PLEASE TAKE ME SERIOUSLY

10 0 0
                                    

Prologue:

Masarap sa pakiramdam ang may minamahal. Yung tipong wala kang pakialam kahit na alam mong imposibleng mahalin ka din niya. Masaya ka na sa konting pang-aasar at pangloloko niya sayo. Kumbaga sa madali't salita, masarap magwala pag magkasama kayong dalawa.

Naguguluhan ka na ba sa sinasabi ko? Hindi mo maintindihan kung bakit lumiliko liko ang mga sinasabi ko? Ang masasabi ko lang, kahit na anu pang effort ang ibigay ko, kahit lumuha man ako ng dugo o kumain man ako ng bubog, hinding hindi ko mababago ang lahat.

Ang lahat na sobrang sakit isipin.

.

.

.

.

Oo! Alam ko! Hindi ako tanga! Alam na alam ko na walang wala ako sa kanya. Na kahit sabihin ko tong letseng nararamdaman ko!!

.

.

.

Puta! Hinding hindi niya ito masusuklian!! Katulad ng kaimposiblehan na magwinter sa Pilipinas.

Dahil alam ko na hindi siya marunong magseryoso. Isa lang akong kaaliwan sa kanya. Napakasakit talaga. Pero kahit gaano man kasakit. Kailangan kong tanggapin. Pwede bang manghingi ng pabor? PLEASE TAKE ME SERIOUSLY!

PLEASE TAKE ME SERIOUSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon