Pang-lima :')
-Mich's POV-
Nasa Garden kami ngayon. Mas maganda kasi dito, mahangin tsaka relaxing. Wala pati masyadong tao dito kaya tahimik
"Mich, may bago daw tayong transfer na student" sabi ni Jane
Tumango na lang ako kay Jane, wala naman kasi akong pakielam kung may bagong transfer, Ano bang mapapala ko sa kanila? Aber?
Actually kanina pa sila kwento ng kwento pero tango lang ako ng tango bilang sagot sa kanila
"Kaya nga! ang gwapo nga daw eh!" sabi ni Milky
"Oy! Milky, ang Landi mo ha!?" sabi ni Jane kay Milky tsaka ito binatukan
"Aray! masakit Ha!?" tsaka ito tumingin ng masama kay Jane "Pero sayang!" dugtong nya
Napakunot na lang ang noo namin ni Jane. Kasi bakit sayang?
"Bakit naman naging sayang?" pagtatanong ni Jane
"Kasi hindi natin sya ka-section, pero ka-section sya ni Ate Mich" sabi ni Milky, mag kaiba kasi kami ng section kaya iba ang schedule nila kaya nag sasama-sama lang kami kapag breaktime tsaka Lunch, pati narin pala pag uwian. Kaya pag Vacant namin nasa library lang ako dun ko inu-ubos ang oras ko
"Tangerks!" sabay batok na naman ni Jane kay Milky
"ARAY HA!? Sunusobra ka na!" sigaw ni Milky kay Jane
Pero, wala namang sinabi o pinakilala si Maam kanina.
"Wala samin, walang pinakilala si Ms. Fien kanina" kunot-noong pag-papaliwanag ko
"Ngayong hapon daw papasok yun" sabi ni Milky sabay kain ng chips na binili namin kanina
Kinuha ko yung bag ko at inilabas yung taperwer na pink na may lamang cookies na paborito namin ni Ipot
"Ate Mich, ano yan?" sabay silip ni Milky
"Ahh cookies, gusto nyo?" pag-aalok ko sa kanila
Tumango naman sila at kumuha
Pero pagkagat ko ng cookies ko ay naalala ko na naman sya
[FLASHBACK]
11 years ago....
Unang araw ko sa pasukan nun, 4 years old palang ako
"Oy! Batya!" tawag sakin ng isang batang lalake, mga ka-edad ko siguro
"Bakit? Aawayin mo din ba ako?" Pag tatanong ko
"Hindi ah! Tatanyongin nga kita kung bakit ka nila inaaway eh" sabi nya
"Hindyi ko nga din ayam eh, waya naman akong ginya-gawa sa kanila" sagot ko
"Gutso mo tayo nayang ang fyends?" sabi ng batang lalake
"tsige-tsige!" pagsang-ayon ko, sya pa nga ang naging unang kaibigan ko
tsaka ko inilabas ang taperwer na pink na may laman na cookies
"Iiiwww bat pyink? Ano yan?" diring pagtatanong nya
"Cookies yan, gusto mo?" pag aalok ko sa kanya ng mabuksan ko na
"Masyayap ba yan?" pag tatanong nya
"Oo nyaman, gawa kaya yan ng mommy ko" pag mamalaki ko
Tapos kumuha sya at tinikman ito
"Mmm~ Oo nga! ang sayap!" sabi nya
"Sabi tsayo eh!" tsaka kami kumain parehas
"Ano nga payang name mo?" pagtatanong nito
BINABASA MO ANG
Best Friends
Teen FictionBest Friend is the one who always there for you even if you are in sorrow and in trouble. That's why if they came to your life don't ever lose them.