SIERRA
Una sa lahat, Hi! I’m Sierra Claire Mercado. Best friend ko si Zoe! Syempre, parehas kami’ng maganda eh. Hahaha!
Anyways, ‘eto ako ngayon. Nag-iisip ng plan kung ano yung magagawa ko para kay Zoe dahil hindi ko naman matanggihan dahil bina-block mail ako ‘kay Gab eh! Ang sama di’ba? Saan ang hustisya doon? :’(
And speaking of Gab. OMG lang! Siya kaya yung ultimate super duper mega crush ko ‘no! Ang gwapo niya kaya, kaya siya heartthrob sa campus eh! Oh di’ba? Saan ka pa? Hahaha! Kaya lang ma-chiks. Haaay, pero hindi pa din ako nat-turn off sakanya ‘no!
Oh, and speaking of Gab AGAIN. Hahaha. Habang naglalakad ako bigla sila’ng lumabas sa tambayan nila. Yes, may tambayan sila dito. Actually para sakanila lang yun. Para siyang condo pero hindi. May sala, mini kitchen tapos dalawang double deck na bed. Swerte nila ‘no? Wala eh, kaibigan nila ang anak ng may-ari ng school.
So ayun nga, bigla silang lumabas doon tapos ayun naririnig ko na yung mga pinaguusapan nila kasi ang lapit ko lang sakanila. Hahaha. Pero biglang parang tumigil ikot ng mundo ko. OA no? Hahaha.
“Grabe! Kailangan na natin humanap ng parang secret maids eh. Ang gulo na ng tambayan!” sabi ni Diego. Sh*t! ‘Eto na yung mga sagot sa kanina ko pa’ng iniisip!
Aba, hindi ko na pakakawalan pa yung opportunity ‘no. Para din sa kapakanan or safety ng secret ko. Hahaha. “Ah, e. Excuse me lang po ha? Hm, tama po ba yung narinig ko kanina? Na, nag hahanap kayo ng maids?” sabi ko. OMG lang! Nag-smile saakin si Gab my loves!!
“Uhm, yeah? Bakit Miss?” sabi ni Mir.
“Ahm, may alam kasi ako ng nangangailangan ng parang side line eh. Baka pwede siya diyan, tsaka ako din kase eh. Hehehe.”
-_____- kahiya, nadamay pa ako.
“Really? Oh, that’s good. Tomorrow after class, punta kayo sa tambayan. Thank you.” Sabi ni Gab. OMG, kenekeleg eke.
“What?! Agad agad tanggap na sila? Wala ‘man lang interview?” reklamo ni Maxon. Aba, marunong pala mag salita ito eh no?
“Ulol hindi pa natural. Kaya nga pinapapunta bukas sa tambayan diba? Tsaka hindi naman pwede ngayon, may pupuntahan pa tayo. Psh.” Sabi ni Gab. Hahaha, basag ka doon. Sina Diego at Mir naman tawa ng tawa. With matching hawak pa sa tiyan ha? Hahaha, kaloka.
“Uhm, sure. Sige. Bukas na lang.” sabi ko. Aba, di ko na pinakawalan syempre. Hahaha, matutuwa si Zoe nito hahaha.
“Sure na nga sige pa?” biro naman ni Mir, kahit kailan palabiro talaga ‘to! In na in sa mga jokes eh!
“Heh, sige na bye.” Sabi ko then umalis na.
Kaagad ko naman tinawagan si Zoe. Good new ‘to eh!
BINABASA MO ANG
Unknown Love
Novela JuvenilEDITING. Yeah, I'm in love with him but he didn't love me.