Pangatlong Pangyayari

6 0 0
                                    

Hoy miss! Kala ko kakaen ka? Psh! Malilipasan ka pa niyan! Tara! Sabayan mo na lang ako kumaen. Pambayad sa pagdumi mo sa uniform ko. Tingnan mo nga naman tong hambog na to! Wala akong kasalanan! Saka bakit kanina pa siya hila ng hila! Nakakagago naman eh! Tsk. Hooooy! Kanina ka pa hila ng hila! Gago mo naman eh! Sinigawan ko siya. Buti nalang walang tao pa sa cafeteria! Shhh! Don't cuss lady! Hindi ko na siya pinansin ng matahimik na. Badtrip! Pero napansin kong tinanggal niya na yung uniform niya. Nakatshirt nalang siya. Wow! Nice body! Putcha! Anu ba tong nasa utak ko!

Buti binitiwan niya na yung kamay ko dahil bibili siya ng pagkaen. Ginamit ko tong pagkakataon para tumakas! Tumakbo ako ng mabilis! Wala akong balak na sabayan siya sa pagkaen. Narinig ko siyang sumigaw pero hindi ko na pinansin at tinuloy ang pagtakas!

AHHH! Success! Hoo! Muntik na ko dun! Andito na ko sa room! Hingal na hingal ako! Medyo konti pa lang yung nandito. 

Iela! Bat hingal na hingal ka?! Aga aga! Tumakbo ka? Sabi sakin ni Mj. Hinahagod niya yung likod ko! Kahit minsan pala may nagagawa tong matino. Kanina ka pa ba jan? Tanong ko sa kanya. Oo! Nakita ko nga yung bag mo pero wala ka naman! Bat ka ba hinihingal? Tanong niya ulit. Wala! Wag mo ng tanungin! Tara upo na tayo! Kinaladkad ko na siya sa upuan. Buti nalang at hindi na nagtanong tong babaitang ito. Makulit pa naman to tsk. At ayoko sa makulit. Oo! Pwera na lang kay Chase! PWE!

Bebe Iela! Speaking of gago! Bat nandito to! Hindi kame magkaklase nito ah. Bakit nandito ka? Problema mo? Tsk. Nakita ko siyang nakaupo na sa katabing upuan ko. Ngiting ngiti ang mokong. Bakit ba lagi niyang napapatibok ang puso ko ng ganito? Ayoko ng maramdaman to! Masasaktan lang ako!

Eh kasi namimiss po kita! Tangina mo! Pakiller killer smile ka pa jan! Ang gwapo mo kung alam mo lang! Ulol! sigaw ko sa kanya. Ansunget amp! Sabi niya sakin at sumandal sa balikat ko. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Nakapikit siya at mukang pagod na pagod. Pero hindi iyon naging dahilan upang makabawas sa kagwapuhan niya. Matangos ang ilong niya at mapula yung mga labi niya. Ambango bango din! Tae! Tama na nga! Baka lumaki pa ulo!

Bat ba pagod na pagod ka? Tanong ko sa kanya. Nagpractice po kasi kame. Malapit na yung tournamen bebe! Sabi niya sakin habang nakapikit. Hindi na ko kumibo. Tinitigan ko nalang siya. Nagulat ako ng bigla niyang minulat ang kanyang mga mata at tiningnan ako deretso sa mga mata. Nakakapanglambot. Parang nanghihipnotismo ang kanyang mga mata. Pero mas ikanibigla ko ang sinabi niya.

Napakapagdesisyon na ko. Liligawan kita Iela sa ayaw at sa gusto mo.

Tulala pa din ako hanggang sa dumating yung prof namen. Bigla na lang umalis si Chase pagkasabi niya sa mga salitang iyon. Natutuwa at kinikilig ako. Pero hindi ko paring maiwasang matakot. Paano pag hindi siya seryoso at saktan niya lang ako. Naputol ang aking pag-iisip ng tinapik ako ni MJ. Iela? Ok ka lang ba? Bakit bigla kang natulala nung umalis si Chase?

