Chapter 3

5.1K 72 0
                                    

The next day, Gayle made sure that she looked exquisitely beautiful before stepping out of her room. Hindi niya rin aaminin na naghintay siya ng mga ten minutes sa harap ng pinto ni Sander. Plano niya sanang magpanggap na sakto ang pagkaka-sabay nila ngunit bigo siya. Walang Sander na lumabas.

Ipinagkibit-balikat niya 'yon at mabilis na lang na nagtungo sa dining room ng mga Benitez. She researched about them, especially about him, last night.

The Benitezes although known to own a vast land that they use for grazing their cattles are very lowkey and are not the type of people you usually spot on social functions no matter how prestige it is. Si Alexis Benitez lamang ang madalas na makikita doon dahil ito ang nagha-handle ng Alessandro Benitez Constructions o ABC.

Wala naman s'yang ibang nakita tungkol kay Sander bukod sa mga maliliit na impormasyon gaya ng lisensyado itong civil engineer at ang listahan ng iilang nagtagumpay na proyekto na ito ang humawak. She searched about his love life ngunit wala s'yang nakita. Hindi niya alam kung dapat ba n'yang ipagpasalamat 'yon.

Napawi ang masigla n'yang ngiti nang walang nadatnan sa hapagkainan. Nasa'n ang mga tao?

She looked at her cellphone and she saw that it's already a quarter before twelve. Masyado na nga s'yang huli para sa agahan.

Luckily, a house help kindly asked her kung ano ang gusto n'yang kainin. Imbis na sumagot ay tinanong niya kung nasa'n si Sander.

"Ay, wala ho, Ma'am. Nagpapastol ng mga baka 'yon sa umaga. Tapos nag-aasikaso ho yata nang pagbebenta sa hapon."

Tumango-tango siya. Nanghihinayang at hindi ito inabutan. Inimporma rin ng kasambahay na mamayang hapon pa 'to uuwi dahil marami pa itong gagawin kaugnay sa mga swerteng baka.

Matyaga niya itong hinintay sa mansion buong maghapon. Nag-alok pa ang matandang Don na papasamahan siya upang makapamasyal o 'di kaya'y sumama siya sa kanila ng Lolo niya ngunit tumanggi siya. She'd rather wait for him though. Inabala niya na lamang ang sarili sa paglangoy at pagse-cellphone.

Nag-aagaw na ang itim at kahel sa kalangitan nang nang nakita niya ang pagdating ni Sander mula sa pagkakaupo sa baitang sa harapan ng mansion. Nakasakay ito sa itim na itim na kabayo. Hakab na hakab ang matipuno nitong dibdib sa suot na itim ring t-shirt.

Swabe nitong pinahinto ang kabayo sa harapan niya. Mabilis naman s'yang tumayo sa inuupuan. Halatang sanay na sanay ito sa pagsakay doon dahil maliksi ngunit maingat pa rin itong nakababa. Tila ba kinausap pa nito 'yon bago ibinigay sa katiwala.

Nang makaalis ang katiwala at kabayo ay saka siya nito hinarap. Salubong na agad ang kilay nito kahit ang tamis ng ngiti niya. Ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob.

Saglit lang siya nitong tinapunan ng tingin saka naglakad na papasok. Alam yata nitong susundan niya rin. Lihim na umarko ang kilay niya. Aba, aba, mahilig magpahabol!

"Anong ginagawa mo at d'un ka pa talaga tumambay?"

Nagkibit-balikat siya. "Hinihintay kita eh."

Natigilan ito sandali pero hindi na nagsalita. Dumiretso ito sa kitchen kaya sinundan rin niya. Gaya ng buong mansion ay white at brown ang naging kulay sa kusina. At kahit moderno na ang mga gamit meron pa rin 'yung vintage Spanish feel dahil sa interior.

Tahimik lang sila nang makapasok sa kusina. Dumiretso si Sander sa ref at nang tila ba may naalala ay muli s'yang tinignan nito. Gayle was sure that he looked conflicted while looking at her.

Changing for SanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon