Chapter 3: Agreements

18 4 2
                                        

ZOE

Gosh! Ayan na! Tapos na yung class hours, so it means kailangan na namin pumunta sa tambayan nina Maxon. Grabe, kagabi nga hindi ako nakatulog kakaisip sa kung ano ipapalusot ko doon sa pinsan ko. Eh kung hindi ba naman baliw si Sierra ‘no? Hahaha. Ayo slang ‘yon, at least tinulungan niya ako diba? Safe na safe din yung secret niya sa’akin! Hahaha!

“Ano? Tara na sa tambayan nila? Grabe, gusto ko na siya makita. Kanina’ng break hindi ko siya nakita eh. Hahaha. Grabe lang.” sabi ni Sierra. Nako! Kung hindi ko lang to best friend eh, nasapok ko na ito. Walang alam na sabihin yung bibig niya kung hindi yung pinsan ko. EH di hamak na mas gwapo naman si Maxon KO kesa kay Gab NIYA. Hahaha!

“Oo tara na. Fighting!!”

“Yeah! Kaya mo yan Zoe! Face your fear. Diba ‘eto naman yung gusto mo? So go lang ng go!” yes, tama siya. ‘Eto yung gusto ko eh. Kaya wala na’ng atrasan! Gagawin ko ang lahat!

NANDITO na kami sa tapat ng pinto ng tambayan nila. Grabe, first time ko’ng pumasok ditto eh, kinakabahan ako.

T____T

“Kaya natin ‘to Zoe! Katok ka na!” sabi ni Sierra.

“What?! Bakit ako yung kakatok? Ikaw na lang!”

“Duhh! Ikaw na lang!”

“Fine! Ako na! Arte mo, ha.” At sa huli, ako at ako parin yung nag bukas. Asa ka pa diyan kay Sierra.

*knock* *knock*

“Pasok!” sigaw ng isang lalaki sa loob, na sa tingin ko ay si Diego. Minsan na kasi siyang na-invite ni Gab sa ibang occasions sa’amin eh.

Pumasok naman kami ni Sierra. Sa tingin ko nga halatang halata na kinakabahan ako eh.

“Zoe? What are you doing here?” sabi ni Gab. Ayan na nga ba yung pino-problema ko eh. Bahala na si Batman.

“A-ah, eh. A-ano… Kailangan ko kasi ng pera p-para… ibili ng gift si Mommy… O-oo! Tama, pambili ng gift kay Mommy. Malapit na kasi yung birthday niya diba?” sabi ko. Wooh! Saan mo napulot ‘yon? Buti nalang malapit na birthday ni Mommy. Hahaha.

“Ah? Ganon ba? Eh, bakit kailangan mo pa’ng mag trabaho eh mayaman naman kayo?”sabi ni Gab. ‘Eto’ng si Sierra nakatayo lang sa tabi ko. Parang natulala sa kagwapuhan ng pinsan ko. Psh.

Sila Maxon naman nakatingin din sa’akin. Grabe, kahihiyan overload!

T___T

“Ahm. Gusto ko kasi galing sa sarili ko’ng pagsisikap eh.”

“Ah? Sige. Ikaw talaga Zoe, kahit kailan. Ang sweet mo sa parents mo. Hahaha.” Sabi niya kaya nag-smile na lang ako sakanya. Wala na ako’ng ibang masabi eh. Grabe..

“So, start na ng interview?” sabi naman ni Diego.

Hmm. Bakit kaya hindi nagsasalita ‘tong si Maxon. Pipe ba ‘to? Hahaha. Baka naman natulala na sa kagandahan ko. Hahaha. Joke lang!

“No. Hindi na kailangan, mapagkakatiwalaan naman kayo diba? Basta, this is a secret. Baka pagalitan daw si Maxon ng daddy niya eh kapag nalaman ‘to. Goodbye tambayan kami ng wala sa oras. Hahaha!” ahh, kaya pala. Pero ayos na din ‘yon. Baka pag initan pa kami ng mga fans ng mga ‘to at akalain pa nila nilalandi naming sila. Psh.

Oo, may fans ‘tong mga ‘to. Actually club, meron sila sa school na ‘to eh. Ang dami nga eh. Pero syempre, kahit patay na patay ako kay Maxon eh sasali na ako doon. Duuhh, ang corny kaya ‘nun.

“Ahh, sige. Thank you.” Sabi ni Sierra. Buti naman naisipan pa nito’ng mag salita eh no?

“So, ‘eto yung agreement paper natin para sa work niyo as a maid. Hmm, 10,000 a week. Ayos ba yon?” sabi ni Gab. As usual siya lang nagsasalita sa kanila’ng apat.

Wow ha. Grabe talaga ‘tong mga ‘to! 10,000?! Eh parang allowance ko na yun a month eh! Well, sabagay. Mayaman eh.

“Wow dude! 10,000?! Afford na afford mo yun ah?” sabi ni Mir. Kahit kailan, joker. Hahaha.

“Yeah! Haay! So tayo dude sarap buhay lang? Nakooo! Araw araw na ako magkakalat! Hahaha!” sabi naman ni Diego at sinangayunan naman ni Mir. At nag apir pa ang mga loko. Hahaha.

Si Maxon naman tumatawa lang. Tss, gusto ko marinig yung boses niya T___T. Parang feeling ko kasi lalo ako mai-inlove sa boses niya eh. Kaasar -___-

“Mga ulol! Share share tayo diyan no! Tsk. Parang allowance ko na yun eh. Maawa naman kayo. Tsk.” Sabi ni Gab na parang bwisit na bwisit na sa kanila. Hahaha, sino ba naman ang hindi mab-bwisit sakanila?

Sabay sabay naman napa “awww” yung dalawa. Si Maxon? Ayun tawa lang. Psh, salita salita din pag may time. Baka ma-panis laway nun. Tsk.

“By the way. So ano? Agree na? Pirma lang kayo diyan. Basahin niyo na din yung mga agreements.” Sabi ni Gab. Binasa naman naming kaagad ni Sierra. Ayaw ko yung kaagad pirma na eh, hindi ko pa naman nababasa yung agreement. Malay mo may nakasulat pala doon na pwede kaming i-kiss ng apat! Hahaha! Pero kay Maxon lang ako papa-kiss. Hahaha LOL

Agreements:

1. Wala dapat natitira’ng kahit na maliit na dumi kapag nag linis.

2. Laging sumunod kina Gabriel, Maxon, Mir at Diego.

3. Ang hindi sumunod, walang sweldo.

4. Wala ng atrasan to. Once you apply, you apply. (LOL)

5. Gagawin niyo din lahat ng gusto or ipapagawa naming.

You agree? Sign here.

___________________     _____________________

So ayun yung mga agreements. Lima lang naman. Kaya sa tingin ko kaya naming ni Sierra yon. Hahaha. Best friends in crime kami eh. So ayun, pinirmahan na namin. Wala ng atrasan to!

“You may start tomorrow.” Sabi ni….. Maxon? Aba milagro nagsalita?! OMG! Ang hot pakinggan ng boses niya! Promise!!

-----

A/N: Ayan. Hope you like it. Hahaha. Vote guys!! Short update again T____T

|4.19.14|

Unknown LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon