Hindi ko naman tlga binalak ishare sa public tong story namen, pero dahil na din sa Request ng aking pinaka mamahal na kaibigan na si Mariane Leong, eh sige ibabahagi ko na sa inyo :) gaya ng una kong sinulat, True to Life din po ito :) Nagtataka kayo bat ganyan yung title? Maiintindihan nyo din yan pag nabasa nyo a ng buo yung kwento :) Okay sisimulan ko na..
__________
Ako nga pala si Taleng (Nickname ko lang to), 2nd year College na ngayong darating na pasukan. Isang Tourism Student sa PATTS College of Aeronautics. Makulit, Kalog, Pasaway, Black beauty, Mahilig mang basag ng trip, Friendly at Mabait sabe nila, wag nyo lang ako gagawan ng kalokohan kse panigurado may kalalagyan ka.. Ganyan ako idescribe ng mga taong kilalang-kilala na ko. Secretary ako sa Organization namen, responsabe't maasahan. Sa Academics naman, okay lang. nung 1st Sem okay lahat ng Grades ko pero nung 2nd Sem nagulo lahat dahil sa problema sa pag-ibig. Gusto nyong malan ang istorya? Ikekwento ko sa inyo..
Magpapatugtog lang ako para maalala ko ng mabuti :)
And being here without you
Is like I'm waking up to
Only half a blue sky
Kinda there - but not quite
I'm walking 'round with just one shoe
I'm half a heart without you
I'm half a man at best
With half an arrow in my chest
I miss everything we do
I'm half a heart without you
Half a Heart- One Direction
(Hindi po ako fan ng One Direction, may meaning lang tlga yung kantang yan)
*FLASHBACK*
1st Semester (Mid August)
"Fun Run namen sa BF Homes Paranaque bukas, tapos Firing kinabukasan sa Taguig, hindi ko pa alam yung venue. Halaaaa taga Pasay ako, kailanganan 3am nasa School na kundi ako mag ffunrun sayang yung 300Php na ibinayad ko maabsentan pa ko sa ROTC mas lalaki yung chance na maDrop ako -_____- Ano ng gagawin ko?" Para kong tangang kinakausap sarili ko habang nagiisip ng pwede kong gawin.
"Alam ko na!" Napasigaw ako sa pagkakasabe ko nun.
*Toinnks
"Araaaay! bat nambabatok?" -Ako
"bat ka ba nasigaw kse? Nakakagulat ka kaya, abnormal ka na ba? papatawag na ba ko ng Ambulance?" -Danica, pinsan kong maganda :)
"Ahhh, sorry naman.. sige akyat na ko ah. manood ka na jan. Panget mo!" sabay belat at takbo paakyat sa kwarto ko..
Kinuha ko agad phone ko at tinatype number ni Anna (Bestfriend ko)
sa kabilang line. "Hello?"
"Yellow! Anna!" (Sad voice gamit ko para effective :)
"O? Ano bat ganyan boses mo? problema mo?" -Anna
"Patulog ako sa inyo sa Funrun :) tapos sabay na tayo sa firing :)"
"Halaaaa!" -Anna
"Dali na please :)"
"Hindi!........Hindi ako papayag sa iba ka makitulog! Hahaha sige dito ka na sa boarding matulog." -Anna
"YES! hahaha i love you, mwaamwaa :** hahaha"
Kinabukasan.. Papunta na ko sa boarding ni Anna, siya lang mag isa sa boarding nya, si Tita Jorile bumibisita lang sa kanya paminsan minsan..