Nginitian ko na lang si MJ. Wala lang. Wag mo na lang ako pansinin. Magtatanong pa sana siya kaya lang ay nagsimula nang magdiscuss si Ma'am. Hoo! Salamat kay Ma'am.

Lunch break

Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin yung sinasabi ni Chase. Seryoso ba talaga siya? O nantitrip? Haist! LETSE!

Hindi ko kasama si MJ ngayon. Wag niyo ng itanong kung bakit! Sinundan na naman niya yung kakambal ko! Tsk. Iginala ko yung mata ko sa cafeteria. Nakita ko na naman yung kuyang natapunan ko kanina. Nakatitig siya sakin. Hindi ko nalang pinansin at iginala ulit yung paningin ko. Nahagip ng mata ko si Chase. Nakikipagtawanan sa mga barkada niya. Buti nalang at hindi niya ko nakita. Tiyak na maiilang kasi ako.

Napagpasyahan kong lumabas na ng cafeteria. Malapit na ko sa cafeteria ng may umakbay sakin. Kinabahan ako. Isa lang naman kasi ang umaakbay saken ng ganun. At hindi pa ko handang kausapin siya.

Baby twin? Are you ok? Something bothering you? Nakahinga ako ng maluwag! Haist buti na lang si kuya lang. Shems! Kilalang kila niya talaga ko. Wala naman kuya Twin! Iniisip ko lang yung exam ko kanina. Pagpapalusot ko. Letse maniwala ka please! Wag mo kong lokohin! Hindi problema sayo ang grade baby twin! Tsk! Sabi ko nga matalino si kuya!

Tsk! Aryt! Sinabi saken ni Chase na liligawan niya ko. Umamin na ko. Alam kong walang bebenta sa kanyang palusot ko. What! Say no baby twin! Mariin na sabi sakin ni kuya. No kuya! Pagdis-agree ko kay kuya. Look Ielania Marie! He will just hurt you! Halata mo kay kuya na galit na. Haist. Kuya please. Pagbigyan moko. I can handle this. Bumuntong hininga siya. Please pumayag ka. Please! Aryt! Just tell me pag sinaktan ka ng gagong yun. See you later baby twin. May klase na ko. Baka mawala pako sa 1st ranking pag nalate ako. Hinalikan ako ni kuya sa pisnge at umalis na. Haay! Napakasupportive talaga ni kuya.

Hindi kame magkaklase ni kuya. Magkaiba kame ng course! Business Ad si kuya at Engineering ako. Oo! Kacourse ko si Chase pero magkaiba kame ng section....

Dumeretso na ulit ako ng room. Haay! Ako pa lang ang tao. Mamaya ko na nga lang iisipin yung kay Chase. Makaidlip na lang muna tutal at 2hours pa ang natitira bago ang susunod nameng subject.

Makakatulog na sana ako ng bigla kong narinig ang pagsigaw ni MJ! Huhuhu! Iela! May lahi pang ninja yang kakambal mo! Bigla bigla nalang nawawala! Huhuhuhu! Ingay naman nito! Wag ka ngang maingay MJ! Letse inaantok ako! Shhhh! Aba ang gaga! Nagtuloytuloy pa rin sa iyak iyakan niya. Parang timang! Eh kasi Iela. Kung pinakilala mo sana ako sa kakambal mo edi sana kame na! Tsk! Abnormal! Mukhang hindi na ko makakatulog tsk! Wag kang feeler MJ! Tao gusto ni kuya! Pagkasabi ko nun ay umubob na ulit ako. Eh bakit iela! Ang ganda ganda ko naman huhu! Saka tao ako! Napakasama mo huhu! Makaidlip na nga lang din! Kakainggit ka eh!. Haay salamat! Makakatulog na din.

Letse ka Chase! Ginugulo mo masyado ang utak ko. Pero sana seryoso ka. Sana talaga......

PLEASE TAKE ME SERIOUSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon