Chapter 40: Back together

49.2K 717 13
                                    

Lumipas ang ilang araw at hirap na hirap na kami ni Uno na itago ang relasyon namin sa Mama niya. Dumating na kasi ang mama ni Uno at hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang tungkol relasyon namin ni Uno. Kung si Uno lang talaga ang tatanungin, gusto na niyang sabihin sa Mama niya ang totoo pero ako iyong pumipigil sa kanya dahil natatakot ako.

Bago pa lang kami ni Uno at ayokong matapos agad ang sa amin. Ewan ko. Pero malakas ang kutob ko na hindi ako magugustuhan ng mama niya. 

"Son? Tumawag na ba sa'yo si Queeny? Hindi ko kasi ma contact." Tanong ng Mama ni Uno habang kumakain silang dalawa. Ako naman, nasa gilid lang at nagse-serve ng juice sa kanila.

"Hindi Ma eh. May sadya ka ba sa kanya? Tawagan mo na lang."

"Mag di-dinner sana tayong tatlo para naman mapag-usapan na natin ang tungkol sa inyo. Hindi ko kasi ma-contact."

"Baka busy lang."

*riing* *riing*

Tumunog ang cellphone ng Mama ni Uno at agad naman niyang sinagot ito. 

"Business. I'll see you later son. Susubukan kong tawagan ulit si Queeny mamaya."

Tumayo na ang mama ni Uno kahit hindi pa siya tapos sa pagkain niya saka niya nilapitan si Uno para halikan ito sa pisngi. Kinuha niya iyong bag niya sa taas saka niya ako binilinan na ako na daw bahala sa bahay at sa anak niya.

Pagkatapos kong isara ang gate, bumalik na ako sa loob. Nagulat nalang ako ng bigla nalang akong niyakap ni Uno.

"Na miss kita Shane." Mahinang sambit nito.

"Ang OA mo. Araw-araw naman tayong nagkikita ah." Sambit ko.

"Kahit na."

Gusto ko ring sabihin kay Uno na namiss ko siya pero nahihiya lang ako. Ewan ko ba, pero parang gusto ko nang dumistansya ng konti kay Uno. Pero ayoko naman siyang hiwalayan dahil mahal ko siya. 

"May problema ba?" Tanong niya.

"Wala naman. Magbibihis lang ako para maihatid na natin si baby Chan sa center at para makapasok na rin tayo sa school.

-HGHM-

"Sige dito nalang muna ako." Pagpapa-alam ko kay Uno.

"Shane, sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ni Uno at tanging tango lang ang sagot ko saka ako naglakad papalayo sa kanya.

Hindi pa man ako nakarating sa loob ng classroom ng bigla nalang may yumakap sa akin ng mahigpit mula sa likod ko.

"Shane.. Thank you.."

Paglingon ko, si Queeny pala. Kitang kita ko sa mga mata niya ang tuwa but at the same time naiiyak siya.

"Para sa'n?"

Bago ko pa man tanungin si Queeny, parang may hint na ako kung tungkol saan ang pagpapasalamat niya pero gusto ko pa rin siguraduhin iyon.

"Dahil sa ginawa niyo ni Uno. Shane.. Nagkabalikan kami ni Jed.."

This time, ako naman ang yumakap kay Queeny dahil sa sobrang tuwa ko. Atleast, nakunan ang bigat na nararamdaman ng puso ko. Ang mama nalang ni Uno ang iisipin ko.

"Masaya ako para sa inyo Queeny. Masayang masaya ako."

"I'm sorry Shane ha?"

"Para sa'n?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang bitawan.

"Dahil pinilit ko ang sarili ko kay Uno kahit na alam ko na may relasyon talaga kayong dalawa." 

"Tama nga si Jed. Alam mo na talaga ang tungkol sa'min. Bakit di mo sinabi?"

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon