Facet

10 2 0
                                    

     Facet
One-shot story.

Her viewpoint

"Tara punta tayo kila Yan." aya sa akin ng best friend kong si Domie. Si Yan isa sa mga classmate namin iyon. Gumagawa kase sila ng dyaryo ng school. Balak sana naming manggulo sa kanya kahit saglit lang. Tiyak kase bored na bored na iyon. At isasabay na rin namin siya sa pag-uwi.

Sumunod na lang naman ako kay Domie. Pumunta kami sa room na inio-occupy ng mga journalist namin at editor ng dyaryo.

Pagpasok namin naabutan namin si Yan may dalawa pa siyang kasama sa loob. Yung isa si Aya, grade 9 student. Then yung isa doon na matangkad na lalaki ay si Grain Lyrill Vare, ka batch namen-grade 10, pero di namin classmate. Wala naman doon iyong adviser nila kaya pinatuloy na kami ni Yan.

Nangalikot lang kami ng nangalikot sa loob ng room. Tinitignan ang lahat ng mga gawa nila. Si Yan kase ang sa editorial cartooning kaya busy siya sa pagdo-drawing. Yung dalawa naman niyang kasama ay busy sa laptop nila. Di na lang namin pinansin, tutok na tutok din naman sila. Pero sabi ni Aya di naman daw kami nakakagulo kaya go lang kami.

Noong nabored na kami. Nagpatugtog naman si Domie. Sabay pasok naman ng isa pa nilang kasamahan, si Grace, ka batch din namin.

Pinapanood naman namin yung mga video na pinapanood sa amin ni Domie. About siya sa comparison ng korean songs and american song. Saglit namang may lumabas doon na song ng isang boy band sa side ng american songs. Isa sa favorite song ko iyong entry nila. Nakita ko naman na sumasabay sa pagkanta si Grain, pero di ko naririnig iyong boses niya. Favorite niya siguro iyong boy band na iyon.

May nalaman na naman ako sa kanya ngayong araw. Dati kase di sinasadya nalaman ko kung saan yung bahay nila. Kase doon kami sa village nila nag praktis noon ng cheerdance. Sakto katabi pala ng bahay nila iyong bahay ng kaklase ko, kaya ayun. Pero never kaming naging close since di naman kami classmates and idagdag mo pa yung war between our sections.

"Yaaahhh ang ganda niyan. Ang gaganda kaya ng song nila." sabi ko sa kanila habang tutok pa rin sa panonood, kahit paulit ulit ko nang napanood iyon. Pasulyap sulyap pa rin kay Grain, hanggang sa matapos ang kantang sinasabayan niya. I wonder, maganda kaya ang boses niya? I love singing dudes pa naman.

"Oo nga." sabat naman ni Yan na nakikinood na rin pala, kasama si Grace. Isa kasi siyang k-pop fan, parang si Domie, kaya ayun chikahan sila ng nalalaman nila. Wala naman akong masyadong alam doon kaya nananahimik na lang ako.

Nung nagsawa na akong manood, dahil na rin ang daming part noon at napanood ko ng lahat eh umupo na lang muna ko sa side ni Grain- two chairs away from him.

Nanghablot ako ng isang maliit na papel at sign pen na nakakalat sa lamesa. At inumpisahang i-drawing ang favorite cartoon character ko- si Spongebob. Hilig ko talaga siyang i-drawing noon pa man. Habang sila busy sa panonod ako naman nagpapaka-expert sa pagdo-drawing. May narinig naman akong mahinang tawa mula sa right side ko. Nakita kong sa peripheral vision ko na umiiling iling pa si Grain habang natatawa ng mahina, habang nakatutok pa rin sa laptop. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Pero akala ko talaga iyong drawing ko ang pinagtatawanan niya. Buti naman hindi, nakakahiya.

Pagtapos kong i-drawing si Spongebob itiniklop ko ng isang beses iyong papel at sa harap naman noon, nag-lettering ako ng pangalan ko.

"Woi. Tara!" sabay hatak sa akin ni Domie sa gitna ng room.

"Ha? Bakit ba? Anong gagawin natin?" I asked her curiously.

"Edi magsasayaw." at biglang nilamon ng tugtog ang buong room. Tsk. Kahit kailan talaga ang babaeng ito. Walang pinipiling lugar, kahit saan go lang magsayaw.

FacetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon