Chapter Two

1K 50 7
                                    

NI MINSAN ay hindi sumagi sa isip ni Spike na sa isang presinto sila muling magkikita ni Malaya Torres, ang kanyang nightmare noong high school. At kahit mahigit isang dekada na ang nakakaraan, hindi pa rin niya nakakalimutan ang babae. Kilala pa rin niya ito- after all, same face, same height, same built. 

Although may mga significant changes kay Malaya- like hindi na ito bata gaya ng dati, nag-mature na ito, may kulay na ang mahabang buhok na naka-pony tail at mas lumakas ang dating ng personalidad nito, but it was still her. Maikli ang suot na dark blue shorts ng babae kaya lalong lumabas ang mahaba nitong legs, gray na sports shirt at naka-rubber shoes. 

"Bakit ikaw ang dinala dito sa presinto?" narinig niyang tanong ni Malaya kay Yumi. "Saka sinabihan na kita di ba? Huwag kang pupunta sa mga matataong lugar na hindi mo kabisado!"

Nakita niyang tumingin sa kanya si Malaya. Agad naman siyang umiwas ng tingin kahit wala naman siyang dapat ikatakot. He didn't want her to recognize him! 

"E kasi ate.... yung supplier ko po kasi ng merchandise--"

"Don't tell me, dahil na naman sa kaka-KPOP mo kaya ka nadala sa presinto?!! Oh my God!"

"Di ko naman kasalanan, ate. Kahit sino naman puwedeng mabiktima ng snatcher kahit hindi KPop fan!" paliwanag ni Yumi na nakayuko. Naawa tuloy siya sa bagets. 

"Yan na nga ba ang sinasabi ko! Kaka-fangirling mo na yan ang magpapahamak sa'yo! Wala ka nang ginawa kundi ubusin ang pera at oras mo sa kaka-suporta sa mga Koreano! Wala namang nadudulot na maganda sa'yo ang kaka-KPop at KDrama mo!" 

"Excuse lang ha," sabad niya na hindi na nakatiis. "Masyado naman yatang harsh yang statement mo. Wala namang masama sa KPop at KDrama, huwag mo namang idamay ang lahat."

"Teka, sino ka?" tiningnan siya ng masama ni Malaya. "Ikaw ba yung snatcher?"

"Naku ate, hindi! Siya yung tumulong sakin!" maagap na salo ni Yumi. Namumula itong napatingin sa kanya, hiyang-hiya. "Sorry po. Pasensiya na kayo."

"So sino ang officer in charge dito? Puwede bang siya na ang kausapin ko?"

"Miss, ako po." Sa wakas ay nagsalita ang pulis na nasa isang tabi, halatang shocked din ito sa mala-armalite na pagtatalak ni Malaya. 

Lumapit sa isang mesa ang pulis para ipakita ang report kay Malaya. Naiwan sila ni Yumi sa isang tabi. 

"Pasensiya ka na sa kapatid ko ha? Ganyan talaga yan... matapang magsalita at strikto. Pero mabait naman siya."

"Suplada pa rin si Malaya hanggang ngayon," nasabi niyang bigla. "Di pa rin nagbabago. Nakakatakot pa din." It was too late nang marealize niya ang mga sinabi. 

"Teka, bakit mo alam ang pangalan ng ate ko? Wala naman akong binabanggit ah?" Nagtatakang tanong ni Yumi. 

Patay, sa loob-loob niya. He had no choice but admit na kilala niya si Malaya by name. Pero di siya aamin na kinatakutan niya ito noon!

"Natandaan ko lang siya.. nakasabay ko siya sa billeting center. Pareho kasi kaming naging delegate noon sa Palarong Pambansa."

"Talaga? Athlete ka din pala?" Nagliwanag ang mukha ni Yumi. "Wow, ang galing ha. Anong sport mo?"

"Volleyball. Isa ako sa nagrepresent noon ng probinsiya namin sa Palarong Pambansa." 

"Si ate din, ilang beses na nagrepresent sa Palaro. Tapos varsity siya ng college at nag-National Team pa nga."

"Ows?" Tumango si Yumi, halatang proud sa kapatid.

Hindi niya alam na nakapasok sa National Team si Malaya. But then again, ilang taon din siyang nasa bundok after mag-graduate sa PMA kaya hindi na niya masyadong nasubaybayan ang mga sports news. 

The Cavaliers: SPIKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon