Chapter 33: Jealous Shane

52.9K 747 15
                                    

Pagkatapos umalis ni Uno para ihatid ang fiance niyang si Queeny, pinatulog ko muna si baby Chan saka ako bumaba para maghanda ng dinner ni Uno. Kumain na ako agad pagkatapos dahil ayoko makasabay si Uno sa pagkain, ewan ko ba kung bakit pero ayokong marinig ang mga paliwanag niya. Sigurado naman akong sasabihin niya lang na hindi niya alam ang tungkol sa engagement nila, na bata pa siya non at wala pa siyang muwang sa mundo, na hindi niya talaga gusto si Queeny at ako talaga ang gusto niyang makasama.

"Hay!" Napabuntong hininga nalang ako habang kumakain ako.

"Bakit parang senyales na ito mula sa langit na mali iyong ginawa kong desisyun na sagutin si Uno? Wala pa nga kaming isang linggo, nagkaproblema na agad. Hindi lang problema kundi malaking problema pa. Paano naman ako makikipag compete don sa Queeny na iyon? Eh pangalan palang niya reynang reyna na siya. Siya na !"

Kahit na gutom na gutom ako, parang wala akong gana dahil sa dami ng inisip ko. Kaya niligpit ko nalang iyong pagkakainan ko. Inihanda ko na iyong pagkain ni Uno para pagdating niya makakain na agad siya.

Umakyat na ako pagkatapos saka ako naghanda para matulog na. Matutulog ako ng maaga ngayon. Ayokong makita si Uno at buksa ng maaga aalis ako kasama si baby Chan.

"Pero may pasok pala bukas. Haay.." 

Pero atleast hindi ko makakasama sa iisang bubong ng buong araw si Uno bukas.

Nahiga na ako at pinilit na matulog pero sa kasamaang palad hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit ganun. Parang ang sakit sakit sa pakiramdam. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. 

"Huhuhuhu!" Nakakainis na talaga. Ayoko an umiyak. Tama na iyong iniyak ko kanina. 

Pero lumipas ang dalawang oras at hindi pa rin ako makatulog. Siguro dahil sa gusto ko talagang hintayin si Uno, sinisilip ko sa bintana kung dumating na ba siya pero wala pa ang sasakayan niya.

"Ano kayang nangyayari? Bakit kaya wala pa sila? Malapit na mag 9 pm."

Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakahintay kaya naman tumabi ako sa crib ni baby Chan para titigan siya sa pagtulog. Wala na talaga akong ibang magawa. Habang tinititigan ko si baby Chan, napaisip ako na parang magkahawig sila ni Uno.

"Hmm.. Nababaliw na kasi ako kakaisip kay Uno kaya pati si baby Chan napagkakamalan ko nang mukhang Uno."

Tumayo na naman ako at nagpabalik balik ng lakad malapit sa kama ko. Ilang beses ko na rin tinitignan ang oras pero hindi pa rin bumabalik si Uno.

"Tama nga ang hinala ko. Nagpapanggap lang si Uno na gusto niya ako pero ang totoo gusto niya talaga ang fiance niyang mayaman, sexy at maganda. Tss!"

Humarap ako sa full length mirror  saka ko tinitigan ang sarili ko.

"Maganda naman ako..Medyo sexy rin naman ako..May maipagmamalaki rin naman ako sa sarili ko kahit papano. Pero kung pera lang talaga ang pag-uusapan, walang wala ako."

"WAAA!! NAKAKAINIS!!!"

Itinapon ko ang sarili ko sa kama saka ko kinuha iyong unan at niyakap.

"Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Bakit sobrang tagal nika? Hindi kaya nag dinner sila kaya natagalan sila?"

Agad akong tumayo at tumakbo pababa ng hagdan. Naiinis ako sa sarili ko. Inisip ko pa naman si Uno pero iyon pala iyong sarili lang niya at ang fiance niya lang ang laman ng utak niya.

Niligpit ko iyog hinanda ko kay Uno saka ko tinapon sa basurahan. Alam ko masamang magtapon ng pagkain pero hindi ko lang talaga maiwasan.

Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kay Uno.

"BWESETT!!!!" Napasigaw nalang ako dahil sa sobrang pagkainis ko.

Kinuha ko iyong cellphone ko at tinawagan si Mitchie.

(Oa mo Shane ha. Syempre pagsubok lang iyan. Isa pa nakikita ko talaga kay Uno na seryoso siya ngayon. Huwag mo na masyado isipin iyong fiance niya. Hindi lahat ng arrange marriage eh successful.)

"Kung ganun eh bakit hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon?"

(Baka na flat iyong tire niya. Baka nagkaproblema lang. Oa mo naman. Nagseselos ka noh?)

"Ako nagseselos? Hindi noh. Sa tingin ko hindi naman iyon nagkaproblema sa sasakyan dahil kung ganun nga nangyari sana tumawag siya."

(Nagseselos ka nga.)

"Hindi nga sabi!! Tss. Bye na nga!"

Dahil hindi ko rin naman makausap ng matino si Mitchie, binaba ko nalang iyong cellphone. Tss. 

*beep* *beep*

Bigla nalang akong nataranta pagkatapos kong marinig ang busina ng kotse ni Uno. Agad naman akong tumakbo sa taas dahil ayoko siyang makita. Magpapanggap na lang akong tulog.

Pagkalipas ang sampung minuto narinig ko nalang na kumakatok si Uno sa pinto.

*tok* *tok*

"Shane? Gising ka pa? Sorry nahuli ako. Nagkaproblema lang kasi. Pwede bang pumasok?'

"Tss. Nag ka problema daw pero ang totoo niyan eh nag enjoy siyang kasama iyong fiancen iya kaya siya natagalan." Mahinanag sambit ko habang nasa ilalim ako ng kumot ko.

"Tulog ka na yata. Bukas nalang tayo mag-usap."

-HGHM-

Ayoko talaga sana makita si Uno pero hindi ko rin naman kasi siya maiiwasan. Buti nalang at may pasok ngayon, hindi ko siya makakasama ng buong araw.

"Onga pala Shane. Iyong tungkol kagabi sorry dahil gabi na ako nakauwi, nagkaprob..."

Pagkukwento ni Uno habang kumakain siya ng breakfas at nag papakain naman ako kay baby Chan ng food niya.

"Okay lang iyon.." Sambat ko kahit hindi pa na tapos ni Uno iyong sinasabi niya.

"Hindi mo pa nga naririnig lahat sabi mo nang okay?"

"Hindi ko naman kailangan ng paliwanag eh. Syempre fiance mo siya, ako naman katulong mo lang.."

"Girlfriend kita Shane."

"Patungkol pala diyan Uno, sa tingin ko hindi tama na may relasyon tayo dahil may fiance ka na."

"Hindi ko siya fiance."

"Fiance mo siya. Huwag na nga lang natin tong pag-usapan. Naiinis lang ako."

"Nagseselos ka ba?"

Tanong ni Uno sa'kin habang may pilyong ngiti sa labi niya.

"HINDI!"

"Hahaha. Nagseselos ka eh. Ganyan ka pala mag selos ha. Hahaha. Shane, maniwala ka, hindi ko talaga fiance si Queeny. Mapapatunayan ko iyan pagdating ni Mommy. Magiging maayos din ang lahat kaya pagkatiwalaan mo lang ako.'

Kahit na nagseselos nga ako, gusto kong maniwala kay Uno. Ramdam ko naman iyong sinseredad sa sinabi niya kahit papano. At kahit na wala talaga ako kumpara ka Queeny, ayokong isuko nalang basta basta si Uno.

-HGHM-

Dahil hindi na namin kaya ni Uno na pagsabayin ang pag-aaral at pagbabantay kay baby Chan sa tuwing may pasok, naisipan na namin siya na ipasok sa baby care para naman safe siya. Hinahatid namin siya ng 9 am at kinukuha naman namin siya ng 5 pm.

"May tiwala ka naman sa'kin diba?" Tanong ni Uno sa'kin habang nasa kotse niya kami. Kararating lang namin sa shool. Hawak hawak niya ang isang kamay ko habang nakatitig siya sa'kin.

"Oo Uno." Sagot ko.

Tumango naman siya at ngumiti kaya ngumiti na rin ako.

Paglabas namin ni Uno ng kotse, naglakad na kami papunta ng school building. Pero nagulat nalang kami nang bigla nalang sumulpot sa kung saan si Queeny.

"Queeny?" Sabay naming bulalas ni Uno.

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon