Part 4 - Flashback

392 10 1
                                    

Kris's POV

*Flashback*

8pm.

Naglalaro ako ng games dito sa laptop ko nang biglang mag-vibrate yung phone ko. May nag-text saken. Nung una, ayoko pa sanang basahin kasi ayoko ding paistorbo dito sa nilalaro ko. Kaya lang, sakto namang na-game over ako kaya I have the chance na basahin yung text. I was shocked when I saw Stef's name on the screen. Bihira na kasi kaming magtextan eh. Ano kayang kailangan nya? Binasa ko yung message nya.

Kris

--Stef

Kris? Sinong Kris? Ako ba? Ako yun, diba?

Oh?

--Kris

Nireplyan ko sya. Ang sweet kong boyfriend, diba? :|

Thank God, nagreply ka. Pwede bang puntahan mo ko ngayon? ;-(

--Stef

Ha? Naglalaro pa ko eh. Anobayan. Tsss.

Why? May problema ba?

--Kris

Ang sweet ko talaga, nuh?

Malaki. Please, come here. I need you. ;-(

--Stef

Ano naman kayang problema neto? Sabagay, hindi naman sya magtetext saken kung hindi malaki ang problema nya eh. I know her. She's a strong person.

Tungkol saan?

--Kris

Syempre, kailangan ko ding makasiguro noh. Baka mamaya jinojoke nya lang ako.

Family. I'll wait for you.

--Stef

Problema nga. Kailangan nya ko.

Okay.

--Kris

Pumunta na ko sa kwarto ko para maligo at magbihis. Hindi na ko nagdalawang isip pa para puntahan si Stef. Kilala ko sya. Masyado syang naaapektuhan kapag may problema sya sa pamilya nya. Hindi sya tumitigil sa pag-iyak. Iyakin yun eh. Kaya kailangan nya ng dadamay at kakausap sa kanya. At alam kong ako yun. Besides, boyfriend nya pa din naman ako.

Paalis na sana ko ng makasalubong ko si Mommy. Siguro nagtataka sya kung bakit nakabihis ako. Gabi na kasi eh.

"Where are you going, Kris?"  medyo malumanay na tanong ni Mommy.

"Bibili lang ako sandali, Mommy. Nagugutom kasi ako eh."  pagsisinungaling ko. Sorry, Mommy. : (

"What? Kumain ka naman kanina ah! Tsaka, ang daming pagkain sa ref. Tumingin ka na ba dun?"  Halatang nagulat si Mommy. Hindi nya kasi inaasahan na yun ang sasabihin ko. Bihira ko kasing sabihin na nagugutom ako.

"Ah. Yes, mom! Pero ayoko kasi ng mga andun eh. Bibili nalang ako sa labas."  pagpapalusot ko. Ang tanga mo, Kris. Sa dinami-dami ng sasabihing mong palusot, bakit sa pagkain pa? Pssh. >__<

"Pero gabi na, Kris! Baka mapano ka sa labas. Dito ka nalang kumain."  Nag-aalalang sabi nya. Ano ba yan. ¤_¤

"Mommy naman, lalake ako. Isa pa, matanda na ko noh. Kaya ko ng ingatan ang sarili ko. Saglit lang naman eh."  Please naman, Mommy. Pumayag ka na. Please.

My Sweetest Complicated Love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon