Love on Top
Chapter 1 :
*Vince POV*
Start na ng work ko bilang isang student assistant dito sa university, maraming pagbabago mula ng grumaduate ako ng high school.
Kailangan kong magtrabaho at magsumikap para mapagtapos ko ng pag-aaral ang sarili ko, hindi naman ako matutulungan nila mama at papa kasi may kanya kanyang pamilya na sila.
(hiwalay ang mga magulang ni vince, kaya simula high school ang tita luisa nya ang nagpapaaral sa kanya)
Sa school canteen ako naasign, buti nga kasi hilig ko naman ang pagluluto at pagkain ni hindi ko nga alam bakit hindi ako tumtaba eh ang lakas lakas ko naman kumain. Pagtapat ko sa gate five ng school nakatayo si manong guard . "Sir pwede bang matanong kung saan ang purchasing office?" Tinuro nya yung pinto sa kaliwa sa tapat ng mga babaeng naguusap-usap.
Lumakad ako papunta sa pinto, "excuse me" pagputol ko sa kanilang pinaguusapan, pagpasok sa loob ng silid isang babae ang nakaupo sa harapan ng isang maliit na office table, "goodmorning po" pabungad na bati ko sa kanya. Pwede po ba kay Sir Ricky Lopez ? Tatlong minuto na ang nakalipas, hindi padin sya umiimik.
May isang lalaking pumasok sa pinto nasa katamtaman ang taas nya, maputi, mapula ang labi, matangos ang ilong at may pagkabrown ang mga mata in short ALAM NA! May suot syang white tshirt na may kwelyo at nakapatong dun ang berdeng apron
"M.j may bisita ka ata!" kalabit nya sa babaeng binati ko kani kanina lang."Goodmorning, pasensya na at hindi kita napansin agad ang dami kasing order, ano pala kailangan mo ?
"Ako po pala si Vince Christian Regalado, yung bagong SA po kailangan ko daw muna po kasing pumunta kay Sir. Lopez sabi ni ma'am Santos sa guidance office." Agad namang tumayo ang babae na nasa edad na twentyfive pataas. Pumunta sya sa gilid ng kuwarto na katapat lang ng kanyang kinauupuan. "Pasok kana sabi ni sir. " agad naman akong tumayo at nagpasalamat sa babae.
"Maupo ka" umupo ako sa sofa na malapit sa table ni Sir Lopez na nakaharap parin sa computer screen.
"Mahilig ka bang magluto?" tanung nya sa akin kasabay ng pagangat ng kanyang ulo.. "opo" sagot ko na may kasamang pagngite.
Nagpatuloy ang kanyang pagtatanong. Ilang minuto pa ang nakalipas..."M.j" sigaw nya. "Pakilala mo si vince sa canteen at ilibot mo , make sure na mpafamiliarize sya ha, sa salad bar ko sya iaasign wala na kasing vacant sa iba."
"Yes Sir" sagot ng babae.Pagpasok namin ng gate five makikita mo ang bookstore , pero ang laman ay mga snacks at kung ano ano pang pagkain sabihin nyo sakin bookstore ba to o grocery store? Tanung ko sa sarili ko.
"Ako nga pala si ate Mj mo , SA din ako sa office, wag kang mahihiya dito, parang pamilya din ang turingan namin dito" ngumiti lang ako sa kanya .
Tumuloy kami sa paglalakad ."dito pala ang fast food 2" turo ni ate Mj may dalawang babaeng nakaupo sa lamesa at isang lalaking may hawak ng cellphone.
"Guys si Vince nga pala bago sa salad bar" pakilala sakin ni ate Mj.Pagkatapos lumibot sa fast food 1, chips , Law ,at sandwich bar , pinunta na ako ni ate M.j sa salad bar kung saan ako inasign ni Sir Lopez
"Ate Lav sya yung bagong anak mo iwanan ko na sya sayo" at umalis na si ate Mj
"Sige Mj salamat , ako ng bahala saa kanya" sagot ni ate lav
Sa likod ni ate Lav nandoon yung lalaki kanina sa office nagbabalot sya ng plastic spoon & fork , ngumiti sya sa akin sabay tayo.
"Ako nga pala si Marvin makakasama mo habang buhay."
Inabot nya yung kanan nyang kamay na may kasamang matamis na pagngiti, hindi ko alam bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko .
"Ha?" yun na lang ang nasagot ko at hindi ko na natugunan ang balak nyang pakikipagkamay sakin.
"Ito naman parang hindi mabiro" sabay akbay nya sa balikat ko.
Para akong matutunaw, bukod sa pagiging perfect ideal guy ng mga babae ang itsura ni Marvin yung pabango nyang parang langit ang amoy bagay na bagay sa kanya. Mababading ata ako nito ng wala sa oras. (di pa ba OBYUS?)
"Ano pala ang mga gagawin ko?" sabay tangagal sa balikat ni Marvin. Pumunta ulit sya sa kinauupuan nya kanina .
"sangayon wala pa tayong masyadong gagawin enrolment palang, kaya chil chil lang , pero sa morning magtutuhog tayo ng fishball kikkiam at chiken ball. Pero dahan dahan lang dun ah di bale ng ako makatuhog sayo wag lang yun ." Sabay bigay ng matipid na tawa.
"Palabiro ka din no? gusto kita."
"Gusto din kita nalove at first sight nga ako sayo eh." banat nya.
"Alam mo gwapo ka kaso sayang may kulang sayo"
"Ano?" sagot ko.
"Apelido ko."
"Eh kala ko ba salad bar to?" Pag iba ko ng usapan.Pero sa totoo lang kinikilig ako.
"Oo nga, pero sa june pa tayo magsstart magbenta nun"
"aaaah" pagtugon ko.
"Uy kunin ko number mo, bigay ko din sakin para kung may tanong ka sakin about dito sa work maiexplain ko sayo." Nagpalitan kami ng number ni Marvin, abot tenga ang ngiti nya, ako naman tong kinikiligMatatapos na ang araw, wala kaming masyadong ginawa , mas marami pa ang kulitan namin ni marvin o masasabi kong lambingan. ( evil smile) Hindi naman siguro masamang magka crush sa same gender , crush lang naman.