Chappy 30 - When im with you..
"Hindi porke't iniwan ka ng isang tao ay dapat muna syang kamuhian, minsan kaya nya lang nagawa yun ay dahil mahal ka talaga nya at ayaw ka nyang mahirapan ng dahil sa di masabing rason."
AIKA's POV.
Pumunta na ako sa malapit sa lugar na binigay ko kay Jet. Gusto ko makita ang magiging reaction nya, gusto ko makitang masaya siya..lalo na't magkikita na sila.
Martyr na kung martyr pero mahal ko lang talaga sila parehas kaya ko 'to ginagawa. Siguro nga tama si ate. Hindi ko dapat pinapa-ikot ang mundo ko sa iisang tao lang, hindi lang naman sya ang nagmamahal saken. Kakayanin ko naman 'to e. Kakayanin..
Kahit ang sakit na sakit na..
"Letting you go is not easy but this is the greatest way that i did, because i love you." bigla nalang to lumabas sa bibig ko.
Nakita kong papasok na siya, at hindi rin nagtagal ay dumating narin si Bunso. Pagkatapos ng eksena na yun ay naglakad na ako paalis. Tama na ang nakita ko, tama na ang mga ngiti ni Bunso para umalis na ako. Huminga ako ng malalim at naglakad na ulit.
Bigla nalang may naramdaman akong nangangalbit saaken, hinarapan ko ito at nakita ko ang isang bata.
"Ate, ice cream oh. Pinabibigay ni Kuya Pogi."
Teka, parang nangyare na 'to eh.
"Tanggapin muna. Ang arte." biglang sabi naman ng isang lalake.
Teka, may kaboses si Kuya Pogi e. Yung kilala ko rin pogi pero mas pogi naman yun sigurado ako. Bakit ko nga ba iniisip yun? Nagddrama ako hello? -_- Paglingon ko..
"Kurt!"
Sya -__-
Ako ^.^
Ewan ko ba, agad akong napangiti ng makita ko nanaman sya. Bakit ba ganun? Ano bang magic ang dala nya? Kinausap ko na muna yung bata at umalis na sya.
"Bat di mo kinuha? Sayang effort" -___-
"Eh tinanong ko kase kung gusto nya e. Binigay ko nalang." sabi ko habang naka peace sign. ^__^v
Iniwan na nya ako tsaka sya naglakad. Nako, hinabol ko naman sya at sumabay sa paglalakad nya. Hindi na nya ako pinapansin pagkatapos nun. -__-
"Ui nagtatampo?" paninimula ko.
"Hindi ako si Ui."
"Ayaw mo yun? Para U and I. Oha? Oha?"
"Baduy mo." sagot lang nya, hindi parin tumitingin saaken. Nagtatampo ba sya dahil dun sa ice cream? Ano ka ba naman aika, di mo ba narinig? Sayang daw effort nya.
T_T
Naglalakad parin kami, hindi ko nga alam kung saan kami pupunta e. Basta naka-sabay lang ako sakanya. And as usual nasa pocket nya ang dalawang kamay nya. "Nakakainis lang kasi.." biglang sabi nya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabe nya, hindi muna ako magsasalita baka barahan nanaman ako neto eh.
Huminto sya at humarap saaken. "Masaya ka ba ngayon? Kasi kung hindi.." kilalang kilala na talaga nya ako. Pag may problema ako bigla nalang sya magpapakita at hindi matatapos ang araw ko ng hindi ngumingiti pag kasama sya.
"Ngayon palang..aangkinin na kita at sisiguraduhin kong magiging masaya ka kasama ako."
Ang saya, ang saya marinig ang mga katagang yun. Yung tipong ililigtas ka nya sa mga problema at kalungkutan mo. At handa ka pa nya pasiyahin hanggang sa makakaya nya. Hindi parin ako nagsasalita.. nakatingin lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The calamansi of my eye (completed)
Teen Fiction[Sorry for typo error. First Novel ko po kasiii] ABOUT CRUSH. TEENAGER RELATED. Property of meiiixxi. ###