"Oras"

1.6K 18 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang tulang ito ay tungkol sa lalaking,

sineryoso at aking pinaglaban pero sa huli
 
ako rin ang nang iwan.


Isang buwan na,

Isang buwan na simula nang tayo'y nagkalayo.

Isang buwan na walang usapan.

Isang buwan na walang kamustahan.

Isang buwan na walang awayan,

At Isang buwan narin ako nagpapakita ng
pekeng ngiti.

Kahit sa loob ko'y puro pighati.




Isang buwan na nasasaktan at patuloy na nasasaktan,

Isang taong tinig mo ang laging 
pinakikinggan

Isang buwan na walang iba kundi
ikaw lang.

Isang buwan na simula nang ako at ikaw ay bumitaw


Araw-araw umiiyak sa sakit

Araw-araw nakatulala habang
tumitingin sa mga litrato nating dalawa.

Araw-araw naghihintay na baka may
pagasa pang mahulog a sa iba.

Araw-araw sinusubukan na baka pwede pa

Araw-araw nalang bang ganito?O

tatanggapin ko nalang ba na hindi pa
talaga handa ang puso kong ito.

Araw-araw ang sakit at pighati

Araw-araw nagdadasal na tayo'y magkabati

Araw-araw nagmumukmok sa sulok ng 
kwarto mag-isa

Araw-araw tinatanong sa sarili kong kaya
ko pa ba.

Araw-araw naghahanap kung saan-saan baka ika'y makita pa

oo,araw-araw at gabi-gabi akong 
humihiling sa mga bituin na sanay ako
parin ang sigaw nang iyong damdamin.


Ilang oras ang ginugol ko kakaisip at
kakahanap ko sayo

Ilang oras kong sinubukan na baguhin ang
aking pagtingin.

Ilang oras ako naghihintay na mapansin
mo

Ilang oras ba ang nasayang ko kakabantay
sayo.

Oras na nga ba para akoy huminto at
buksan ang sarado kong puso?

Minu-minuto akong umaasa na maibsan

ang sakit

Minu-minuto gustong maramdaman ang 
yakap na sobrang higpit.

Minu-minuto napapapikit ata tinatanong sa
sarili kung bakit?

Tadhanay pinipilit na tayo'y magkalapit sa mundong maliit.

Kaibigan,Huwag ipagkait at pangakoy akoy
magpapakabait

Sigundo nalang at matatapos na ang tulang
ito.

Sigundo nalang ata mawawala na ang 
puwang na nakabara sa usong lito.

Sigundo nalang at masasabi ko nang laya
na ako.

Laya na ako sa mga kamay na humihila sa
akin pabalik sayo

Sigundo nalang at maiibsan na ang pa'it

Ilang sigundo nalang at matatapos na ako 
at panagako tatapusin kona rin ang
kagustuhan kong magakabalikan tayo




Random Spoken Poetry (English & Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon