Roses Will Wilt (WAA ADMINS)

166 8 10
                                    

PROLOGUE 

Takot at kaba ang bumalot sa akin nang maunawaan ko ang nais iparating ng phone message na natanggap ko galing sa isang anonymous number. It said:

They’re waiting. I wonder how long they can bear the pain they are feeling right now. I hope you’re not too late to save them 

Nang mag sink-in sa utak ko ang maaring nangyayari ay agad na pinaharurot ko ang aking Lamborghini Veneno papunta sa bahay—na matagal-tagal na rin simula ng huli kong binisita. May kalayuan iyon sa highway at may pagkaliblib ang lokasyon kaya’t nahirapan akong makarating agad. 

Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mali ang kutob ko. Sana . . . Sana buhay pa silang maabutan ko. Iyan ang paulit-ulit kong usal upang pakalmahin ang sarili.

Patakbo kong tinungo ang lumang bahay na hindi kalayuan sa pinagparking-an ng sasakyan ko. Dali dali akong pumasok sa nakabukas ng pintuan pero agad din akong nahinto ng makita ko ang aking Ina na prenteng nakaupo sa may sofa, nakatungo at may hawak na libro.

“Ma! Akala ko—akala ko kung ano nang nangyari!” Agad akong tumakbo palapit sa kanya at mahigpit na niyakap siya, na sana hindi ko na lang ginawa.

Ramdam ko ang lamig ng katawan niya nang yakapin ko siya. Kasing lamig ng isang bangkay…

Unti-unting bumalik ang takot at kaba sa aking dibdib na may kasama pang lungkot at sakit. Unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay unti-unti ring bumabagal ang pagtibok ng aking puso sa kaalamang wala na ang aking ina. Patay na siya! Noon ko na hinayaan ang sariling umiyak.

Ayoko man, kinailangan ko pa ring pagmasdan ang kayang kabuuan. Balot ng Dugo ang kanyang harapang katawan na hindi kapansin-pasin sa puwesto niya kanina. Puno ng sak-sak at may tama rin ng baril. Halatang pinahirapan siya ng husto. Doon ko lang napansin na sa bandang puso niya—na puno rin ng dugo—may nakadikit na papel. At sa papel na iyon, gamit ang dugo’y may nakasulat. 

Miss your Daddy, Little girl? See him upstairs, I doubt if he’s still breathing.

R.A.

Agad sumigid ang kakaibang takot sa saking dibdib pagkatapos ko itong mabasa. Lalo pang bumuhos ang aking mga luha na tila walang katapusan. No! God please, no. Huwag pati ang daddy ko. Please…

Tumakbo agad ako sa itaas. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng makita kong may dugo ang seradura ng pinto. Nanghihina man ay nagawa ko pa ring sipain ang pinto para bumukas ito. Nanghihinang napaupo na lang ako sa sahig ng makita ko ang Daddy ko. Nakabitin.

Nakasabit ang leeg niya sa isang kadena. Balot rin ng dugo at may papel sa kanyang mga labi. Napayuko ako dahil sa hindi ko na kayang pagmasdan ang kinahinatnan niya. Parang hindi ko na kaya pang tagalan ang lahat ng mga nakita ko.

I was used to seeing things like this—people getting stabs, a person dangling in a ceiling, an individual being strangle or buried alive—I’m used to seeing crazy stuffs being done to people. But what’s happening here is an exception. This is my family for God sake! I didn’t expect coming home from work, seeing them dead dammit!

Patuloy lamang ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata at wala akong ginawa upang pigilin ang mga iyon.

 “Magbabayad ang may gumawa nito. Magbabayad sila!”

Pinilit kong maging manhid ang aking puso. Tumayo ako nang buong lakas at nilapitan ang Daddy ko. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang papel na nakadikit  sa mga labi nito.

Ooops! Sorry, Little girl but I’m afraid it’s too late. You’re too late! I’m an impatient killer so you better watch out and always be ready ‘cause I may stab your back and kill you right away. But before that, you should take care of your brother first ‘cause his name is the next one listed in my death list after your father’s. I hope this time, you’ll not gonna be late again. Good luck, Little girl!

—R.A.

Hindi ko na alam kung anong dapat na maramdaman. Halo-halo na ang emosyon sa aking dibdib. Gayon paman, nangigibabaw doon ang galit at takot sa kung ano pang puwedeng mangyari. In between rage and hysterical, napansin ko nanaman ang rosas na nakaguhit sa bandang ilalim ng papel matapos ang misteryosong initial ng killer. I make a mental note about the drawing. So, it’s the killer’s signature huh?

Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla kong naalala ang kuya ko. Agad kong kinapa ang pantalong suot ko at hinagilap ang cellphone ko. Tatawagan ko ang kuya ko.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang hiniintay ang kanyang pagsagot. Sana ligtas siya. Sana . . .

“Kuy—”

“Hey, Little girl!” Nanigas ang aking katawan ng marinig ang boses na iyon, lalo na ang endearment na itinawag nito sa akin. Please, no.

“Little girl, are you still there?”

“W-what—w-here is my b-brother, y-you bastard!” Nagawa kong sambitin matapos ang mahabang sandaling pananahimik.

“Hey, don’t be like that. Anyway, your brother’s dead. I just killed him.” parang tumigil sa pag-gana ang utak ko at parang namanhid ang buong katawan ko dahil sa narinig kong sinabi nito.

I was about to speak again when I heard the monster laugh. “You’re too late again, Little girl. I told you this would happen if you weren’t fast enough. And you are not, fast enough, what I mean. Now, there’s just you and me. Careful, Little girl, ‘cause I’m going to get you.”

Kasunod ng sinabi nito ay ang malalakas at mala-demonyong tawa nito. Pakiramdam ko ay naririnig ko ang pagtawa nito sa malapit, nararamdaman ang hininga nito sa paligid. Lumingon ako sa paligid upang masigurong walang ibang tao doon kundi ako lamang.

“No!” pasigaw na sabi ko habang patuloy ang pagtambol ng dibdib ko.

Napairit ako nang may maramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko. Panay ang sigaw ko ng ‘huwag’ habang tumatakbo palayo sa lugar na iyon. Ngunit kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay hindi ako naalis sa kinaroroonan ko.

“Huwag!”

“Hey, Darling? Wake up! The fashion show will be starting in 30 minutes.” Nagmulat ako ng mga mata at nabungaran ko ang mukha ng manager ko. Mukhang ito ang tumatapik sa balikat ko. At mukhang masamang panaginip lamang ang lahat…

I don’t know if I should be feeling relieve or what because lately, those same nightmare keeps on hunting me. Hinawakan ko ang mukha ko. May luha na palang pumatak sa mga mata ko. Nag-ayos na ako at muling nagmake-up para sa pagrampa ko. Matapos ang 30 minutes ay tinawag na ako.

“You’re next, Darling,” my manager announced.

I take a deep breath and with all confidence I naturally have, I got up with a sweet smile ready on my face that enticed them all. In my mind, I told myself that after this show, I’m going to pack my bags and I’m going home.

Roses Will Wilt (WAA ADMINS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon