Chapter 5 'Jealousy Can do'

7 1 2
                                    

.
Chapter 5

Hanggang hapon ay nakatingin si Jacob kay na Kenji at Kenneth hanggang kasi magkasama ang dalawa  nagkwekwentuhan at tawanan. Nakita nya pa kung paano napatingin si Kenneth sa kanya at ang pag ngisi nito sabay pulupot ng kamay sa may bewang ni Kenji.

Na push na ata ang limit ni Jacob dahil naglakad ito papalapit sa dalawa at biglang hinila si Kenji na halata namang nagulat, dahil don ay natanggal ang pagkakahawak ni Kenneth kay Kenji, Nakangisi pa ito habang nakatingin kay Jacob na para bang inaasahan nya ito. Bumaling naman si Kenneth kay Kenji  at sinabing maghihintay nalang sya sa gate dahil mukhang magiging busy sya. Atsaka ito naglakad papalayo.

Hinila naman ni Jacob si Kenji  papunta sa may likod ng school. Habang naglalakad ay walang nagsasalita sa dalawa hanggang sa makarating sila sa likod. Napasabunot sa ulo si Jacob at saka bumuntong hininga bago tinanong si Kenji kung sino ang lalaking yon. Nagtaka si Kenji at magtatangka palang syang magtanong ng putulin sya nito. 'Yung lalaking kasama mo' sabi nito at humarap kay Kenji.

Nagtataka man ay sinagot ni Kenji na bestfriend nya ito. Tinitigan naman sya ng seryoso ni Jacob tinanong nyang muli kung 'kaibigan' lang nya talaga ito at nang sinabi nyang 'Oo'  ay biglang napangiti si Jacob na nagpabilis naman ng tibok ng puso ni Kenji.

*Dug*dug* Dug*dug* Ang sabi ng pusu nya. Sa lahat kasi ng oras na magpasama sila ay hindi manlang ito ngumingiti. Hindi man nya alam ang dahilan pero sumaya sya dahil nakita nya at sya ang dahilan ng pag ngiti nito.

Pero mas lalong hindi inaasahan ni Kenji ang susunod na sinabi ni Jacob.

'Let me court you and be mine'

My Hero LoveWhere stories live. Discover now