A story made of pure imagination and love from the author :*******
~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~
~RC's POV~
tapos na ko sa pangatlong trabaho ko, grabe yung araw na to, nakakaloka namang talaga sa ka-haggardan, buti na lang talaga maganda ako. UMAGREE NA LANG KAYO PLEASE.
"Ay tita beth thank you talaga! promise last na bale ko na to, kailangan lang talaga eh. baka kasi sa kalye na lang kami pulutin kapag di kami makabayad ng upa."
"Anu ka ba raffy ok lang yun, isa pa ikaw ang pinakamasipag na empleyado ko kaya ok lang"
"Naku!! napakabait mo talaga tita beth, sige po una na po kami gabi na din po eh"
"teka sandali dalhin mo na din to, marami na naman ang benta nitong noodle resto ko and bilang reward ibibigay ko to sayo, hapunan niyo :) oh sha sige na ingat sa daan ha"
"naku anghel po talaga kayo, salamat po ulit, sige na po bye :)"
"bye~! mag iingat kayo ha, oi chachi! uuwi ng maaga ha!!"
lumabas na kami ng resto, ito yung isa kong part time job, alam niyo naman work work din pag may time.
Oo nga pala si Chachi or si Chayne Chelsea Salcedo.
best friend ko to since elem pa lang kami.
Ang kikay at sosyaleng pamangkin ni tita beth
wala ng parents tong si chachi,
joke!
actually meron naman, kaso yung mommy and daddy niya nag hiwalay nung seven years old pa lang kami. yung mommy niya may bago ng pamilya sa canada, sinusustentuhan naman nito si chachi, ang totoo higit pa sa pangangailangan nitong best friend ko ang natatanggap niya mula sa mama niya. matagal na nga siyang gustong kunin nung mama niya ang kaso masyado ng napamahal tong kumag na to kay tita beth,
yung daddy naman ni chachi ewan ko kung nasan malamang may ibang pamilya na rin, at wala kaming pakialam dun, dahil ayaw na din malaman pa ni chachi, iniisip niya kasi na yung daddy niya ang may kasalan kung bakit sila nagkawatak watak.
Pero minsan itong si chachi eh samin din nakikikain at nakikigulo kaya dalawa ang pamilya ng kumag na to eh. kambal na nga ang tawag namin sa isa't isa dahil madalas na magkaparehas ang gamit namin nung mga bata pa kami, pero take note, mas maganda naman tong si chachi kesa sakin. (woooot! pa humble pa xD)
"1-2-3-4-5-6-500, 6,500!!! grabe buti na lang talaga naka bale ako kay tita beth. Grabe sobra talaga akong napagod sa buong maghapon na to! ui cha! thank you din sayo ha, pinahiram mo ko ng 500"
"anu ka ba, wala yun!"
"Promise cha, ibabalik ko to sayo kapag nag ka pera na ulit ako"
"naku ok lang, sanay na naman ako."
tumingin ako kay chachi ng masama, kasi parang alam ko na tong sinasabi ng kumag kong friend.
"ah sanay ka na, sanay saan?? sanay na lagi akong nanghihiram ng pera!!?"
"kambal anu ka ba? chill hindi yun ang ibig kong sabihin, sanay ako na binabayaraan mo naman agad. tsaka ewan ko ba sayo, kambal naman tayo kaya bakit ka pa nag babayad?"