Isang araw tayo'y nagkabangga sa daan,
Mga papel na iyong taban ay lumipad kung saan,
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin,
Tila nalunok ang sariling mga salita nang ang iyong mga mata sa akin ay tumama.
Isang pitik sa harap at sigaw ang narinig,
Dahilan upang bumalik sa katinuan.
"Tulungan na kita" kinakabahang tanong ko,
Ikay tumitig lang, tumitig na tila nagdadalawang isip na tanggapin ang aking alok,
Ngumiti ka, ang ngiti na dahilan upang ang puso na tumibok, tumibok ng husto, taas baba ang aking dibdib at habol hiningang tumitig lang sa iyo, tumitig na tila ikaw lang ang siyang nakikita ng aking mga mata.
At doon, doon ko napagtanto na ikaw ang babaeng matagal ko nang hinihintay.
At ikaw na ang mamahalin ng pusong sabik na sabik na.
Ngunit bumagsak ang aking mga balikat ng ang sagot mo ay lumabas na sa iyong mapupulang labi,
"No, thanks" at inumpisahan ng pulutin isa-isa ang mga papeles, kasabay ng pagdampot ko sa piraso ng puso kong dinurog mo.
Ngunit makulit ako! Sa sobrang kulit ko, tinulungan pa rin kitang pulutin ang mga pangarap mo, ngunit lalo akong nadurog ng hawiin mo ang mga kamay ko palayo sayo.
Tumayo ka at naglakad palayo,
Walang lingon-lingon na tuloy-tuloy humayo,
Akala ko wala ng mas sasakit pa kung makikita mo ang taong gustong sundan ng apilido mo ay pagmamay-ari na pala ng ibang tao.
Yumuko nalang at naglakad palayo,
Palayo sa sakit, sa sakit na aking nakamit,
Nang minsang gustuhin ka, ngunit sa iba ka na pala.
Lumipas ang mga araw ngunit hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit hindi kita makalimutan,
Makalimutan ang mga sakit na nakatanim sa aking dibdib,
Nang minsang naisin kang makamit,
Habang sa iba ka na pala nakakapit.
Pilitin ko mang kalimutan ang araw na nasilayan ang iyong mukha, ngunit bakit hindi ko magawa.
Magawang tumalikod sa nakaraan, sa nakaraan na kung saan ang sakit ay aking nakamtan.
Isang maulang gabi ng tumunog ang aking telepono,
Tumakbo papunta sa tumutunog at wlang ano-ano ay akin itong sinagot.
Tila tumigil ang mundo ko ng boses mo ay narinig,
Hindi ko alam ang gagawin,
Huminga nalang ng malalim at binaba ang tawag na galing sa babaeng umukit ng takot at sakit sa aking dibdib.
Humiga ako at dumukdok sa unan,
Sa unan na naging sandigan sa mga oras na ika'y pumapasok sa aking isipan.
Lumipas ang sampong minuto,
At ang unang kaninang tuyo ay tila isang lampin na nabasa sa init ng luha, na nagmula sa matang tila walang kapaguran sa pag-agos na kayang ihalintulad ng ilog na nagkukumahos umapaw sapagkat sobra na, sobra na yung sakit at bigat na nararamdaman.
Kung ang mata ay napapagod din sa pagluha, ganyan din ang nadarama ng pusong walang kinikilala,
Sapagkat ang pusong lanta, ay parang gulay na wala ng sustansya.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryI try my best to impress you, but don't expect na sobrang ganda and perfect neto, because always remember! nobody's perfect!