Chapter One

156 9 8
                                    

Kring!!! Kring!!!
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang precious pink alarm clock ko. Nakangiti kong nilingon ang kalendaryo at lihim na napangiti.
'yes makikita ko na naman siya the man of my dreams'

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko at suminghot singhot ng fresh air shocks! Fresh Air sa Manila? Sinong niloko ko?

"Kyla! Malelate na tayo! Bumangon ka na dyan"
Inis kong hinarap ang pinto. Sigurado papasok na naman ang babaeng to dapat talaga magpagawa ako ng madaming lock eh. Hindi naman sa pagiging masamang kapatid pero hindi ko lang talaga gusto ang pagiging bossy ng ate kong ito. At tama nga ako dahil ng bumukas ang pinto ay iniluwa nito si ate na bihis na bihis na.

Straight na buhok, matte brown naked lipstick, brown floral dress at ang bago niyang collection na Celine shoes. Her kind of OOTD.

"Gosh kyla, Hindi ka pa bihis magagalit si mom niyan!"

"Wag ka ngang OA ate ang aga aga pa oh look"
Iniharap ko pa siya sa orasan ng madama niya na napaka aga pa. Mukha naman na gets nito ang ibig kong sabihin. Hinarap ako nitong muli.

"Basta bilisan mo na"
Inirapan muna ako at tinalikuran na nito.

"Pahiya ka lang ei"
Tatawa tawa kong sinara ang pinto at dumiretso na ng banyo. Hay my way to start a very nice day.
It's Sunday at anong meron pag ganitong araw syempre church day. Isa akong manunugtog sa simbahan at aaminin kong buhay ko din ang musika ngunit bukod dun ay may taong inspirasyon ko din sa ginagawa kong to. After a couple of weeks magkikita na din kami.

Pagpasok pa lang sa simbahan ay dumiretso muna ako sa kwartong inilaan para lamang sa mga kabataan at musikero ng simbahan. Awtomatikong hinanap ng paningin ko ang inspirasyong hinahanap ko ngunit ganon na lang ako nalungkot ng hindi ko siya matanaw. Naglakad na lang ako papunta sa kinauupuan ng twinnie kong si ezrah.

"Anyare? Wala ata ang very energetic na good morning mo?"
Mahinang saad niya, hindi na ko nagabalang lumingon pa at malungkot na nangalumbaba sa mahabang lamesa na nasa harapan namin. Hay asan ka na naman kaya? Baka nasa ibang lugar na naman yun ng madaming babae! My ghad No Way! Hindi Pwede! Hindi!.
Agad akong tumayo at walang sabi sabing tumalikod ngunit ganon na lang ang gulat ko ng tumama ako sa isang matigas na bagay or mas tama ata na sabihing matigas na dibdib. Teka pamilyar yung amoy nito ah.

"Baka maubos yung amoy ko nyan"
Namula ako ng marinig ang napakalamig na boses nito. Ngunit mas lalo ata akong nanlamig ng marealize ang sinabi nito alam niyang inaamoy ko siya shockssssss! Tiningala ko siya at nagkasalubong ang mga mata namin. Ang cold ng mga mata niya pati boses niya ganun din ni pati personality ata ganun nga din eh.

"Tapos ka na ba? Pwede ka na bang tumabi?"
Malamig pa rin na saad nito. Ang bawat katagang binibitawan nito ay nagsisilbing yelo na nagpapahinto sa pag gana ng utak ko at sandaling pagkaparilasa ng katawan ko. Ngunit ng marinig kong ang mahinang pagpalatak na to ay tila natauhan ako.
Oh my ghad please utak gumana ka sobra na kong napapahiya dito. Mukha naman atang gumana ang pagkausap ko sa sarili ko kaya naman napatabi ako sa daraanan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin ng inokupa niya yung upuan ko pakiramdam ko tuloy meant to be talaga kami parehas kami ng gustong pwesto ei yieeee. Dahan dahan akong napangiti.
Hay sana kaya kong tunawin ang napaka cold mong puso.

"Hoy mahanginan ka niyan babes"
Isang pamilyar na boses na kapag nakita mo ang nagmamay-ari ay hihimatayin ka sa kilig pero sorry ibahin niyo ko. I learn my lessons already. Agad kong nilingon ang co-singer ko sa church na si Zach. Si Zachary Montemayor ang Head Vocalist ng male division at ang pinakamahangin sa lahat ng taong nakilala ko. To the point na feeling mo may paparating na ipo ipo.

"Pwede ba zach wag kang panira ng araw"
Inirapan ko ang huli at Aalis na lang sana ayoko munang mapalapit sa isang to baka kung ano pang isipin niya ngunit ganun na lang para matigilan ako ng maramdaman ko ang mahinang paghila nito sakin.

"Kay please let's talk"
Pagsusumamo nito. Ilang salita lang yun pero tila may impact pa rin mali! Hindi ko na dapat nararamdaman to eh Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nilingon ko ang mga kasama ko at lahat sila ay nakatingin sa eksenang ginagawa namin maliban syempre sa kanya. Muli kong binalik ang paningin ko kay zach at nginitian to. Napangiti din naman ito ngunit ang sumunod na eksena ay di niya inaasahan. Binawi ko ang braso ko nagulat ito dahilan para mabitawan niya rin ako.

"Kung ang mga babaeng yun ay napapaniwala mo sa ganyan ibahin mo ko. Play all you want I don't care anymore"
Dire diretsong lumabas na ko ng kwarto. Habang lumalayo ako sa lugar ay di ko maiwasang matawa sa nakita kong reaksyon ni zach. Hindi ko pinagsisisihan ang nagawa ko, besides he deserve it.
Walang taong gustong masaktan at maging option lang everyone has a choice. And My choice is to stop those foolishness. Natuto na ko. Naalala ko ang taong nagsabi sakin nun even though malamig siyang makitungo, even though his eyes is cold like his expression his warm inside. He is the man of my dreams, yeah just in my dreams because she dream somebody else, somebody that I will never be. Naputol ang pagiisip ko ng makarinig ako ng pagtawag mula sa likuran ko.

"Twinnie magstart na daw!"
Hinila na ko nito at tinungo na namin ang daan papunta sa loob ng simbahan.

"What?! A play"
Lahat sila ay napatingin sakin ng maibulalas ko yun. OA ata ang naging reaksyon ko Agad naman akong namula ng makitang halos lahat sila ay nakatingin sakin. Ipinagpasya kong Bumalik sa upuan ko.

"Yeah as I was saying magkakaroon tayo ng musical play to raised funds para sa Medical Mission na isasagawa ng Church - and it would be a big help if everyone will Participate."
Napalunok ako ng marinig ang huling salitang yun alam kong para sakin yun. Hindi naman talaga ako tutol sa project na to natatakot lang akong magkamali hindi lang sa harap ng tao ngunit maging sa harap niya.

"If ever na magawa nga ito. How about the castings? Alam naman natin lahat na hindi madaling umarte sa harap ng tao. And what about the script? The props and the Budget?."
Sabat ni Zach. Palikero nga ang lalakeng to pero sa mga ganitong pagkakataon hindi mo kukuwestyunin ang galing niya sa ganitong bagay. Kaya nga siya ang President namin.

"That's why I need your full support. May tiwala ako sa kakayahan ng bawat isa. Budget will never be a problem I will handle it."
Ngayon ko lang din nakita ang MD namin na ganito kaseryoso. I know he is serious pero Kahit ako ay nagiisip lang kaya nga ba namin gawin ang ganitong bagay. Pano mabubuo ang isang proyektong 2 months na lang ang natitirang oras? Ngunit isang malamig na boses ang nagpabuo sa pangangamba ng lahat.

"Count me in"
And everyone froze. Totoo ba tong naririnig namin.

AN:
Wahhhh sa wakas after a decade nakapagproduce din ng matinong chapter one hope you all enjoy this story.

MD - Music Director

Fighting!!!!
_Boss Babe_

Hot Vs ColdWhere stories live. Discover now