Sure" sabi nila, tsaka na ako tumayo..
Asan na ba sya! Naka T-shirt syang white! alam kong sya yun!
"Aray!" may nakabunggo ako
Yay! Creepy! nakablack syang jacket tapos may cap sya tapos tinatakloban nung cap nya yung hood ng jacket nya tapos naka sunglasses sya... p-pero parang kilala ko to.... pero para syang holdaper!
"ammh... s-sorry po" kinuha ko ang lahat ng lakas ko para makapag salita
Tapos bigla syang tumakbo! ang weird! Pero asan na ba yung hinahanap ko!
-Prince's POV-
Pag katapos ng pag uusap namin ni Dad, hindi na ulit ako lumapit kay Man pati kay na Tita at Tito. Ayaw kong mapahamak sila. Para kay na Man din naman ito eh. Pinalipat na din ako ni Dad sa school ni Shaira pero kahit hindi na ako nag paparamdam kay Man lagi ko naman syang binabantayan. Alam kong nalulungkot sya, lagi ko syang nalikitang nag iisa at nakatingin sa kung saan at may mga tunutulong luha sa mga mata nya miski ako nalulungkot pero mas mabuti na nakikita ko sya kahit sa malayo kesa naman yung hindi ko na sya makita at pang alaala nalang...
Niresearch ko kung mabuti ba yung mga bago nyang kaibigan sina Milky at Jane napag-alaman kong mag best friend pala yung dalawa at si Milky ay may pagka childish at si Jane naman ay ang parang tumatayong ate nito dahil matured na matured na ang ugali nito. Mayaman din sila at matalik na magkakaibigan ang mga magulang nila.
Kasalukuyang sinusundan ko sila ngayon, mahigit isang buwan na din ang laging pagsunod ko sa kanila.
Pumasok sila sa isang Ice Cream Parlor.
Pero pag pasok ko andamin tao hindi ko sya makita ikot ako ng ikot pero hindi ko alam kung asan na ba sila maya-maya may nakabungo ako sa likod ko...
"Aray!" bigla akong napaharap... Ang boses na yun ang lagi kong hinahanap-hanap
Gusto ko syang yakapin pero hindi pwede... Miss na miss ko na sya....
"ammh.. s-sorry po" sabi nya.
Hindi ko na kaya... tumakbo na ako palabas...
Alam kong hindi nya ako makikilala kasi nag pa kulay ako ng itim na buhok dati kasi ang kulay ng buhok ko ay light brown, nakasuot din ako ng Jacket at may cap akong tinatakluban ng hood ng jacket ko at naka suot din ako ng sunglasses.
Nasa labas ako na kaupo sa ilalim ng puno malayo-layo iyo sa Ice Cream parlor kung nasaan sina Man..
Pag labas nila sumakay sila sa sasakyan ni Jane at sumakay na din ako sa Big bike ko.
Sinundan ko ulit sila at bumaba naman sila sa ***mall.
Una silang pumunta sa bilihan ng accessories, bumuli sila ng tatlong pareparehas na sing-sing pero iba-iba sila ng kulay.
Pag katapos nun bumili naman sila ng mga damit. Pumunta sa Arcade nag laro sila at Kumain sa ***.
Pumasok ako dun sa kinakainan nila at umupo sa isang table. limang table ang pagitan ko sa kanila.
Pag katapos nilang kumain naglalakad-lakad sila.
-Mich's POV-
Andito kami ngayon sa ***mall nag lalakad lakad kakatapos lang kasi namin kumain.
Habang naglalakad kami nahagip na naman sya ng aking mga mata, m-may ka-akbay syang babae maganda ito....
"Mich..." sambit ni Jane
"Ate Mich bakit ka na naman po umiiyak..." sabi ni Milky
"W-wala *sniff*" Hindi ko na talaga kaya...
Nakita ko si Zayne...
Isang taon na ang nakalipas...
Pero bat ganun...
-Prince's POV-
Habang sumusunod ako sa kanila...
Tumungin si Man sa direksyon ko...
Tumutulo na naman ang luha nya...
Pero alam kong hindi sya sakin naka-titig.....
Tumingin ako sa Kanan ko at dun ko nakita si Zayne may ka-akbay na babae....
Sya ang tarantadong ex-boyfriend ni Man.
x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x
Oh yeah! \m/
dapat yung isa kasi kahapon ko ia-update kaso inaamad ako Huehue (^_^)y
Kaya dalawa update ko ngayon =)
BINABASA MO ANG
Best Friends
Teen FictionBest Friend is the one who always there for you even if you are in sorrow and in trouble. That's why if they came to your life don't ever lose them.