*Vince point of view*
Start na ng enrollment ng mga studyante dumadami nadin ang mga tao na tumatambay sa canteen, kaya madami na kaming ginagawa.
Ang napansin ko pa sa university na to ang dami daming foreigners may black american ,koreans , japanese at may ilan ilan ding chinese. Sa tingin ko hindi ata university of the cordilleras ang napasukan ko , kung di university of the universe , masusubok tuloy ang pagi-englush ko hayyyy ..
Habang nasa malalim akong pagiisip , hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni ate lav.
"Vince kailan ka magenroll ?" Tanung ni ate lav
"Aah ay ate sasabay na lang po ako kay marvin , hindi ko pa po alam yung pasikot sikot dito eh "
"Ah sige kailangan nyo rin kasi pagusapan yung schedule nyo sa pagduduty dito eeh pagkatapos nyo magenroll pakita nyo na lang sa akin yung sched. nyo ha. " Tumango na lang ako.
Kakabanggit ko pa lang ng pangalan nya nung nakita ko si Marvin na naglalakad sa may hallway , naka longsleve sya na blue tapos nakajeans , na may partner na stripe na blue and white na bonet .
Simple lang si marvin, sweet at gentleman , hindi lang sa mga babae kundi pati narin sa kapwa nya lalaki . Siya yung tipo na papatol sa kapwa lalaki .
"Hay" sabi niya
"Hello , kamusta ? Sabay tayo magenroll aah hindi ko pa kasi alam masyado dito eeh."
"Sige ba para naman masolo kita, saan gusto mo magdate?"
"Ha? sabi ko magenronroll hindi magdadate ."
"Biro lang ito naman hehehe."
Pero sa loob loob ko , sana totoo na lang. Paano kaya kung ligawan ko si Marvin .Sasagutin nya kaya ako tanggap niya kaya yung kagaya ko na naghahanap ng pagmamahal ng isang lalaki. Yung hahawakan yung kamay ko sa harap ng maraming tao, yung ipagmamalaki sa harap ng pamilya at kaibigan nya, sasamahan hanggang pagtanda .
"Uyy biro nga lang" pagputol niya sa lumilipad kong utak.
"ah eh a ok palabiro ka talaga. Ah anu sino panghapon satin o pangumaga ?"
"Tignan muna natin yung major ko ha kung saan tatapat yung sched. kasi kayung mga first year wala pang major subjects."
"aah sige sige."
4:30 pm na nagwawalis na lang ako para maghahanda sa closing mamayang five .
"Sige ate lav una napo ako , see you tom. po ."
Habang naglalakad ako sa may session road bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala pa naman akong dalang payong , kaya sumilong muna ako . May pamilyar na bonet na nakatayo sa tapat ng jollibee , si Marvin nakasilong din nakita na nya pala ako , kumaway sya at nginitian ako . Lumapit ako.
"Saan ka sumasakay?" tanung nya?
"Sa tapat ng igorot park papuntang crystal cave ikaw?"
"Malapit lang din dun gusto mo hatid na kita ? May payong ako eh medyo umaambon nalang"
Nung pinagpatuloy namin ang paglalakad nagulat nalang ako nung inakbayan nya ko. Nabuhay lahat ng natutulog kong dugo .
End of chapter 2
Thank you sa mga nagbasa na itutuloy ko na sa chapter 3 , yung 2nd nating bida. Si Marvin kaya?
True story pala sya with a twist please vote and comment .
Happy birthday to me hehehe im already 17 on the 17th
For my dearest baby:
I love you baby alam ko babasahin mo to hehehe. This is for you po kaya wag na magselos ha . masaya ako na kapiling parin kita hanggang ngayon mwamwa :)
thank you for everything kahit alam ko na words is not enough para masuklian yung pagmamahal mo sakin :)