Chapter 3~ Knight

55 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa underground bar , pagkatapos ko kasing umuwi sa bahay galing sa Golden Bridge Academy ,  ay napag isip-isipan ko na mag unwind , kasi naman nakakinis na araw naman kasi ito eh , pinipigilan ko ang sarili ko na hindi makasakit ng tao  , pero sila naman ang gumagawa ng paraan na masaktan ko sila. Bwesit talaga! Kaya heto ako ngayon drinking my Vodka. Nang may dumating na isang malaking grupo ng mga lalaki , nakasuot sila ng itim at merong malalaking katawan parang mga goons pero hindi ako natatakot sa kanila , kasi naman hindi nila alam kung sino ang nilapitan nila.

"Anong kailangan  nyo sa akin?"

Kumalma lang ako , sa pagsasalita baka may ibang kailangan sa akin , at isa pa ayaw kong manuntok ng walang dahilan.

"Ikaw! Ang kailangan namin! Dahil sayong babae ka natalo kami sa isang gang , dahil inunahan mo sila at pinahiya mo pa kami! Bwesit ka! Now its pay back time little girl!"

 Tapos ay hinawakan niya ako sa lieg at pilit nya akong sinasakal. Syempre kailangan kong lumaban kaya naman. I get my favorite knife on my leather jacket. Sinaksak ko sya sa balikat nya na dahilan ng pagsigaw nya at pagbitaw nya sa aking lieg.

"Ano pa ang tinitingin nyo dyan? Patayin ang babaeng yan! Dapat matalo natin sya at dalhin kay boss!!"

"Hyaaaaaaaaahhhh!"

Sigaw ko sabay back kick, front kick sa mga bobong sumusugod sa akin.

 Booggg!

Kraaackk!

Tugsssss!

Malapit na rin silang maubus dalawa nalang sila ng biglang may tumutok sa akin ng isang baril, sa leeg ko. Mula sa likod ay , may boses akong narinig.

"Huwag kang kikilos , kung hindi papasabugin ko yang utak mo!"

Kukunin ko sana ang baril na nakatutok sa likuran ko ng biglang may pumutok.

BANG!

"Gusto nyo bang maunang mamatay o magbubunutan pa kayo!????? Alisss!"

At biglang umalis ang mga lalaking panget na parang takot na takot.

"Okay ka lang ba Miss?

Bakit ka ba napadpad dito?Delikado dito maraming masasamang tao"

Sabi nung isang lalaki ,gwapo naman sya ,matipuno ang katawan , matangkad at charming. Pero parang familiar sya.Parang nakita ko na siya.

"Oo , okay lang ako kaya ko naman lahat yun ehh , kaso nga lang umepal naman kayo! Tsss."

The Bad Ass GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon