ANG SINUMPANG BARRIO (One-Shot Horror)

1.9K 76 17
                                    

Awooooh... Kasabay ng pag-ungol ng aso ang pagkagising ni Verna, naalimpungatan ito dahil sa ingay na iyon. Babalik na sana sya sa pagtulog nang biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Hindi sya makagalaw mula sa kanyang pagkakahiga. Mas lalong tumindig ang kanyang mga balahibo nang may marinig syang ungol ng isang babae dahil sa sakit. Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil din ito. Ang paninigas ng kanyang katawan ay nasundan ng kilabot nang may tila bagang humawak na isang pares ng kamay sa magkabilang pisngi nya mula sa ilalim ng kanyang kama. Madiin ang pagkakahawak sa pisngi nya na animo’y binabaon ang ulo nya sa kama, ilang sandali pa, may naramdaman syang kuko na gumuguhit sa kanyang binti pataas, nang tingnan nya ito sa pamamagitan ng pagbaba ng kanyang mga mata, isang babaeng nakaputi na may mahabang buhok na nakaharang sa mukha nito ang tumambad sa kanya. Nasa itaas nya ito na kasalukuyang gumagapang palapit sa kanyang mukha. Hindi nya makita ang mukha nito maliban na lamang sa kanang mata nito na hindi natatakpan ng buhok nya na tirik na tirik na nakatitig sa kanya. Gusto nyang tumakbo pero hindi sya makagalaw, gusto nyang sumigaw pero tila tinakasan na sya ng kanyang boses. Palapit na ito sa kanya hanggang sa magkatapatan na sila ng mukha. Ngunit sa pagkakataong ito, humangin ng malakas dahilan upang mapawi ang nakaharang na buhok nito at makita nya ang kabuuang mukha nito.

“AAAAHHHHHH!!!!” sigaw nya, sa wakas nagbalik na ang kanyang tinig. Hindi sya makapaniwala sa nakikita nya! Basag-basag ang mukha nito at dinukutan pa ng isang mata. Naagnas na rin ang pagmumukha nito. Lumapit pa ito sa kanya at sinabing, ------

 “Verna! Gising! Binabangungot ka!” bigla nyang nahugot ang kanyang hininga nang magising sya.

“Ayos ka lang?” tanong ni Caisey. Nag-aalalang nakatingin din sa kanya ang mga kaibigan nyang sina Luanne, Rex, at ang limang taong gulang na kapatid nya na si Jay. Si Aaron naman na nagdadrive ay pasulyap-sulyap na tumitingin sa kanya sa pamamagitan ng rear-view mirror. Hindi pa rin sya makapagsalita dahil hindi sya makapaniwalang bangungot lang ang lahat. Agad syang napahawak sa pisngi nya. Hanggang ngayon, nararamdaman pa rin nya ang madiing pagkakahawak sa kanyang magkabilang pisngi. “Bakit namumula yang mukha mo?” tanong ni Luanne. Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya sa salamin na namumula nga ang magkabilang pisngi nya at ang pattern nito ay ang tila mga daliring humawak sa kanya sa kanyang panaginip.

“AAHHHHH!!!!” sigaw nilang lahat.

“Aaron! Dahan-dahan naman sa pagpepreno! muntik na kaming masubsob dito!” sigaw ni Luanne.

“May bigla kasing dumaang itim na pusa.” pagpapaliwanag ni Aaron. Bigla ring namatay ang makina, kaya kinailangan nya itong buhayin muli.

“Black Cat? Oh My Gosh! Bad luck daw yun!” nag-aalalang sabi ni Caisey.

“Sus! Kasalanan ba ng pusa na maging itim sya? Hindi iyon totoo!” sambit ni Luanne kay Caisey. Hindi na lamang sya pinansin ng dalaga dahil nalipat ang kanilang atensyon kay Aaron na sinusubukang paandarin ulit ang sasakyan.

Makailang ulit pang sinubukan ni Aaron na paandarin yung sasakyan ngunit hindi na talaga ito gumana pa. Kaya napagdesisyunan na lamang nilang maghanap ng matutuluyan.

Last week, napagdesisyunan nilang magbakasyon at nagprisinta si Aaron na maaari silang sumama sa barrio nila upang makipamyesta. Ngunit, hindi inaasahang mai-stranded sila sa masukal na parte ng probinsyang ito.

“Saan nyan tayo tutuloy? It’s already 9PM in the evening.” Nag-aalalang tanong ni Rex.

“Wala ring signal dito!” naiinis na sabi ni Luanne habang tinataas-taas ang phone nya.

ANG SINUMPANG BARRIO (One-Shot Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon