Chapter 12: Don't Leave Me

1 0 0
                                    

Author's Note

Hey guys so here's your trivia.

Naisipan kong isulat itong story na ito, mga twelve ng gabi. Hindi pa kasi ako inaantok at bored. So ayun, napagtripan kong magsulat ng story. Ilang beses akong pinatulog ni mama kasi alas dos na ng madaling araw ay gising pa rin ako kakaisip sa magiging plot, characters, at marami pang iba. Pero hindi ako nagpatigil, kaya ngayon,nandito kayo, reading my story :)

**********

Janet's POV

"We have to tell her!"

Napatingin tuloy kaming lahat kay Caroline.

"Hindi pa ito ang tamang panahon." Pagtutol ni Serena.

"Pero kailan ba? Kailan ba ang tamang panahon?" Sabi naman ni Yvette. Humawak naman si Yves sa balikat ni Yvette,"Oo nga. And besides, we have to tell her before it's too late. We have to tell her  while there is still time." Dagdag niya.

Kanina pa ako hindi nagsasalita dito kasi naguguluhan ako. Kailan ba titigil ang mga Noxians para kunin si Alondra? Mali, ito dapat ang tanong. Titigil ba sila?

"When I was lying on the floor, alam kong nag-uusap sila. Pero hindi malinaw ang mga salita nila." Sabi ni Yvette.

"Nag-uusap?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Opo. Hindi malinaw ang lahat, pero may narinig naman akong iilan na siyang naintindihan ko. At kasama na dito ang pag-uusap nila tungkol kay Cristina."

Nagulat ako sa sinabi ni Yvette. Si Ate Cristina? Bakit siya?

"This is bad. We have to know all the things they've talked about." Payo ni Caroline.

Sumangayon kaming lahat sa sinabi niya.

"Pero alam niyo po, pagkatapos ng usapang ito, kapag nakita na ulit natin si Alondra, sigurado po akong marami siyang itatanong." Lumapit si Yves sa lamesa at sumandal doon.

"It's true." Pagsangayon ni Yvette." And we'll have to tell her everything. About us, about the real reason behind the abduction attempts-" tumingin siya sa akin na puno ng pag aalala sa mga mata niya.

"And about the gems of creation."

----------

Alondra's POV

"I-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Mali kasi. Mali na sabihin ko iyon, lalo na't alam kong iiwan ko din siya.

"I-I'm sorry." Napayuko ako at umiwas ng tingin.

"W-what do you m-mean you're sorry?" Utal niya sagot. Nanginginig ang boses niya.

"I'm sorry. B-but I don't feel t-the same way. I-I do not love you." Mahinang sambit ko. Parang tinusok ng isang libong karayom ang puso ko pagkasabi ko noon.

Aaminin ko na, gusto ko siya. Gusto ko na siya. Napakasweet, caring at mabait. Bonus pa yung hitsura. Kaya naman full package na.

Pero hindi ito ang tamang panahon para unahin ko ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Napatingala ng lng ako ng makitang may tumulong luha. Tinignan ko ang mukha niya. Puno iyon ng sakit. Tears were streaming down his cheeks. And it breaks my heart because I know I'm the reason behind all of those.

"I-I'm sorry." Iyon na lang ang kaya kong sabihin.

Agad ko namang naramdaman na bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tumalikod siya at tuluyan ng umalis without saying a single word.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Naiwan ako duon sa garden na nakatayo. Nakatingin sa kawalan. At nararamdaman ko na umiinit na ang gilid ng mga mata ko.

Magus: The Gems Of CreationWhere stories live. Discover now