Ballpen ( One-Shot )

10 0 0
                                    

Ryn-Ryn's POV

Malelate na ako sa school. May exam pa naman kami ngayon kaya kailangan ko na talagang bilisang maglakad.

7 am ang pasok namin at 6 na ako nagising kanina. Hindi ko pa naman naligpit yung gamit ko kagabi dahil masyado na akong inaantok at sobrang tinamad na ako.

Kaninang umaga ko lang naayos ang gamit ko at isinuksok ko na lamang basta basta ang mga gamit ko dahil tulad nga ng sinabi ko, late na ako at may exam pa kami. Lahat ng libro't notebook ay nilagay ko sa maliit kong body bag at napagdesisyunang bitbitin na lang ang ballpen at ang ginawa kong questionnare-slash-reviewer para sa jeep ko na lang ito sasagutan.

Pagkahintong- pagkahinto ng jeep tumakbo na ako papasok ng school dahil 5 minuto na akong late. Sa fifth floor pa naman sa pinakadulo yung classroom ko. Habang naglalakad/tumatakbo ay nilalagay ko sa bag ang hawak kong gamit. Sa paglalagay kong ito ay hindi ko napansin ang isang tao kaya aksidente ko itong nabangga.

BOOOGSH!~

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Late na tuloy ako lalo!" Sabi ko habang nililigpit ang nahulog kong gamit- no scratch that.. Tumilapon is the right term. Eh para naman pa lang shunga tong taong to eh? Ang yaba- Si Roy. Wait sya nga.

"Ako pa ang hindi tumitingin sa dinadaanan ah! Ikaw nga dyan ang careless eh!" tapos bigla na lang syang umalis.

Hindi nya man lang ako tinulungan, eh, ang layo pa naman nung napuntahan nung gamit ko.

" Hala hala! Ung ballpen ko? Nasan na? Lagot! Late na talaga ako. Bahala na nga. "

Nang dahil sa nangyari ay pinabayaan ko ng hindi makuha yung ballpen.

Manghihiram na lang ako kay Glenn. Naku! Sana lang may extra ballpen sya. Strict pa naman si Maam Lumbis. Gusto nya BLACK BALLPEN lang ang gagamitin namin at NO ERASURES and kailangan ay may MARGIN pa. Matandang dalaga kasi yun kaya ganun.

"You're late again Ms. Chua." Pagalit nyang sigaw sakin. "Sorry Maam."

"At dahil late ka na ng 15 minutes, 35 minutes mo na lang sagutan yang 60 item quiz." Ang sarap lang magmura lalo na kung ganyan yung teacher mo.

Aja! Kaya ko to. Ayokong masayang yung nireview ko kagabi. Kasalukuyan kong hinahanap yumg nag iisa kong black ballpen sa bag ng biglang "Oh sige Mr. Angeles dun ka muna umupo sa upuan sa harap ni Ms. Chua. Sa susunod ischedule mo yang sakit mo kapag wala kayong exam ha? Pasalamat ka't may medical certificate ka kundi 0/60 ang score mo dito. Tsk. Tsk."

Hindi ko na pinansin si Maam dahil bukod sa ilang minuto na lang ako mag eexam ay nawawala pa ang ballpen ko. Naalala ko na nawala ko yung ballpen ko dahil sa walang galang na lalakeng nangbangga sa akin kaya no choice ako kundi manghiram.

"Glenn, glenn! May extra ballpen ka ba?" Sabi ko sa nag iisa kong katabi dahil wall ang sa kabila ko.

"Sorry Ryn. Wala eh!" Saklap naman nun.

"Naira, may extra ballpen ka dyan?" Sana meron tong kaklase ko sa likod ko.

"Ingay mo naman. Nag eexam ako dito oh! Sumbong kita dyan eh." Sungit naman. Meron siguro sya ngayon. Ay hindi feeling ko baka lagi syang meron, araw-araw ba naman akong sungitan. Lol!

"Ken, peram nama-" Teka nasan si Ken? "Kuyang masungit? Ba't nandyan k-" Ang sarap magmura lalo na pag yung crush mo yung nasa harap mo. Naisip kong wag ng ituloy yung sasabihin ko kasi wala na palang oras. Lulunukin ko na yung pride ko para lang sa ballpen.

Huminga muna ako ng malalim bago makipag usap dito kay kuya na ang sama ng tingin sa akin.

"Kuya, may extra black ballpen ka ba?"

