Part 6 - Crush on you

418 12 4
                                    

Note: I might disappoint you with this chapter. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sorry po. Minadali eh. Likes and comments are highly appreciated. Thank you! :) <3

Joyce's POV

Pagkatapos kong kumain bumalik agad ako sa kwarto ko. Pinag-iisipan ko pa din hanggang ngayon kung rereplyan ko ba yung text ni Kris. Kasi naman, kakasabi ko lang kanina na hate ko na sya eh. Tapos ngayon, nagtext nanaman sya.

"Ano ba naman yan!"

Palakad-lakad lang ako dito sa kwarto ko. Kainis naman kasi eh. Ano ba gagawin ko?

"Replyan ko na nga. Ang hirap mong tiisin, Kris! Pssh."

Ano bang meron dun sa lalakeng yun? Ginayuma nya kaya ako?

Suplado

--Joyce

Sino? Ako? Ikaw ah. Sungit.

--Kris

Aba! At ako pa ngayon ang masungit? Eh diba sya naman yung hindi namamansin? Aynako.

Kaw ah! Di manlang mamansin. Suplado! Hmmp.

--Joyce

Oo. Alam kong GWAPO ako. Pero hindi ako SUPLADO. Kaw nga dyan. Ang sungit-sungit mo. Di mo manlang ako nginitian kanina. Tss

--Kris

Ay, grabe! Mahangin ba sa labas? Hanggang dito umaabot eh. :/

Oy, oy. Excuse me. Wala akong sinabing gwapo ka noh. Ang kapal ha! Tsaka, pano kita ngingitian? Ang seryo-seryoso mo.

--Joyce

Totoo naman, diba? Sya ang suplado. Hindi ako. Lakas mambintang eh.

Hoo. Ganun na din yun. Aminin mo na kasi. Gwapo ako diba? :D Eh bakit kasi nakaharang ka sa may pintuan? Daanan yun eh.

--Kris

Kita nyo kautuan ng taong 'to. Binabara ako! Sa text lang naman magaling.

'Tseee! Bakit ba? Trip ko eh. :D'

'Pangit ng trip mo, pre.'

'Kelan mo pa ko naging pare? Wag ka ng makialam. Walang basagan ng trip.'

'Ang sungit mo talaga. Maganda ka pa naman. Tsk.'

Ow Em. Tama ba nabasa ko? Maganda daw ako? Whahaha! Hindi ako natatawa. Kinikilig ako. Haha. :">

I know, right.

--Joyce

Hindi ko pala talaga kayang tiisin si Kris. Remember? Gusto ko sya maka-close? Pero kung dati, ang dahilan ko lang ay para magkaroon ng connection sa ex ko, ngayon, hindi na. Gusto ko syang maka-close dahil gusto ko. Para kasing ang sarap-sarap nyang maging kaibigan.

Halos araw-araw at gabi-gabi kaming nagkakatextan ni Kris. Mula goodmorning at goodnight, magkatext pa din kami. Feeling ko nga close na kami eh, sa text. Oo, sa text. Pano naman, pag sa classroom, minsanan lang. Nagngingitian lang kami. O kaya naman, konting usap lang. Yung tipong, oo, hindi at pwede lang yung mga pag-uusap namin. Pero may araw pa din talaga na walang-wala. Hindi namin pinapansin ang isa't isa. Wala eh, pareho kaming may topak. Whahaha!

Ayos lang naman saken yun eh. Baka kasi kung anong isipin ng mga earthlings sa school. Mga tao ngayon, puro malisyoso. Tss. Pero jusme, pag sa text, napaka-daldal naming dalawa. Halos umusok na nga yung phone ko eh. Lahat na ata napag-usapan namin. Lahat ng tungkol sa pagkatao naming dalawa. Mula pagkabata hanggang pagtanda. Pati mga kalokohan ng kaibigan nya at pinaggagawa nila. Pati maiingay sa classroom namin hanggang sa pinakatahimik at pinaka-matalino. Lahat na ata. Wala kaming pinapatawad kahit sino. Ganun kami sa text.

My Sweetest Complicated Love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon