Ursula pov
"Chinee anong gagawin natin sa labas, bakit kailangan pa natin na lumabas? Kung safe naman dito?" tanong ni Bless. Napatigil ang lahat sa kakulitan nila ng nagtanung si Bless seguro curious rin sila sa tanong ni Bless.
"Alam mo kasi Bless kailangan natin na lumabas dito sa bahay nato dahil kung pano makapasok yung mga zombie dito?, Pano kung maubusan tayu ng mga pagkain? At pano kung may mga survivor pa na tulad natin. Anong gagawin natin dito? Magpakasaya habang ang mga ibang survivor na ngangailangan ng tulong?. Oo nga delikado sa labas pero may mga ibang tao pa naka survive na nangangailangan ng tulong natin." ngiing sabi ni Chinee sa totoo lang bilib ako kay Chinee e napaka open ng isipan niya tsaka mabait pa Bestfriend ko yan.
Kita ko na nag isip sila sa sinabi ni Chinee sa kanila ako rin e syempre sasama ako sa labas at mag hahanap ng mga iba pang survivor. Ay ako nga si Ursula David isa sa mga bestfriend ni Chinee sabi niya yun ako at si Jai lang kasi pinag titiwalaan nun , yeah tahimik na tao si Chinee at parang walang pake alam sa mundo pero masarap siyang maging kaibigan. Ay may kapatid ako bata rin kasama niya si mama nasa Amerika buti nga andun siya sana walang virus doon.
Namimiss ko na sila matagal narin na huli kaming nagkita e mga 3 years na rin seguro...
"Anong plano??" tanong ni Erika
" Pupunta tayu sa likod ng bahay na toh tapos sasakay tayu sa kotse na kinuha nila John Dave tapos aalis tayu at pupunta muna tayu sa bahay nila Ryan titignan natin kung andun pa sila tita Rowena." Sabi ni Chinee wow as in wow bagay siyang maging leader promise nung nag activity kasi kami dati hindi siya nagiging leader dahil yung iba naming kaclassmate ang nagiging leader palibhasa kasi mga inggitero at inggitera.
"Okay ba yun?" tanung ni dakilang leader Chinee 😂
"Ma'am yes ma'am" sigaw namin sabay salute , oh diba ang galing namin? Napatawa na lang si Chinee ng mahina at napailing ang ulo. Pustahan tayu nasa isip niyan e mga baliw kami.
"Kaya natin ito!"sigaw ni Mika
"Wohhh!!!"
"Wag kayung mag papakagat sa mga zombie ha"sabi ni Mizpah
"Kami pa malakas kaya kami" payabang na sabi ni Lorenzo , malakas daw??
"Okay ready na?" sabi ni Chinee
"Ready!" sigaw namin at hawak sa mga armas namin.
"1"
"2"
"3"
"go!"
Binuksan ni Chinee yung pinto sa likod kaya tumakbo na kami sa van na nakita namin. Rinig namin yung mga ungol ng mga zombie grabe ang papangit nila.
"Pasok, pasok, bilis" sigaw ni Chinee kaya dali dali kaming pumasok.
"Growwwlllll!!!!"
"ughhhhhhh!!!!!"
Pag kapasok namin sa van e sinarado na toh ni Chinee sa driver seat si Daniel at katabi nito si Joanna at Annika. Inestart na ni Daniel yung van at pinaandar na ito, binangga niya pa yung gate hahhaa yupi.
"Yuhoooo!!!"
"nakakaba yun ah" sabi ni Elaine.
"oo nga!" sabi rin ni Florence.
Tumingin ako sa likod may salamin kasi yung mga zombie nag sisitakbuhan saamin grabe ang dami parang silang tsunami guys buti nalang mabilis itong van kundi naku naku madedo na kami nito....
BINABASA MO ANG
Zombie Apocalypse
Bilim KurguMay thirty-Four na magkakaibigan simula ng pagkabata nila. Madami na silang pinagdaan ng problema sa buhay. Pano na lang kaya kung may mas mahirap na problema na dadating sa kanila? Kakayanin kaya nila? o Susuko na sila?