Chapter 1

726 3 0
                                    

Chapter 1

**
[Tanya Pov]

Nakakapagtaka ...

Ilang araw nang hindi nagtetext sakin si Nicko.Dati naman kada paggising ko may goodmorning na kaagad siyang text sakin pero hindi naman yun big deal sakin dahil alam ko namang hindi lang sakin umiikot ang mundo niya may mga bagay din dapat siyang ginagawa na siya lang ang nakakaalam.Ganun ako kabait na girlfriend kay Nicko dahil sobrang mahal ko siya

Agad na akong tumayo mula sa higaan ko para ihanda ang uniform na isusuot ko papuntang school

Third Year highschool na ako ngayon at isang taon nalang magkokolehiyo na ako.Kailangan kong mas magfocus sa pagaaral balak ko din kasing kumuha ng scholarship para hindi na masyadong magastosan sila mama sa pagkokolehiyo ko

Si mama isa lang siyang housewife na sumaside line sa pagtitinda ng ihaw ihaw sa harap ng bahay namin.Si papa naman ay isang OFW sa Japan

Hindi kami mayaman pero masaya kaming pamilya.Kahit maliit ang kita ni mama sa pagtitinda ng ihaw ihaw at isang buwan bago magpadala si papa sumasakto naman sa mga pangangailan ko bilang nagiisang anak nila

Pagkatapos kung mag ayos ay agad na akong bumaba para mag almusal .Pagkababa ko ay agad na bumungad sakin si mama na abala sa pagluluto ng mga paninda niya

"Oh anak gising kana pala ?Halika na rito at sumabay na tayong mag almusal" bungad niya sakin ng makita niya akong papalapit sa kanya

"Nakatulog po ba kayo ?" Nagaalala kung tanong rito

"Ay aba ako pa ba ?Malakas si mama anak kaya huwag ka nang mag alala diyan ,kain na " Nakangiti nitong sabi sakin

"Baka naman ho pinapabayaan niyo ang sarili niyo ?Baka nakakalimutan niyo aakyat pa kayo sa stage para sumabit ng medalya ko"

"Syempre naman anak ,kahit na subsub ako sa trabaho, di ako nagpapabay sa katawan ko .Kumain na tayo at baka malate ka pa sa school mo"

Hindi na ako nakapagsalita dahil ramdam kong masaya si mama at masayang masaya din ako dahil nandiyan siya.Sila ni papa at Nicko

Pagkatapos naming kumain ay agad na akong nagpaalam para umalis papuntang school.At dahil wala kaming kotse o motor araw araw akong nagkukumyut papuntang school

***

Halos tatlumpong minuto din akong bumiyahe ,buti nalang at hindi matindi ang traffic kaya tuloy tuloy ang pag ddrive ni manong

Papasok pa lang ako ng gate ng may marinig akong pamilyar na boses

"Tanya !!" sigaw ni Swekis.Ang bestfriend ko since first year highschool

"Oh bakit parang pagod na pagod ka ? San ka ba nanggaling ?" suwestiyon ko dito ng nagtataka

"Sumama ka sakin ! Bilis !"

Hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla niyang hatakin ang kamay ko

"San ba kasi tayo pupunta !? " sabi ko sa kanya ng nagtataka

"Basta" matipid niyang sagot sakin

Ngayon ay papunta kami sa likod ng isang sirang school .Isang tagong lugar na kung saan hindi ko pa napuntahan

"Bumalik na kaya tayo  Nakakatakot dito !"pangaalok ko sa kanya

Nakita ko na may kung ano siyang sinisilip .Ngayon ay nakatago na kami sa gilid ng poste

" A-no ba kasing ?"

O_O

Natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko si ...




Si Nicko na may kahalikan !

Parang dinudurog ang puso ko.Hindi na ako nakapagsalita at ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mata ko

Aakmang susugod na sana ako ng bigla akong pigilan ni Swekis

"Bes,hindi muna ngayon.Halika na malalate na tayo"

Hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito.Nagtaka rin ako kung bakit pinigilan ako ni Swekis

Dahil sa panghihina ko ay wala na akong nagawa.Naramdaman ko nalang na nasa room na kami.Nagtutuloy tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko ,sobrang sakit ! Sobra !

Hindi ko akalaing magagawa niya sakin yun .

"Okey ka lang ba ?"sabi ni kesh na nag aalala din sakin

Hindi ako makapagsalita

Naramdaman ko nalang ang pagyakap sakin ni kesh at dun mas lalo akong humagulhul ng iyak

Natapos na ang klase at buong maghapon akong tulala .Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala sakin si Nicko

Bigla nanamang may namuong mga luha sa mata ko pero agad ko naman tong pinunasan at  napahinga ng malalim

" Okey kana ?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si kesh na katatapos lang din maglinis ng room

Tinango ko nalang ang ulo ko para sabihing okey na ako kahit hindi

"Tara na ? "

Hindi na ako nakasagot at nauna ng lumabas .Sumunod naman si kesh na kanina pa ako tinitingnan

"Gusto mo ba sumabay kana sakin pauwi ?"

"H-hindi na .Kaya ko naman"

"Sigurado ka ?"

"Uhm-m"

"Sige .Ingat ka bes .Naghihintay na si Manong  sa labas mauuna na ako hah ?" suhestiyon ni kesh sakin

"S-sige"

Yun nalang ang nasabi ko.Niyakap niya muna ako bago tuluyang lumayo sakin

Andito ako ngayon  sa labas habang naghihintay ng sasakyan

Bigla nanamang nagsink in sakin ang mga nakita ko kanina .Naramdaman ko na may pumatak nanamang mga luha galing sa mata ko pero agad ko  naman na pinunasan

Napatingin ako sa langit .Mukhang uulan pa ata

Aalis na sana ako para lumipat ng aabangan pero napahinto ako ng may tumawag sa pangalan ko

"Tanya"

Dahan dahan akong lumingon para tingnan ang pamilyar na boses .Ganun nalang ang mabilis na pag agos ng luha ko ng makita ko ang lalaking dahilan ng pag iyak ko buong maghapon

"N-nicko ?"

Yun nalang ang nasabi ko .Pagkatapos nun ay sumabay din ang pagpatak ng malakas na ulan

To be continue ...
















"I LOST HER VIRGINITY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon