Chapter 3***
[Tanya Pov]
Kakauwi ko lang ng bahay na basang basa ,bigla akong sinalubong ni mama na alalang alala sakin
"Ano bang nangyari huh ?" nag aalalang tanong nito
Napatitig nalang ako sa mga mata ni mama saka napahinga ng malalim sa mga nangyari kanina
Flashback
Ramdam ko na ang ginaw dahil habang tumatagal ,palakas ng palakas din ang buhos ng ulan .
Andito pa rin ako sa kalsada habang nakaupo .Hindi ko alam kung bakit ako !Bakit ako yung pinapahirapan ng ganito
Peeepppppppppp !
O_O !!!
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng marinig ang nakakabinging busina ng kotse pero imbis na umalis ,hindi ko to pinansin
Naramdaman ko nalang na parang tumigil na ang ulan .Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko pero may napansin ako
May lalaking nakatayo sa likod ko at may hawak itong payong habang nakapamulsahan .Hindi ko siya maaninagan dala ng madilim na rin ang paligid
Bigla siyang umupo sa harapan ko at dun ko lang nakita ang mukha niya
Hindi ko siya kilala ....
Pero kung idedescribe ang hitsura niya
Chinito ang mata
Walang emosyon ang mukha
Maliit ang labiSaka ....
Cute siya pero wala akong pakialam
Bigla niyang iniabot sakin ang isang panyo .Pagkatapos nun ay muli siyang bumalik sa kotse niya inisip ko na baka aalis na siya pero bumalik ito dala ang isang makapal na jacket na isinukbit niya sa nanlalamig kong katawan