Saan Ko ba dapat ito umpisahan?
O Meron ba akong dapat umpisahan?
Pero may Umpisa ba talaga?
Nagugulhan ka Na ba ?
Hindi ka Nag iisa
Ako din nagugulhan na
Sa Kung ano bang nararamdaman mo talaga
Hindi ako sigurado
Kung gusto mo ba talaga Ako
O niloloko mo lang ako
Hindi Ko Alam Kung IKAW ba'y seryoso
O isa lang tong laro para sayo
Hindi Ko Alam kung totoo ba lahat ng sinasabi mo
O magaling ka lang magsabi ng kwento
Gulong gulo na ako
Pero kahit na Ganoon
Nandito parin ako Ngayon
Sinusugal ko ang puso ko
Sa taong Hindi ako sigurado
Kung parehas ko ba ang nararamdaman
Dahil isa lang ang sigurado ko
Nakapasok ka Na Dito sa Puso ko
Pinilit ko Namang pigilan
Pero Wala e! Puso ang kalaban
Mahirap turuan
Kaya Kahit ayaw ko
Nahulog ako sayo
Ang masaklap Dito
Hindi ka palang handang saluhin ako
Kasalanan ko din siguro dahil naniwala ako
At Umasa Ako
Kahit Alam ko walang kasiguraduhan
Sa Kung ano ba talagang iyon
Nararamdaman
Kaya't itong tulang ito
Na isinulat ko lamang para sayo
Ay walang titulo
Katulad ng wala namang titulo
Hindi Ko Alam kung ano ang papel ko sa buhay mo
At Wala namang titulo
At kung ano ba talagang Meron Tayo.