Chapter 1

138 4 3
                                        

Madeline

-December 16-

"Grabe pala, Kuya Jonathan! Ang gwapo gwapo niya pala talaga in person," hindi pa rin ako makapaniwala sa kanina. Ikaw ba naman ang makaharap at maka-usap mo ang isa sa mga idol mo. Lalo tuloy akong kinilig.

Kuya smirked. "I already know what you feel, Baby Fats. Besides, you've been telling me that since we got here in the car. Akala ko na naman kanina kung saan ka naman nagpunta," saglit siyang lumingon sa'kin at ibinalik na ulit ang tingin sa daan.

Bigla akong na-guilty pero hindi ko pa rin maitago na naging masaya ako. We were in the airport a while ago and I met Mr. Apollo Ashford, one of the most successful bachelors in town. "Sorry," I whispered apologetically.

Umiling-iling lang siya. "It's okay. Let's grab our late lunch."

I nod, hindi pa nga pala kami kumakain.

Kahahatid lang namin sa mga parents namin, they're off to their business things again. Hindi na nga nanaman namin sila kasama sa Christmas but there's nothing we can do. Hawak ng parents namin ang Valle-Villaflor Group Company, fair share in everything at sila nang apat ang nagmalawak at humawak ng kumanya simula pa lang noong una.

I am fond of business stuff, kaya nga isa si Mr. Apollo Ashford sa mga idols ko. May konti na rin naman akong alam kahit paano at tatlo ngang pamilya ang mga pinakakilala sa business world. Ang Ashford, Mendez at Gallia.

"Baby Fats, may gagawin ba kayo bukas?" tanong ni Kuya Jonathan matapos naming lumiko sa isang kanto. Mukhang alam ko na kung saan kami kakain.

"Wala naman, Kuya. Bakit?" I answered and ask in return.

Jonathan Valle, eighteen years old, BS in Business Administration student. Siya lang ang nag-iisang lalaki na simula pa noong nakakilala na ako ng mga tao, hindi niya pa ako natatawag sa pangalan ko. Siya rin ang Kuya ko, dahil na nga super close ng mga parents namin, kami na talaga ang close na close. Mas close pa siya sa kahit sinong kamag-anak namin.

"Nothing, I was just going to ask kung pwede mo akong samahan," he said the parked the car.

Sabi na nga ba e, nandito kami sa favorite place namin. Jonaline's House.

He got out first then opens the door for me. "We have a game and I want to hear Baby Fats' cheer," sabi niya kasama ang sweet niyang ngiti.

I think Kuya Jonathan's natural smile is the sweetest smile for me so far. Sa sixteen years ba naman kasi naming magkasama, ito lang yung ngiting napapangiti din ako. I'm fond of his expressions, lalo na nga ang lahat ng klase ng ngiti niya.

Bumaba na ako ako at naglakad na kami papasok sa barbeque house. Barbeque kasi ang favorite namin ni Kuya Jonathan, we always had our family dinners here pero dahil nagdo-double time ang parents namin sa business, hindi pa kami nakakapunta dito ng buo ulit.

"I'll be glad to cheer, basta ba nandoon sila kuya," sabi ko na may halong pagkapilya. I was referring to his classmates, ka-close ko din kasi sila lalo na kapag may lakad sila at sinasama ako ni Kuya Jonathan, which is always too.

Napailing-iling si kuya pero halata naman sa kanya na naa-amuse na naman siya. "Syempre nandoon sila. At kahit nandoon sila, sa'kin pa rin naman ang focus mo. Ako yata ang crush mo," he said with confidence in his voice! Grabe, ang hangin!

I shook my head in disapproval. "Kahit kailan talaga ang hangin mo, Kuya!" medyo napalakas ang boses ko na kaya may mga naatingin sa'min. I bowed my head in embarrassment and Kuya Jonathan is now smiling his playful smile. Kahit kailan talaga! "And how can you even know na ikaw nga ang crush ko? Feeling mo talaga," this time I made sure na siya na lang ang makakarinig noon.

I'd Lie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon