Pagmamahal Ko sa Wika

33 2 0
                                    

Wika? Ito yung ginuntuang salita ng mga Pilipino
Wikang ating kinagisnan simula pa nung namulat tayo
Wikang dapat tangkilikin
Sapagkat dito tayo nagsimula at umasenso
Mga bayaning inalay ang buhay para sa kalayaan ng Pilipino

Ngunit kung ikay isang tunay na Pilipino, bakit asal at diwang  maka amerikano?
Tinangkilik ang wikang banyaga kesa wikang kinagisnan, isa ka ba talagang Pilipino?
Pinagpalit ang wika dahil ito ay nasa uso?
Ngayon kung lahat ng Pilipino ay ganyan pano tayo aasenso?

Lahat naman tayo nais magkaroon ng magandang buhay at maunlad na bansa
Ngunit sa pinapakita natin ay di tugma
Kung pinoy ka sa isip at gawa
Patunayin mo rin maging sa salita

Wikang tinuran at buhay na binuwis
Naway ating bigyan pansin at pasasalamat
Wag sanang kakalimutan dahil itoy nagbigay liwanag sa ating mga kaisipan
Nagbuklod ang bansang Pilipinas upang tayo ay magkaisa
Lumikha at magpalaganap ng ating wika

Ang di magmahal sa kanyang salita dapat igisa sa kanyang mantika
Huwag nating payagan lalo pang masakal
Nitong kinagisnang isipang kolonyal
Mahalin at yakapin ang wikang Filipino
Dahil ngayon may karapatan na tayo na magpahayag ng sariling opinyon para sa pagbabago

Itaguyod lagi ang sariling atin
Pagibig sa bayan laging panatilihin
Dahil tayong mga Pilipino din ang makikinabang
Sa ating bansang sinilangan

Sabi nga ni Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Huwag nating hayaan na makain tayo ng sistema ng ibang bansa
Kung kayat ipagmalaki natin ito ng buong puso at tapat
Mahalin natin ang sariling wika para patuloy na umunlad ang ating bansa

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon