Chapter 6 The Feeling😳

11 1 0
                                    

Ito na ang update ko ulit,salamat sa pagpm sakin na ituloy ko ito.To my Student... S.P

»»»»»»»»»

Maria Pov

Nang mahismasmasan ako sa pangyayari kanina,ako ay pumasok na sa loob ng bahay at na abutan ko si Yaya Saling na nasa sala.

Yah saling,bakit gising pa po kayo? ang sabi ko

Ai.mam Ria nandyan na po pala kayo,hinatid ko po kc ang parent niyo sa labas kanina.

Bakit, yah san ang punta nila mama at papa? Ang tanong ko

Mayroon daw po silang biglaang bussiness trip sa canada mam,at 1 month po silang mawawala.

Ahh..ganoon ba, bat hindi man lang nagpaalam sakin sila mama haiisstt..

Tinatawagan ka po ng mama niyo, ngunit hindi niyo daw po sinasagot,kaya nagtext lang po sa inyo ang mama niyo.

Ohh..tumatawag po pala sila, lowbat po kasi ang cellphone ko Yah Saling..kaya hindi ko nasagot at nabasa ang text niya.

Sige po Yah, aakyat na po ako para makapagpahinga, kayo rin ho magpahinga na po gabi narin po ea.

umakyat na ako sa kwarto para maglinis at magbihis upang makatulog na ako..

Nang nasa kalagitnaan na ako ng paghiga ko ay may kumakatok sa pintuan ng aking silid..

Tok..tok..tokk..

Sino po iyan? Ang tanong ko

Ria anak, si Yaya Saling ito.

Nay Saling bakit po?

Ai.naku anak si sir Ken,nasa baba sa may sala at mukhang nakainom ito ng magdoorbell sa gate natin, ano ba ang dapat kong gawin Nak Ria..sabi ni Nay Saling..

Sandali lang po nay,magbibihis lang po ako ng maayos,pagkatapos ko ay binuksan ko ang pinto at tinanong bakit narito ang mayabang na lalaking iyon at sinabi ko na rin na mabuting tawagan sila uncle Leo upang masundo siya dito, habang tinatawagan ni Nay Saling si Uncle Leo, ako ay bumaba sa sala para tignan ang mayabang na lalaki na iyon.

Nakita ko na siya sa aming sala na kung saan kasandal ang katawan at ulo sa supa namin at nilapitan ko ito, nagtataka ako pagkat ang sabi ni Nay Saling ito raw ay nakainom at mukhang lasing,ang tanong sa aking isip bakit siya naginom may problema ba siya?

Ai.teka bakit ko ba ito iniisip at ano ang pakialam ko sa kanya bahala siya sa buhay niya..

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin,atnagsalita si Nay Saling..

Nak Ria, tumawag na ako sa bahay nila at napag-alaman ko na wala din ang mga magulang niya dahil may aayusin daw ang mga ito sa negosyo sa korea. Kaya mag-isa lamang siya roon dahil ng kanilang katulong ai may day off.

Ahh..ganoon po ba,
Nay Saling ang mabuti pa huh! Siguro ay dahil nalang natin siya sa guest Room, tutal nandito na rin naman po siya,pakitulungan nalang po ako Nay..

Nang madala na namin siya sa Guest Room ay pinahanda ko kay Nay Saling ang mga dapat gagamitin upang ito ay mahimasmasan mula sa pagkalasing niya.

Dumating na ang maligamgam na tubig nadala ni Nay Saling ay agad ko na itong pinunasan, sa mga braso niya at naisip ko na kailangan ko siyang palitan ng damit para hindi siya mahirapan ngunit nag aalangan akong gawin iyon dahil hindi ako sanay na makakita ng katawan ng lalaki,
pero nagwagi ang aking puso kaya naman unti unti kong binubuksan ang pagkakabotunes ng kanyang damit pero habang ginagawa ko iyon ay nakapikit ako at ng matapos ko siyang malinisan ay naghanap ako ng damit na kwarto nila papa na pwedeng magkasya sa kanya,may nakita akong sando na sapalagay ko ay kakasya sa kanya.

Nang matapos ko na siyang mabihisan ako ay nagbalak na umalis na ng silid na iyon upang makapagpahinga narin ngunit bago pa man ako makahakbang ay may humawak na sa aking kamay, nang tignan ko ito ay ang mayabang na lalaki ang may hawak nito, tinatanggal ko ang pagkakahawak niya pero nagulat ako sa aking narinig at nakita dahil siya ay lumuluha..may binabnggit siyang pangalan ngunit hindi ko naiintindihan ang tanging naintindihan ko lang ay patawad kung umalis ako ng walang paalam,kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin iyon at mahal na mahal kita..

Bigla akong may naramdaman na kakaiba sa loob ng aking tiyan na hindi ko alam kung para saan iyong nararamdaman ko..

~~~~~
Ano kaya ang nararamdaman ni Ria mula sa mga narinig niya kay Ken. Totoo nga bang lasing si Ken o Nagpapanggap lamang siya, sa inyong palagay mga readers .comment lang po..

Pasensya pinuputol ko muna po dito dahil back to work ulit ako..salamat po.. 😘😍

 Mapaglarong Tadhana (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon