Chapter 1

9 0 0
                                    

CHAPTER 1
3rd person POV

"Asan ang pera cherry?!" Galit na sigaw ng di kilalang lalaki.

"Wala na akong pera Solomon!!" Umiiyak na tugon ng babae.

"Anong wala?! Di mo ako maloloko! Ilabas mo na!" Pilit pa niya.

"Wala na nga, ipinambili ko na ng gamot ng anak mo." Mahinahon na tugon niya.

"Bakit mo ba sinasayang yung pera natin sa walang kwentang batang yun??" Tanong nito.

"Sinasayang?! Yan ba ang tingin mo sa ginawa ko?! Solomon anak mo yun!!" Di makapaniwalang sigaw niya.

"Wala namang silbi ang batang iyon!" Napipikong sagot nito.

"Napaka walang puso mo talaga!!" Hindi makapaniwalang sigaw nito

"Matagal na cherry, kaya kung ako sayo ibigay mo na yung hinihingi ko bago ko pa saktan ang anak mo!" Pag babanta pa nito.

"Subukan mo Solomon! Mag kakamatayan talaga tayo!" Hindi natatakot na tugon niya.

"Marunong ka nang mag banta ngayon cherry huh?" Nakangising tanong niya.

"Lahat gagawin ko para sa anak ko!" Matapang na sabi niya.

"Mapapairal mo pa kaya yang tapang mo, kapag sinaktan ko na yung taong pinoprotektahan mo?" Nakakalokong tanong nito.

"Sinasabi ko talaga sayo Solomon mag kakamatayan talaga tayo!!" Nasisigurong banta nito.

"Cherry, kapag nag banta ka siguruhin mong kaya mong gawin hahaha." Pang aasar pa niya.

"Kaya kitang patayin maligtas lang yung anak ko gag* ka!" Pilit pa nito.

"Palalagpasin ko to ngayon cherry, pero sa susunod na ulitin mo yang pag sagot mo sakin. Malilintikan ka." Pag babanta nito bago umalis

Pag kaalis ng asawa dumiretso agad siya sa kwarto kung saan natutulog nang mahimbing ang kanyang anak.

Naawa siya para sa sariling anak. Dahil kahit anong pananakit ang gawin sa kanya ng ama nito ay Hindi niya maipag tanggol sa takot na baka sa kanya magalit ang asawa.

"Anak, pag pasensiyahan mo na si nanay ha? Alam kong nahihirapan kana sa sitwasyon natin, pero wala parin akong ginagawa. Pangako anak simula ngayon ay po-protektahan na kita sa ama mo." Umiiyak na bulong ni cherry sa anak na natutulog.

"Nakapag ipon na si mama kung sakaling may mangyari sakin, secured na future mo. Sa mga perang naitabi ko maari ka ng makapag aral hanggang makatapos ka ng kolehiyo sa kursong gusto mo." Wika pa nito na tinutukoy ang trustfund.

Oo, nag tatago siya ng pera sa sakim niyang asawa. Kung hindi man siya kasama nang anak niya sa pagtupad nang mga pangarap nito, the least that she can do is to secure her son's dreams.

May ilang milyon na ang pera sa trustfund ng anak niya na binuksan niya nung mga panahong marangya pa ang pamumuhay nila. Ngayon ang gagawin na lang niya ay masigurong Hindi malalaman ni Solomon ang tungkol sa ipon niya.

"Anak kaya ko ito ginagawa dahil alam kong hindi titigil ang tatay mo hangga't di ka nasasaktan, kagaya nang ipinangako ko sayo, I will protect you no matter what happen. Kailangan ko munang mamatay bago ka niya masaktan." Puno ng emosyong sabi niya sa anak.

Lahat nang mga bilin niya ay nirecord niya, dahil kung totoo man ang kanyang hinala namaaga siyang mamatay, kahit papano'y makikilala siya ng anak. Itinago niya ito sa ilalim nang kanyang kama.

Lumipas ang mga araw lumala si Solomon, araw-araw ay nag hihinala ito na may lalaki siyang iba. Palagi siya nitong binubugbog, hinahayaan na lamang niya dahil baka pag buntunan nito ang Walang kamuwang muwang na anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ill Czar  (LOVE IN DISARRAY SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon