Chapter 2: RUN!!!!!

9 0 1
                                    


Chinee pov

Nagising ako dahil may naamoy akong gas. Wait! GAS?!! Dali dali akong bumangon napabangga pa ako sa upuan arghhh ang sakit.

Minulat ko ang aking mga mata nakita ko nakabaliktad ang sasakyan namin. Ang sakit ng katawan ko! Lalo na ang ulo ko. Nilibot ko ang mata ko sa sasakyan uunti lang kami sa loob seguro tumilapon sila ng nabangga ang sasakyan namin.

Nung gumalaw ako ay lalong sumakit ang katawan ko. Shit! Ang sakit! Yun pala madami bubog na nakatusok sa katawan ko seguro galing toh sa bintana.

Kahit mahirap ginising ko si Elaine may dugo sa noo niya. Unti unti siyang nagmulat ng mata gaya ng akin nagulat din siya at nahilo masakit rin seguro ang ulo niya.

"C-chinee anong nangyari?"tanong nito.

"Nabangga tayu"sabi ko ginising ko rin si Ashley, John Rico, Kate, Ursula , Erika nasa labas seguro yung iba.

Umalis kami sa sasakyan dahil kumakalat na talaga yung gas maya maya sasabog na ito.

"Ang sakit ng katawan ko"sabi ni John Rico

"Awww.. Ano bang nangyari?"Sabi ni Erika

Nakita ko yung iba kong kaibigan nakahiga medyo malayo sa sasakyan. Ginising ko sila tumulong narin sila Ursula.

"A-a-ano yan?" Napabaling kaming lahat kay Grace meron siyang tinuturo.

Sa bandang kalsada nakita ko may nakahigang lalaki tapos may isang babae na parang kinakain niya ito. The fuck! Ano yan cannibal?!!

"AHHHHH!!!" Lahat kami nagulat ng sumigaw si Annika kaya tumingin sa amin yung babaeng kumain ng laman loob gross!

Bigla na lang naglakad yung babae saamin parang pamilyar siya ahh siya yung muntikan nang mabangga ni manong Bert. Wait asan si manong Bert? Tumitingin ako sa paligid pero wala talaga si manong Bert hanggang napadako ako kanininang kinakain nung babae . Lumakas ang tibok ng puso ko pamilyar siya pamilyar na pamilyar, wag mong sabihin na si m-m-manong B-b-bert iyon. Oh my god!!! Npaluha ako, bakit kailangan danasin ni manong Bert iyon?

"Kyahhhhh!!!" Sumigaw yung iba saamin daahil sa nakita. Ngayun ko rin napansin na may ang gulo ng kalsada tapos may mga katulad rin yung babae. Dahil sa sigaw nila marami tuloy nagsipuntahan saamin na ibang tao pero parang hindi sila tao kundi katulad sila nung babae..

"RUN!!" Hindi ko alam kung sino nang sumigaw pero tumakbo na kami sa sobrang taranta.

Shit! Hinabol pa kami! Sino ba sila?! Hindi pala ANO BA SILA?! takbo lang kami ng takbo . Shit! Imbis na tumakbo kami para hindi masundan e dumame pa sila nakakainis! ANO NA BANG NANGYAYARI?! Kanina lang na pinuntahan nila ako sa bahay para pumasok sa school pero hindi inaasahan na accident kami tapos
ganito na. Wait?! Si ALEX?!!!

"ALEX!!!!" sumigaw ako para marinig ni Alex ang boses ko.

"Guys!! NAKITA NIYO SI ALEX?!!" sabi ko. Nag aalala ako, nasaan na ba yung bata na yun?!

"ANDITO SIYA SAAKIN CHINEE!!!" Napatingin ako sa bandang unahan namin nakita ko si Lorenzo karga karga si Alex na umiiyak. Oh god thank you.

"A-aray" mahinang sabi ko. Kumikirot ang mga sugat ko lalo n yung bubog sa may hita ko napwepwersa dahil natakbo ako.

"Okay ka lang Chinee?"Tanong ni Jai saakin tumungo na lang ako dito.

"Uungghollll!!!"

"Huhuhu!!!!"

" Wahhhh!!!"

Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon