Ito na po uli ang update ko..hope you like it..
~~~~~~~~
Ria pov
Mayroong lumapit na mga lalaki, sa amin ng aking mga kaibigan,ninais na magpapakilala at makipagkaibigan.. Nagpakilala na ang dalawang lalaki pero ang nakablack na polo shirt ay mukhang natahimik sa isang tabi, at ang kaibigan niya na mismo ang nagpakilala sa kanya....
Ang ganito sinabi ni Jay, Hi... magagandang binibini,maaari bang magpakilala ako nga pala si Jay, ito naman si Michael at itong nakapolo shirt na itim ay si Matt.
Napatingin ako sa sinasabi niyang si Matt,sapagkat parang kilala ko ang pangalan iyon. I think narinig ko na iyon dati o somewhere, hindi ko lang matandaan kong saan ko narinig,kaya naman tinitigan ko siya ng maigi baka sakaling makilala ko siya at hindi nga ako nagkamali dahil ng ito'y ngumiti sa aking harap. Ako ay napatayo at napaturo sa kanya na ikawwww ........
Yes, its me..long time no see Marz..ang sabi niya sa akin...
Bigla niya akong hinatak at niyakap, hindi ko alam kung ang mararamdaman ko kasi nagbalik na siya, ano ba ang dapat kung maramdaman,ang matuwa o maiinis kasi bumalik na siya, naguguluhan ako hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko sa kanya..
Nakita ko sa mata ng aming mga kasama ang pagtataka dahil hindi nila alam na magkakilala kami nito..
Bhest..kilala mo siya,yan ang tanong na nakita ko sa mga mata ni Celyn, samantalang kay Judy naman ay kinikilig na hindi mawari.
Ang kanyang mga barkada naman ay napailing ngunit mga nakangiti ang mga ito..
Kamusta kana, ang laki na ng pinagbago mo, kung dati ay maganda kana ngayon mas lalong kang gumanda. Namiss kita sobra ang sabi ni Matt
Ahummm..ito mabuti naman, wala namang nagbago sa akin, ako parin ito si Marz na tinatawag mo..ikaw wala ka paring pinagbago napakabolero mo parin ang sabi ko sa kanya..
Ahaha..hindi naman ako bolero ahh.. nagsasabi ako ng totoo na your pretty, I mean your gorgeous. ( kasabay ng pagssasabi niya ng mga salitang ito ay ngumiti siya .. Ngiting nakakatunaw ng puso)
Grabe namiss ko pala ang lalaking ito na siya nakakasama ko,kapag ako ay malungkot,may problema siya ang takbuhan at sumbungan ko kapag kailangan ko ng karamay .. Namiss ko siya ng sobra at ngayong nagbalik na siya sobra ang tuwang nararamdaman ko, dahil ang night shinning armor ko ay nagbalik.
Siya ay humiwalay sa pagkakayakap sa akin at sinabi ang mga katagang ito I miss you princess alot sabay ngiti...
Hindi ko, napigilin aking sarili ako'y napangiti at nabigkas ang mga katagang ito I miss you too Matt.
Biglang nagsalita si Jay, hello to earth may kasama pa kayo dito, hindi lang kayo ang tao sa lugar na to..pansinin niyo naman kami.
Oo nga Matt. Hindi mo sinabi sa akin na kakilala mo pala ang magandang binibini na iyan, kaya pala ang tahimik mo kanina sabi ni Michael
Samantalang ang mga kaibigan ko naman ay kinurot ako sa tagiliran ko,tapos sabay tingin na kuwento mo samin yan mamaya ahh..
Napangiti nalang kaming dalawa sa tinuran ng aming mga kasama,napagpasyahan na sama sama nalang kaming kumain at maglibot, manood ng sine.
Natapos ang araw ko ng masaya dahil muli kaming nagkita at hindi lang ako ang nag enjoy pati ang mga kasama ko..Nagpaalaman na kami sa isa't isa.
Samantalang si Matt,ay nagpresintang ihahatid niya ako sa amin.
Marz, ahumm pwede ba kitang ihatid pauwi sa inyo. Kung okay lang naman sayo, ang paalam niya sakin
Oo naman, sabihan ko nalang si Mang Tasyo na wag na akong sunduin..
Habang kami ay nabyaheng pauwi, napakatahimik namin waring nagpapakiramdaman kami sa isa't isa
Walang nagsasalita man lang, ang tanging maririnig ay ang ingay sa labas dulot ng mga busina ng mga sasakyan, hanggang sa kami ay makarating sa tapat ng bahay namin ay hindi parin siya nagsasalita pero hindi nawala ang ugali niyang pagiging gentleman,nagmadali siyang bumaba sa sasakyan niya upang pagbuksan ako ng pinto.Ako ay nagpaalam na sa kanya at sinabing ang katagang ito "maraming salamat sa paghatid, and I had great time with you", goodnight, take care and bye ,sabay talikod sa kanya upang makapasok na sa loob ng bahay ngunit hinatak niya ang aking kamay at .........
Nagulat ako sa kanyang ginawa,at sinabi niya ang mga salitang ito bago siya tuluyang umalis
Goodnight,sweet dream and I had great time with you too.. pumasok kana sa loob, bye at ngiting hindi ko makakalimutan mula sa kanya..Hanggang sa siya ay nakaalis na sarap ko hindi parin ako nakapasok sa loob, pagkat hindi parin ako nakakarecover sa ginawa niya.
( Dito ko muna po tatapusin,may gagawin na po ulit ako.. Sa inyong palagay ano kaya ang ginawa ni Matt,bakit siya ay nagulat at hindi agad nakarecover sa nangyari..
Maraming salamat sa pagsupporta 😗😚😘😍)
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana (On Going)
RomanceSabi nila ang tadhana ay makapangyarihan kasi kung sino ang ayaw natin siya ang nakakasalamuha at nakikilala natin.. Sobra ngang mapaglaro ang tadhana ,dahil muling nagtagpo ang landas naming dalawa. Ano ba dapat ang aking mararamdaman kung kami ay...