Lagi kong naitatanong sa aking sarili
Bakit ba kailangang maging mabuti?
Para saan pa ba ang kabutihan
Kung ang mundo naman ay puro kasamaan?
Walang sawang pagnanakaw at patuloy na kurapsyon
Kawalan nang katarungan at diskriminasyon
Walang tigil na pananakit at panlalait sa ibang tao
Diba sapat na ito para tawaging masama ang mundo?
May ka utihan pa bang natitira sa'yo?
Mayroon pa bang awa sa 'yong kapwa at sa mundo?
Kung mayroon ay huwag ka sanang mahiyang ilabas ito
Para malamangan ng kabutihan ang kasamaan sa puso mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/8937353-288-k313287.jpg)