Prologue

135 8 0
                                        

[Prologue]

"You seem... different," sabi niya ng makapasok kami dito sa condo unit ko. He's never been here before, ngayon pa lang. Ngumiti ako sa kanya. "Different ?" I didn't mean to, but I sounded sarcastic.

He laughed. God, namiss ko po yung tawa niya. "Well, now that you're 23 years old and your body..." napahinto siya kasi tinaasan ko siya ng kilay sa part na 'your body' daw. He smirked, pati yang devil smirk na yan hindi na nagbago. "Let me finish, sweetheart. As I was saying, your body and  features have matured already. Wala ka ng baby fats !"

Inirapan ko nga. Baby fats pala 'ha ! "Five years ka kayang nawala ! Tapos ngayon sasabihan mo ako ng ganyan, what do you expect ? Hindi man lang ako lalaki o kaya magkakadibdib ?"

Paano ba naman kasi, simula pa lang ng mabuhay at iluwal ako sa mundong ito, ang tawag na niya sa'kin ay 'Baby Fats'. Aminado naman ako, simula noong sa dalawang taong kindergarten at anim na taong pagiging elementary ko, tabachingching ako. Tabachingching na may laman at taba talaga, sabi ni Mama normal naman ako kaya lang sadyang mga malnourished lang mga classmates ko.

Pero noong naging high school ako, kahit paano naman naging maganda ang resulta ng puberty sa'kin. Ang dami ngang nagsasabi na ang ganda daw ng katawan ko at sinasali nila ako sa mga pageant contests pero umaayaw ako. Siya kasi e ! Hindi man lang ma-appreciate yung meron ako at parang ang taba taba ko pa rin.

Napangiti lang siya sa sinabi ko. He stares at me like he never seen someone like me at all. Grabe, nakakatunaw. Napatitig din ako sa kanya, at ngayon ko lang napansin, napakalaki pala ng improvements ng physical features niya.

"Madeline, I missed you," he whispered, just enough for sending my heart pound like it want to go out of my chest. "I missed my Baby Fats so much."

With those years, those five years without him. I smiled as the memories run to my mind again. If someone sees me like this and ask if I love him... I'd still lie.

I'd Lie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon