Prologue

4.5K 93 18
                                    

More than ten years ago.


MADALING-araw nang dumating ang bus na sinakyan nina Spike sa Naga City galing sa Batangas. Buong gabi din silang bumiyahe dahil malayo talaga ang Bicol region at hindi puwedeng maging kaskasero ang driver. Mga estudyante kasi ang karamihan ng pasahero bukod pa sa mga teachers at ilang provincial government officials. 

Pero sa kabila ng mahabang oras ng pagkakaupo sa bus ay tila hindi alintana ng 16 years old na binata ang pagod at puyat- mas excited siya dahil sa wakas ay natupad na ang isa sa mga pangarap niya- ang makapaglaro para sa lalawigan ng Romblon. Bata pa siya ay gusto na talaga niyang maging delegate sa Palarong Pambansa. Lahat kasi ng mga pinsan niya ay nagrepresent ng kanilang lalawigan- nasa lahi nila ang paglalaro ng volleyball. Kaya naman pagtuntong niya palang noon  ng first year highschool ay yun na talaga ang tinarget niyang goal- na bago mag-college, kailangan maging player siya ng lalawigan. Kayanaman kahit napahaba ng biyahe dahil nagbarko muna sila mula Romblon hanggang Batangas bago bumiyahe papuntang Naga, masaya pa rin si Spike.


This is it. Nakangiti pa ang binata nang bumaba ng bus. Naka-shorts ito, tshirt, rubber shoes at sports jacket. Bitbit ang backpack, pumila siya kasama ang mga ka-team para makuha ang traveling bag na naglalaman ng mga gamit.


"O, huwag kayong magtulakan diyan ha. Hindi tayo nagmamadali dahil nandito na tayo sa magiging quarters natin," wika ni Mrs. Lopez, ang coach ng women's volleyball team nila. "Yung mga babae dito na dumiretso. Hayaan niyo na ang mga lalake diyan."


"Hi Claudell," bati ni Spike sa team captain ng women's volleyball team. Maikli ang shorts ng babae at nakatali ang mahabang buhok. Crush niya ito kaya naman todo pa-cute siya kahit hindi pa nakakapag-almusal. "Ako na ang magbibitbit ng bag mo, mukhang mabigat e."


"Okay lang, kaya ko naman," sagot ni Claudell. Taga-ibang school ang dalagita, hindi sila madalas magkita kaya naman gusto niyang sulitin ang bawat oras na nasa Bicol sila.


"Uy Spike, ang aga-aga e nanliligaw ka na. Uminom ka muna ng gatas para tumangkad ka pa!" Asar-talo siya kay Dax, ang kasama niya sa team. Alam kasi nitong patay na patay siya kay Claudell kaya lagi siyang tinutukso. Dati ay palihim lang, pero lately ay harapan na siyang binubuko nito.


Pinandilatan niya ng mata ang lalake pero tila hindi ito affected. Sa halip ay natawa pa ito ng malakas. Napakamot tuloy siya ng ulo saka lumayo kay Claudell. Bitbit ang sariling traveling bag ay sumunod na siya sa mga kasama para makita kung saan sila matutulog.


Pero dahil sa kakalingon niya sa grupo nina Claudell, hindi tuloy niya namalayan ang nakasalubong.


"Aray, ano ba?!"angal ng nakabangga niya!


Napaatras si Spike sa magkahalong gulat at takot. "S-sorry."


"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo," mataray na pahayag ng nakabangga niya.


Hindi siya sure kung lalake o babae ito- matangkad kasi, bagama't payat ay siksik at may muscles ito, maikli ang buhok pero boses babae. Sasagot pa sana siya pero hinila na siya ni Dax palayo.


"Ano ka ba naman. Sa lahat ng makakabangga mo, si Malaya Torres patalaga!" sita sa kanya ng kasama. 


"Ha? Yun ba si Malaya?" Nagulat din siya sa nalaman. Nilingon pa niya ang papalayong babae.


Of course kilala niya ang pangalang binanggit. Legendary volleyball player from Region 1. Mataas tumalon, malakas pumalo ng bola and when she goes for a killer spike, natatakot na ang mga kalaban!


"Oo, siya yun. Nabugahan ka na ng apoy di ba? Iwasan mo na yan at baka mabato ka pa ng bola."


"Aba, e di sasaluhin ko. Ako pa ba?"


Hindi naman sa nagyayabang siya pero alam niyang wala pang bolang napunta sa direksyon niya ang hindi niya nasalo o napigilan. Para que pang halos araw-gabi siyang nagti-train ng volleyball?


"Ewan ko sa'yo." Itinulak siya ng bahagya ni Dax papunta sa isang double-deck bed. "Baka matulog ka pa ha?"


"Ako, matutulog? Nandito ako para manalo ng medal!" Inayos na niya ang gamit saka nag-ready para lumabas at makihalubilo sa ibang atleta.



"BULAG ka ba?"


Horrified si Spike nang makitang natapunan niya ng dalang sopas ang babaeng nasa harap niya. And of all people-- si Malaya Torres na naman!


"S-sorry--" hindi niya alam kung papano hihingi ng dispensa. Nakatingin kasi siya kanina kina Claudell sa may gilid ng cafeteria at hindi niya namalayan na may kasalubong na pala siya.


"Ikaw din ang bumangga sa akin kanina," wika ng dalagita. "May galit ka ba sa akin?"


"Ha? Naku, wala.. sorry... sorry talaga."


"Walang kuwenta ang sorry kung paulit-ulit ka namang gumagawa ng kasalanan!" Yun lang at tumalikod na si Malaya. 

Nakita ni Spike na nakatingin sa kanya ang lahat. Andaming witness sa kanyang embarrassing moment! Kung puwede lang na lumubog siya sa isang mangkok na sopas, ginawa na niya. Dahil sa naturang insidente ay naging usap-usapan siya ng mga atleta. The SORRY BOY. Malaya's Victim. Madaming naging bansag sa kanya. Hiyang-hiya tuloy siya. Kaya naman he did everything para iwasan si Malaya. Mas naging focus siya sa training at sa games dahil hindi na siya nakipaghalubilo sa ibang atleta for fear na baka magkrus na naman ang landas nila ni Malaya. The girl was his biggest nightmare. 



Present

NATAWA si Spike nang maalala ang kanyang Palarong Pambansa days. That experience was glorious and very memorable. Nakapag-uwi siya ng medalya pero kasama na din ang trauma dahil kay Malaya.  Hindi na nawala sa isip niya ang pangalan ng babae. Ni hindi na rin siya tumingin sa mga volleyball players na babae because they reminded him of Malaya. 


Nang pumasok siya sa PMA ay hindi na siya nag-volleyball. Mas nag-focus siya sa martial arts and target shooting- something na talagang napakinabangan niya when he joined the Scout Rangers nung maka-graduate. Tuluyan na niyang nakalimutan ang kahihiyang inabot sa Palarong Pambansa. Ngayon nga lang uli niya naalala ang experience nang makita ang isang volleyball event sa tv. 

Ang hindi niya alam, senyales na pala yun dahil nakatakda na namang magkrus ang landas nila ni Malaya!


The Cavaliers: SPIKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon