Tumayo si Sander nang huminto 'di kalayuan sa inuupuan nila ang isang kulay-pulang Ford F150. Sinalubong nito ang lalaking bumaba r'on. Inabot rin nito ang susing inilahad.
Nilingon siya nito. Gayle would bet his brow is arching. "Ano? Magpapa-iwan ka d'yan?"
Bago pa man siya makasagot ay tumalikod na ito at naglakad pasakay sa driver's seat. Mabilis naman s'yang tumayo at naglakad na rin papunta sa passenger side noon.
Wala silang imikan sa loob ng sasakyan. Magsasalita na sana si Gayle nang daanan lang nila ang mansion.
"We're going to the plaza," anito nang mapansin ang pagtataka niya. Iniliko nito ang sasakyan. Tumango na lamang siya.
Tahimik silang bumiyahe at ramdam niya ang pa-naka-nakang pag-sulyap ng katabi. She wasn't in the mood to talk though. Ito pala ang pakiramdam na hindi ka gusto ng taong gusto mo. Ito pala ang pakiramdam na kung ano pa 'yung ka-isa-isang pinangarap mo, hindi pwedeng mapa-sa'yo.
Gayle didn't even expect that this man beside him will be her greatest dream. For the longest time, she dreamt of falling in love. That's why for countless times she said yes to the countless guys who pursued her in the hopes that one of them might actually be the one.
But, no, none of them has been.
This man is the one for her. Her heart says so but his heart doesn't. And, that's what sucks. That's what is breaking her heart apart. Parang literal na pinipiraso ang puso niya sa katotohanan na 'yon.
Mas masakit pa dahil bago pa man pala sila magkakilala ng lalaki ay wala na s'yang pag-asa. By the way Sander looks at Naomi, only an idiot wouldn't notice how long he has been in love to her.
Nakalabas na sila sa malaking gate ng rancho nang magsalita ito.
"You want to eat?"
Pumangalumababa s'yang lalo sa bintana. Pinanood ang bawat puno, halaman, at alikabok na nadaraanan nila. Malayo ang rancho sa highway at sa mga kabahayan ngunit mabilis rin naman nilang narating 'yon.
"Gusto ko nang umuwi."
She knew he inhaled a deep sharp breath but he didn't speak. Imbis ay tumigil ito sa harapan ng isang convenience store nang hindi man lang siya inaya. Mas nainis yata siya.
Pero mas naiinis siya sa sarili. She wanted to get out of here but she also wants to be with him.
Mabilis rin itong nakabalik at may bitbit nang donut na binili r'on. Pati na rin bottled water.
"I don't know what type of foods you like but this should do for now. Kainin mo na 'yan at mabilis lang tayo sa pupuntahan natin."
Naka-nguso s'yang sumunod doon. Gayle doesn't know if he's really just a gentleman or he really just want him to fall for him even more. It frustrates her but melts her too at the same time.
Paubos na siya sa kinakain nang maingat nitong ipinarada ang sasakyan sa harapan ng isang boutique. She wiped her mouth at bago pa siya natapos ay nakababa na si Sander. Nakaikot na rin ito sa pwesto niya at naipag-bukas na siya ng pinto.
"Let's go."
"Anong ginagawa natin dito?"
Tumabi siya nang isinara nito ang pinto. Sumunod siya sa pagpasok nito sa boutique.
BINABASA MO ANG
Changing for Sander
RomanceShe purposely changed to deserve him because she believes that true love makes and changes people to become a better person but at one point in time he'll wish she didn't. TANGLED FATES SERIES #1: Change Duology Book 1