Chapter 2 'Knowing him'

10 1 0
                                    

.
Chapter 2

Kinabukasan maagang pumasok si Kenji, Excited sya at masaya ni hindi nya alam kung bakit basta buong gabi at pagkagising si Jacob ang laman ng isip nya.

Huminga muna ng malalim si Kenji bago pumasok sa kanilang silid, pagkapasok ay agad hinanap ng mata ni Kenji si Jacob at nang hindi nya ito nakita ay parang lumungkot sya, malamya syanh pumunta sa kanyang pwesto at nagmukmok.

Nasa kalagitnaan na nang pagtuturo ang teacher nang may biglang pumasok. Nag-angat naman ng tingin si Kenji para makita kung sino ito.

Jacob!  napangiti si Kenji nang makita ito at biglang tumibok ng mabilis ang puso ng magtama ang paningin nila, umiwas sya ng tingin dahil sa hiya feeling nya namumula ang kanyang pisngi dahil dito.

'Recess'

Lumapit si Kenji kay Jacob na may dalang pagkain at inumin ibibigay kasi nya ito rito, hindi rin namalayan ni Kenji na ang mga kaklasi nila ay nakatingin sakanila at pinagbubulungan sila.

Magsasalita palang si Kenji ng tumayo si Jacob at naglakad papalabas iniwan  nito si Kenji nang nakatayo, at dahil may pagka slow si Kenji ang akala nya ay pinapasunod sya nito. Pumunta si Jacob sa likod ng skwelahan at sa may bato doon sya nahiga. Lumapit si Kenji at naupo sa tabi nya.

At dahil gustong makilala ni Kenji si Jacob maraming bagay ang tinanong nya rito tulad nang kung anong paborito nitong pagkain, kulay, ilang taon nasya, nasaan ang parents nito at marami pang iba. Kahit papaano ay sinasagot naman ito ni Jacob nagkwento rin sya dahilan para hindi nya mapansing wala na pala syang kasama at tapos na ang Break time nila.

My Hero LoveWhere stories live. Discover now