Tss. Ang hirap ng ginawa ko ah. Ang ganda kasi ng mata nya kahit na ang sama ng tingin sa kin. May kung anong humahatak sa mga mata ko para tignan sya lalo. Corny ko.

"Oh ayan. Balik mo rin sa akin pagkatapos mo ah?"

"Salamat po kuya." Ang bait naman. Hihihi. Pero dahil dun, 30 minutes ko na lang sasagutan yung exam namin. Bigti na ba?

After ng ginawa naming exam,ay may lecture pa kaming gagawin at kailangan ko pang hintayin si Kuyang masungit-slash-mabaitnamanpala-slash-crushko na bumangga sa akin na syang pinaghiraman ko ng ballpen. Special test kasi yung kanya, 1 oras syang pedeng magtake. Ang daya noh?

Salamat naman at nakatapos din sya. Malapit na ding magdismiss si Miss Lumbis.

"Kuya, ballpen mo." Mean ba masyado? Hindi naman siguro. Pakipot ba. Tsaka para di mahalata na crush ko sya.

"Tsk!" sabay nagsmirk pa sya.

"Salamat nga pala ah!" Huh? Bat sya yung nagpapasalamat? O baka naman prank nya lang yun? "Huh? Welcome na lang." Sabi ko na lang kahit di ko alam kung para saan.

Tumayo na sya sa upuan at binigay kay maam yung answer sheet at questionnaire na ginamit.

"Maam. Eto na po. Salamat po." parang nakita kong tumingin sya sa side ko at nagsmile. "Bye!" Sabay wagayway nya ngung ballpeng ginamit nya kanina.

Teka! Parang familiar yun ah! Parang ballpen ko yun ah? May palatandaan kasi ako kaya sure akong sakin nga yun. Sheet! May papel kasi yun sa loob at mag nakasulat na " Im incrush with my crush, ROY Angeles <3 " . Taray ng grammar diba?

Nanlaki ang mata ko and something came in my mind. Teka, bakit nung nanghiram ako sa kanya ng ballpen ay yung ballpen ko yung ginamit nya at yung kanya naman ang pinahiram nya? Hayyy.

Hayaan na nga. Atleast nagamit ko yung ballpen nya. That thought made me blush.

Masakit man sa loob ko, pero kailangan kong kunin ko sa kanya yun mamayang lunch. Ayokong mabuko nya ako noh!? Tsaka ang mahal pa naman ng pagkabili ko nun.

Section B sya. Papunta na ako sa room nila. Nagtanong ako sa classmates nyang lalaki at biruin mo ba namang sinabi sa kanyang.. "Bro, yung future gf mo hinahanap ka. Ayie! " At lahat sila ay tinukso na kami.

Lumabas sya ng room nila ng nakangiti at kinakamot yung batok nya. Ang cute!

"Anong meron? By the way, ako nga pala si Ryn--"

"Ryn Ryn. Yeah. I know you. Bakit ka nga pala nandito?

Nakangiti pa rin sya. Sheet! Yan ang dahilan kung bakit ako nagkacrush sa kanya. Dahil lang naman sa kanyang makalaglag-panty-SMILE.

"Where's my precious ballpen?" I tries to sound cool para hindi nya mahalatang naapektuhan ako sa smile nya.

"Oh that! Wait!" Sabay takbo sa upuan nya at kinuha sa bag nya ang ballpen ko. "Salamat nga pala ulet para dito." Pagkabigay nya ay napansin ko kaagad na parang may kulang. And then, it strikes me. Nawawala yung palatandaan kong papel sa loob. Oh my!

Napansin nya ata na parang namula na ako at may hinahanap sa ballpen.

"Ah eto ba yung hinahanap mo? " Omo! Yun yung.. Yun yung pinagsulatan ko nung... Hala! Literal na nanlaki yung mata ko kasi... yung pinakatatago ko... nakuha at nahanap nya.. Patay ako nito. Nasaan ang dangal ko? Hala...

"Ah. Pasensya ka na kung pinakialaman ko yung gamit. May napansin kasi ako dito sa ballpen mo tsaka may ilalagay ako sana ako sa loob. Nung tignan ko kung ano yun, may napansin ako. May pagkakapareho yun tsaka yung ilalagay ko...Eto oh!"Sabay abot nya nung maliit na papel.

Dahan - dahan kong binuksan yun at nagulat ako nung nakita yung laman....

"I like my crush, Ryn- Ryn Chua"

~~~END~~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ballpen ( One-Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon