PROLOGUE [OUR LOVE STORY]

391 11 4
                                    

Wala rin naming patutunguhan to Ash eh! Sabihin mo na! Sabihin mo ang totoo sa babaeng ito!” sigaw ni Gail habang ako ay nakatali sa upuang kahoy. Kaharap ko si Ash na nakatali rin tulad ko. Paano nga ba kami napunta rito? Hindi ko na rin matandaan. Sobrang sakit ng ulo ko. Si Gail tinuring ko siyang kapatid, kaibigan, pamilya. Pero ba’t niya ako ginanito? Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya?

Ano na? Ash! Sasabihin mo ba o papatayin ko siya?” muling sigaw ni Gail. Hindi ko sila maintindihan. Anong pinagsasabi ni Gail? Anong aaminin ni Ash? Hindi ko sila maintindihan. Natatakot ako kay Gail. Hindi ko maitindihan ang nangyayari. Masaya naman kami ah, we both celebrate our success sa BAR ni Ruby. But, what happened? Parang panaginip lang ang nangyari, ang kasiyahan ang lahat.

Ayaw mong magsalita ash? Matigas ka? O sige! Madali lang naman akong kausap eh!” sabi ni Gail tsaka kumuha ng kalibre kwarenta’y singko sa table na katabi niya at itinutok iyon sa akin. Napapikit ako tsaka mahinang napaiyak sa takot na baka maiputok niya ang baril. Ayos lang sa akin na ako ang mapahamak pero kung kasama ang anak namin ni Ash. Hindi pupwede. Mamamatay ako kapag ginawa niya yun.

Ano Ash! Magsasalita ka o hindi!” biglang sigaw ni Gail. Tumingin si Ash sa akin bago tumingin kay Gail.

P-please tama na Gail! Susundin ko ang gusto mo, wag mo lang saktan ...

“P*tang in*ng yan! Ayaw mo ha!” sumigaw ulit si Gail at sa pagkakataong ito kinasa niya ang baril.

Babarilin ko siya! Magsasalita ka o hindi!” tanong ulit ni Gail kay Ash. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Gail. Mahina akong humikbi, ayokong madamay ang anak namin dito. Kung meron mang dapat mamatay ako lang. Wag nang idamay ang batang walang alam. Humikbi muli ako.

Oo! Magsasalita na ako! Ibaba mo na ang baril mo, please Gail! Baka mabaril mo siya” pagmamakaawa ni Ash kay Gail.

Babarilin ko talaga ang babaeng ito, lesheng buhay! Ba’t ko ba to binuhay eh dapat pinatay ko na to eh. Silang tatlo nina Sapphire at Ruby” sabi ni Gail tsaka binaba ang baril na hawak niya. Para siyang tangang nakangiti sa akin. Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganitong sitwasyon.

Makinig ka J-jade, alam m-mo bang p-pinaglaruan lang k-kita? A-ang ganda mo l-lahat ng l-lalaki m-magkakandarapa m-maligawan ka lang! P-pero kahit g-gaano ka pa k-katalino, p-para sa akin b-bobo ka p-pa rin! Bobo ka kase ako ang pinili mo!” sabi ni Ash. Tinignan ko siya habang nagsasalita, hindi ko mawari kong totoo ba ang pinagsasabi niya o hindi. Pero kahit ano pa man iyon. Nasaktan ako! Sobra! Kahit biro man iyon, nasaktan ako. Ano bang nakain mo Ash at nagkaganyan ka?

H-hindi k-kita m-maintindihan A-ash” parang nabasag ang boses ko sa pagkakasabi nun. Hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin yun. Mahal ko siya. Pero bakit niya gagawin sa akin ito? Sa amin ng anak niya?

Gusto ko lang malaman mo na ginamit lang kita! Gusto ko lang makipaglaro sayo. Ang katawan mo lang ang habol ko! Pagmamahal? T*ngina! Wala yan sa bokabularyo ko! Ang laki mong tanga Jade! Andyan na nga ang mabait at tagapagtanggol mong si Mikael sinaktan mo pa! Kunsabagay, bobo ka! Hindi kita mahal Jade! At kahit kailan hindi kita minahal kahit konti man lang!”sabi ni Ash sa akin. Pagkatapos nun ay yumuko siya. Umiiyak ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Sobrang sakit ... hindi ko ata kakayanin to. Tumingin ako kay Gail, siya ang may kasalanan ng lahat ng to! Ngumiti siya sa akin, yung ngiti niya nung magkaibigan pa lang kaming apat. Binaling ko kay Ash ang atensyon ko na nakayuko pa rin. Hindi ko mawari kong umiiyak ba siya o ano. Gusto kong malaman mula sa kanya ang totoo.

A-ash! Tingnan mo ako, n-nagbibiro k-ka l-lang d-diba?” nauutal kong sabi. Nagsisimula nang pumatak ang luha mula sa mata ko. Hindi niya pa rin ako tinignan. Nakayuko pa rin siya. Hindi ko alam kong pawis o luha ang pumapatak sa semento.

S-sabihin m-mong h-hindi m-mo n-na ako m-mahal A-ash! Tingnan mo ko!” sabi ko ulit sa kanya. Hindi pa rin siya kumikibo patuloy pa rin akong umiiyak sa harap niya.

Busht! Ang drama niyo! Tutal nasaktan ka na rin lang naman Jade! Lets end this up! Para isusunod ko na rin yung mga lesheng nakaharang sa akin!” sabi ni Gail tsaka kinuha ulit ang kalibre kuwarenta’y singko at itinutok sa akin.

Goodbye Jade! See you in hell!!!” sigaw ni Gail tsaka hinugot ang gantilyo ng baril.

At may naramdaman akong tumama sa katawan ko. Tatlong putok? hindi ko alam basta alam kong natamaan ako. Unti-unti akong bumagsak sa sahig. Pumatak ang luha sa aking mga mata.

T*ng ina Gail! Nangako kang hindi mo siya sasaktan!Ginawa ko ang gusto mo!” narinig kong sigaw ni Ash. Pagkatingin ko sa kanya nagpupumilit siyang kumawala sa pagkakatali niya. Narinig kong umiyak bigla si Gail.

Jade! Jade! Jade!” sigaw ni Ash sa pangalan ko. Unti-unti akong nanghina. Nanlalabo ang mata ko. Nakaramdam ako ng konting init sa katawan ko. Nakita ko ang dugo na dumadaloy sa semento. Marahan akong umiyak at unti-unti akong kinapos sa paghinga. Nakita kong gumapang papalapit sa akin si Ash. Umiiyak ba siya? Hindi ko alam. Gusto ko mang sabihin sa kanya na may anak na sana kami hindi na ako magkapagsalita.

Jade! Mahal na mahal kita! Please, wag mo kong iwan!” narinig kong sabi ni Ash sa akin. Bago ako mawalan ng malay may narinig akong serena ng mga pulis at ang pagsigaw ni Mikael sa pangalan ko.

Oh my! Jade! She’s not breathing! She’s not breathing! Help me here!” huling katagang narinig ko ang pagsigaw ni Ruby.

And then my world went black ...

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon