The Man in the Shadow (Part 1-15)

880 19 2
                                    

The Man in the Shadow

By: Xian Javier

Synopsis

Isang madilim na karanasan ang pilit niyang kinakalimutan. Ngunit patuloy itong bumabalik sa kanyang alaala. Isang pangako sa sarili ang tumatak sa kanyang isipan. Hahanapin niya ang mga taong lumapastangan sa kanyang pagkatao. He promised to avenge his lost dignity. Hanggang ngayon malinaw pa sa kanya ang ginawang pambababoy ng taong iyon sa kanya. Hindi niya makakalimutan kung paano nito yurakan ang kanyang pagkatao, ang kanyang pagkalalaki. Pinilit niyang mabuhay pagkatapos ng insidenteng iyon para sa kanyang anak na si Vhon Zander na tatlong taong gulang lamang noon. Pinilit niyang makatakas sa pagkakabihag sa mga taong iyon. Ngunit tumatak sa isip niya ang pangalang lumapastangan sa kanya. Joshua Cardenas. Hinding-hindi nito makakalimutan ang pangalang iyon. Hanggang ngayon, patuloy niyang hinahanap ang taong ito. Alam niya sa sarili niya na makikilala niya ito kapag nagkaharap sila. Kahit na tanging anino lang nito sa dilim ang kanyang nakita noon. Pinilit niyang isaulo ang pigurang iyon. He tried everything to remember every bit of this man. Siya si Zandro Sandoval,  a business tycoon at the age of 25, ang nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Eloisa, may isang anak, at biyudo sa edad na 24. Sa kabila ng tagumpay niya sa buhay, hindi alam ng mga taong nakapaligid sa kanya na may itinatago siyang madilim na nakaraan. Paghihiganti! Ito lang ang nakita niyang paraan para maibsan ang sakit na dulot ng mapait niyang karanasan. Paghihiganti nga ba ang gusto niya o may iba pang dahilan kung bakit gusto niyang mahanap ang lalaking iyon?

Hindi inaasahan ni Joshua Cardenas ang mga nangyari sa buhay niya. Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya. Ngunit ngayon, siya na ang nagmamay-ari ng Hacienda Cecilia na kung saan nagtatrabaho noon ang kanyang mga magulang. Para sa kanya, gagawin niya ang lahat para sa pamilya. Hindi niya hahayaang may manakit sa mga ito kahit na buhay at dignidad pa niya ang nakataya. Hindi niya lubos maisip na sa kabila ng nakalakhang pagkatao bilang isang tunay na lalaki, isang madilim na nakaraan ang magpapabago nito. Palagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung bakit hinahanap-hanap niya ang mukhang iyon, kung bakit patuloy parin niyang napapanaginipan ang lalaking iyon na bahagi ng madilim niyang kahapon.Ang lalaking hindi niya kilala ngunit nakaramdam siya ng pagmamahal dito. Hindi rin siya makapaniwala na nagawa niya ang mga bagay na hindi dapat gawin ng isang tunay na lalaki, pero hindi lingid sa kanya na kahit pinilit siya,na kahit binantaan siya ng mga panahong iyon, alam niya sa puso niya na ginusto niya lahat ng nangyari. Palaging may kulang sa puso niya. Ang lalaking iyon. Sino ang lalaking iyon? Ano kaya ang pangalan niya? Hindi niya ito kailanman nakita dahil tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsilbing ilaw nila ng panahong nagawa niya ang isang bagay na hanggang ngayon hindi mawala sa isip niya. Hindi niya pinagsisisihang nagawa niya ang bagay na iyon dahil pamilya niya ang nakataya ditto. Ang lalaking iyon... Siya ang dahilan kung bakit marami na siyang katanungan sa kanyang pagkatao ngayon. Makakaharap pa kaya niya ang lalaking iyon? Bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing naiisip niya ang lalaking iyon – ang magandang hubog ng katawan nito, ang mestiso nitong mukha, ang labi niya, ang mata niya at matangos na ilong niya? Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya? Bakla ba siya kaya nagkagusto siya lalaking hindi man lang niya alam ang pangalan?

Tunghayan po ang isa na naman kapana-panabik na kwento na handog ko sa inyong lahat – THE MAN IN THE SHADOW

The Man in the Shadow

By: Xian Javier

Part 1
Taong 1989...

                Sa Hacienda Cecilia namuhay ang mag-asawang Lando at Selya. Isa sila sa mga pamilyang napili na manirahan sa mansion ng mga Hidalgo. Hindi kasi lingid sa mga tao ang pagiging malapit ng mag-asawa kay Don Julio at Donya Stella. Si Lando ang nagsilbing driver ni Don Julio samantalang si Selya naman ang naging punong-abala sa mga gawaing bahay kasama niya ang iba pang kasambahay. Ang mag-asawang Hidaldo ay may isang anak na babae na edad 20 – si Josephina at isang lalaki na edad 12-si Luis. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang bunsong anak ng mga ito ay isang ampon. Pumayag si Don Julio na mag-ampon dahil narin sa kahilingan ng kanyang asawa. Ngunit tulad na ibang mga magulang, naging kapansin-pansin ang ibang pagtrato ng don sa dalawang bata. Ngunit pinupunan naman ito ng asawang si Donya Stella. Strikto ang don sa mga patakaran sa bahay lalo na sa kanyang dalawang anak. Mahal na mahal nito ang kanyang anak na babae na si Josephina.
                Nang magdalaga si Josephina, lagi itong may bantay na nakaalalay sa kanya. Ngunit nang siya ay nasa edad 18 na, hiniling nito sa kanyang papa na huwag na siyang bigyan ng bantay dahil kaya na nitong ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kahilingan ang anak niyang ito na hindi niya pinagbigyan. Dito nagsimula ang isa sa mga malagim na pangyayari sa hacienda.
                Si Josephina ay isang napakagandang dalaga. Sa kabila ng pagiging mayaman nito, hindi nakakakitaan ng magaspang na pag-uugali. Alam ng mga tao sa buong Hacienda kung gaano ito kabait kaya mahal na mahal siya ng mga tao ditto. Nang minsa'y namasyal si Josephina sa bayan, tinawag niya si Aling Selya para samahan siya nitong mamili. Sa pamimili niya ng gamit, nabangga siya ng isang lalaking may karga-kargang mga saging na halatang ibebenta nito.
                "Ano ba? Hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!" ang wika ng lalaki sa kanya.
                "Aba! Nakatayo lang ako dito mister. Ikaw ang nakabangga sa akin!" ang mahinahong sagot nito. Isa-isang pinulot ng lalaki ang saging na halatang nalamog na dahil sa pagkakabagsak nito.
                "Kung mamalasin ka nga naman owh!" ang wika nito. Tumingin ito Josephina hanbang namumulot ng saging na lamog
                "Kung gusto mo, bilhin ko nalang ang mga yan kahit hindi ko kasalanan kung bakit nahulog ang mga yan!' ang wika ni Josephina. Tiningnan lang siya ng lalaki at kinuha na nito ang mga saging at tuluyan ng umalis. Mataman naming nakikinig lang si Aling Selya.

The Man in the ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon