The Lost Girl - lll

132 6 1
                                    

Jackson over the photo! :)

*******************************************************************************************************

Inistart ko na ang makina ng sasakyan at sinimulan ko nang paandarin 'yon.

Three minutes na akong nagddrive nang mapatingin ako sa rearview mirror. Nangilabot ako ng mga oras na 'yon, dahil nadatnan ng dalawang mata ko ang nakaupong babae sa likuran na nakatingin rin sa akin. kumokonekta kami sa salamin.

Siya ang babaeng nakaenkwetro ko sa banggaang wala naman, ang babaeng nakatayo sa harap ng kotse ko sa place ni Jackson at ngayon... Nakaupo sa likuran ko.

................................................................................

Nakahinga ako ng maluwag nang ngitian niya ako at nagsalita siya.

"Maaari bang makisabay ako sayo?" Nakangiting tanong niya sa'kin. Napakalamig ng kanyang boses.

Binuga ko ang isang mabigat na hininga at napangiti.

"O-oo naman. Mas maganda kung dito ka na lang sa harap. Ayos lang ba?"

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Kinuha ko ang kanyang kamay. Napaka-puti nito at parang foam sa lambot. Walang oras na hindi niya ako napangiti kahit sa nakapaliit lang na dahilan.

Hawak ko pa rin ang mainit niyang kamay hanggang sa pagpasok niya sa passenger seat sa harap tabi ko.

Umikot na ako pabalik para magdrive.

Nagkwento siya tungkol sa pamilya niya at kung anu-anong naexperience niya during highschool. Naikwento niya rin na NBSB siya na hindi ako labis na makapaniwala, at syempre hinaluan ko na rin ng pambobola. Pero hindi iyon pambobola, totoo naman yung sinabi ko na... bagay kami...hehehe, at parang anghel ang kagandahan niya.

Sinabi ko matagal na kaming nag-uusap pero di man lang namin alam ang pangalan ng isa't isa. Nagpakilala ako at sinabi naman niya ang pangalan niya... Catharyn.

I asked her kung bakit gabing-gabi na at nasa labas pa siya, tinanong ko rin kung nasan na yung family niya at kung saan ko siya ibababa, sagot naman niya...Hindi niya raw alam, matagal na raw siyang nawawala. Natawa ako sa sagot niyang yun, sinagot ko siya na ang laki laki na niya, nawawala pa siya. Pero wala siyang reaksyon.

Napakunot-noo na lang ako. Pano yan diko alam kung saan siya ibababa, wala raw siyang tinutuluyan? eh ano siya palaboy? Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa pero napakalinis naman niya, ano ba talaga? nagpapahalay ba siya?

"Kung gano'n, lost girl ka nga talaga...Kung wala kang tinutuluyan.. much better kung sa bahay ka na muna magpalipas. Yun ay kung okay lang sayo na tumira kasama ko.."

........................................................

Halos mag iisang linggo na simula nung patirahin ko si Catharyn sa bahay. Lalo ko siyang nakilala at nagkaroon ng sigla ang bahay ko sa pagtira niya roon.

Inalagaan niya ang bahay ko... pati na rin ako. Lagi niya rin akong pinagluluto, mula sa almusal, tanghalian hanggang sa hapuna o gabihan. Lagi rin siyang nagkwekwento 'pag sabay kaming kumakain. Hindi siya nauubusan ng kwento. Pati na rin ang paglilinis inaako niya.

Pero may time rin na nawiweirduhan ako dahil bigla-bigla na lang siyang susulpot bigla-bigla ring nawawala. Para bang bula. Pero I enjoy a lot my company with her.

________________________________________________________________________

Pagod akong umuwi galing trabaho. Hindi ko na nagawa pang magbihis, dahil sa sofa palang bagsak na ako.

The Lost GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon