Chapter 1

53 4 12
                                    

Pumarada ako sa gilid ng isang lumang gusali. Inilibot ko muna ang paningin sa buong paligid upang siguruhing walang nakakakita sa aking pagdating. I blew my bangs and take off my expensive shades then, I reel the window down to my side.

Creepy. Iyan agad ang pumasok sa isip ko ng makita ang buong lugar na kinapaparoonan ko. Umiiling na bumaba ako sa Lamborghini, binuksan ko ang trunk ng sasakyan at inilabas doon ang suitcase na props ko lang naman para makapasok sa loob.

Isinuot kong muli ang shades ko at pati na rin ang jacket and with a twitch of my brow walk straight-up to my entrance.

Gusto kong mapangiwi at mapamura dahil nagsuot pa ako ng four inches pumps samantalang plos bato at lubak pala ang daraanan ko. I roll my eyes to myself as a thought crept into my mind.

Part ‘yan ng disguise mo, gaga!

Yeah, right. Sana lang talaga at maging maayos ang lahat.

Nang makita na ako ng mga lalaking naka-itim na jacket—na puro panget—at may mga dalang semi-automatic na nakasukbit sa mga balikat ng mga ito ay agad tumutok sa akin ang mga mata ng mga ito. Para pa ngang gusto nang mag-laway ng mga ito.

Dapat lang! Sayang naman ang ayos ko kung hindi ako makakakuha ng ganoong reaksyon sa kanila diba? I put a smile on my face and voila! The goons are ready to kiss my heels.

“Ahm, Miss, anong kailangan mo?” nakangiting tanong ng isang lalaki na medyo maitim at balbasarado ang mukha. Sa simpleng pagsipat ay natantiya kong nasa five-three lamang ang taas nito, may kaliitan ang katawan at mukhang kayang-kaya kong patumbahin sa loob ng thirty seconds—oh, wait, let’s make it twenty five.

Nakangiti pa ring lumapit pa ako ng kaunti sa mga bantay. And with all the charms I have, I flutter my eyelashes as I started to speak to them.

“Hey, my boss send me here for business. My instruction is to send this suitcase straight to your boss and close the deal. He’s expecting me now actually.” Nagkatinginan ang mga bantay at sandaling nag-usap gamit ang mga mata. I took the time to measure them up.

Four of them outside and according to our findings, there are ten of them all in all. So it means, six of these bastards are with the girls inside.

Ang apat na nasa-line of sight ko ngayon ay madali nalang i-disarm. I can fight them, close combat dahil isang metro lamang ang pagitan ng dalawang nasaharapan ko sa dalawa pang nasalikuran ng mga ito. With my skill, kayang kaya kong makuha ang mga semi-automatic na dala ng mga ito bago pa man nila maiputok ang mga iyon.

Hindi rin naman magaganda ang built ng mga katawan ng mga ito. Ang tanging nakakatakot lang sa mga ito ay ang hitsura kaya siguro pumasa ang mga ito bilang mga goons. Kung sa bagay, panget naman talaga ang mga tauhan ng mga masasamang tao.

“Oy, Eseng, itawag mo nga kay Boss ito. Sabihin mo may magandang babae dito na naghahanap kay boss. Papatuluyin ba ito? Baka planted eh. Bilisan mo!” utos ng kausap ko sa kasamahan nito. Pinanatili ko naman ang ngiti sa aking mukha.

Alam kong hindi mabubulilyaso ang plano naming ito dahil totoo namang may-inaasahang kliyente ang mga ito ngayon. Isang matandang milyonaryo ang isa sa pinakamalaking parokyano ng sindikatong ito. At kadalasan ay nagpapadala ang matandang iyon ng tauhan upang makipagnegosasyon sa leader ng sindikato upang bumili ng mga babatang babae na ginagawang sex slave. I try my hardest not to fist my hands and throw punches to these living demons who are grinning in front of me.

Take it easy Kay, you’ll have your shot later. Pinahupa ko nalamang ang galit na aking nararamdaman sa isiping mamaya ay maigaganti ko na ang mga batang nasaloob ng abandonadong gusaling ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Roses Will Wilt (WAA ADMINS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon