CHAPTER 6: Flips hair to the second level

105 3 0
                                    

Cassy Yu POV

As usual maaga naman akong pumasok sa school at maaga din naman natapos ang klase ko kaya napagdesisyonan ko munang pumuntang library.

"Hi Mam Yu! ingat po sa pag uwi" bati ng isa kong studyante.

"Bye! Take care okay?" I said.

Tumango na lang siya at nagpaalam na. Well, kung tinatanong niyo kung nagkita naba kami ni Drake, well hindi pa dahil hindi pa ready ang beauty ko na i-meet siya! Flips hair!

Paano ko naman siya mame-meet eh kulang na lang kainin nako ng buhay ng lalaking yun! Pero hindi niya ko matatakot no. Sino siya sa akala niya?

Hmp! Bahala na nga kung makita ko siya ngayong araw! Eh ano naman --

"Da api pigs"

What the! kakasabi ko palang pero nakita ko na agad siya!

Anong ginagawa niya dito sa library?

Ano bang ginagawa sa library Cassy?

Che! manahimik ka konsensya. Masyado mong ini-stress ang beauty ko! Hmp.

"Da api pigs!"

Pffft! Api pigs? Ano yun?! Loko talaga ang lalaki nato.

"Hoy Drake!" sigaw ko sa kanya.

"Ay! Baboy!" sagot niya dahil sa pagkagulat.

Sinamaan ko siya ng tingin, ako baboy? ang ganda ko namang baboy. flips hair!

"Ano ba Yu! bat ka nang gugulat dyan?!" He said na parang nainis.

Well, maganda kasi talaga ako kaya ginulat kita!

"Tss! sabi ng di ka maganda eh!" Sabi niya sakin.

Pang ilan nato ha?! I admit. Mind reader ang lalaking to! Beware!

"Tse! ano bang binabasa mo?" Tanong ko sa kanya.

Pinakita niya sakin yung libro na The Happy Pigs. Ano ba yan!

"Drake! wag na to ang basahin mo" sabi ko sa kanya at saka kinuha yung libro at binalik sa shelve niya.

Nanghalukat ako ng ibang libro and there nakita ko na! Yehey!

"Drake, ito na lang ang basahin mo, maraming words ang matutunan mo dyan kay Cinderella" masayang sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya at hindi ko maipinta ang mukha niya.

"Ayoko niyan! pang babae yan. Gusto ko itong Da Api pigs" confident niyang sabi sakin.

"Drake, The Happy Pigs yon hindi Da Api pigs" pagtatama ko sa sinabi niya.

"Pakyalam mo ba? Yun na din yon!"

"Tss sungit!" Bulong ko.

"Hoy narinig ko yon! Atsaka hindi kopa nakakalimutan ang ginawa mo sakin kagabe!" He shout.

Ay! Oo nga pala. Hehe bat naalala niya pa kase!

"Sorry naman!" I said.

Tiningnan niya lang ako at kinuha muli yung libro na Da api pigs kuno niya.

"Hey! Excuse me! Do you speak english?" Sabat na tanong ng isang foreigner na kakadating lang dito.

"A-a-a-ah" utal utal na sabi ni Drake at tinuro ako.

"Her?" Tanong ng foreigner.

Huh? Bat ako?

"Me? Not me! He's good in english" turo ko kay Drake.

I Fell Inlove With My Tutor [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon