Para sa mga nafriendzone jan

100 0 0
                                    

Bes naaalala mo ba ang mga panahong masaya tayo? Mga panahong nagkakatampuhan. O di kaya naman ay palaging napapagalitan ng mga maestra mga panahon na makujulit tayo. Mga panahon na hindi pako inlove sayo. Hindi ko akalain na bawat haplos mo ay mahuhulog ako. Bestfriend kita e. Akala ko wala lang. Pero kada maiisip ko ang mga alaalang yan naaalala ko den kung paano ako lihim na tumitingin sayo. Ang mga akap mo saakin na kada gagawin mo yon hinihiling ko na sana. Sana mahal mo den ako. Aamin na sana ako kaso natakot ako. Oo natakot ako na mawala ang iniingatan kong friendship natin. Natakot ako. At isang araw sumuko ako. Oo sumuko ako nung nakita kita na may kasamang iba. Masaya na pati mga mata ninyo ay nakangiti. At isang araw uli sumuko ako. Nung nakita ko na yakap yakap mo sya na tila ba ayaw mo syang mawala. Sumuko ako. Natakot akong sumugal at ngayon sumuko ako. Teka hindi. Hindi pa jan ang parteng masakit maniwala ka. Hindi pa jan. Nadurog ang puso ko nung nakita ko kung gano ka kasaya kasama sya. Nadurog ako nung nakita ko kung pano mo sya alagaan. Pero mas nadurog ako nung narinig kong sinabi mong. Bes mahal kita. Pero pwede bang higit pa sa kaibigan? Nadurog ako hindi dahil sa linyang iyan. Nadurog ako kase pwede naman pala. Nadurog ako kase naunahan ako ng takot. Pwede naman pala na isantabi ang friendship. Bes natakot ako. Sumuko ako. At nadurog ako. Pero tama na. Hahayaan na kitang sumaya. Hanggang sa muli kaibigan.  umaasa sumusuko at nadudurog nagmamahal Bestfriend. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORDS. Where stories live. Discover now