Poetry IV

7 1 0
                                    

Minahal kita, ay mali! Mahal rin pala kita!
Oo! Mahal na mahal parin kita!
At hindi ako magsasawang sabihin iyan kahit iritang-irita ka na
Sapagkat ang dalawang salitang iyan ang bumuklod sa ating dalawa
Sa ating dalawa nung mga panahong wala pa siya...
Ang siya na sumira na mahabang taon na pinaghirapan nating dalawa
At ang ikinatatakot ko ay dumating na...
Dumating na sapagkat narinig ko nang lumabas sa bibig mo
Ang salitang nakapagpaguho sa mundo ko
"Palayain mo na ako","palayain na natin ang isa't isa"
Walong pantig at apat na salita
Salitang naging sangkap sa bombang sumabog bigla na wala manlang pasabi
Ang sakit, ang sakit sakit
Ang sakit sabihing pinapalaya na kita
Kahit heto ako, lumuha at nag-iisa!!
Kailangan kong tanggapin,
Tanggapin ang bawat pagsikat ng araw at paglipas ng gabi
Na hindi nanako sa iyo at hindi ka na sa akin
"Malaya ka na, pinapalaya na kita"
Yan ang mga salitang lumabas sa aking labi
Kasabay ng bawat luha na bunga ng pighati
Pero kahit alam kong malaya kana,
Wala ng tayo sa maikling salita
Hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga pangyayaring noong akin pa ang puso mo
Pero alam ko naman, na malaya ka na, wala ng tayo
Sapagkat masaya ka na sa piling niya
Habang ako?!
Ito! Umiiyak pa rin!
Dinadamdam ang paglisan mo!
Pero anong magagawa ko?
Kung yan na ang pinili mo
Pinili mong saktan ang puso ko, sapagkat sinabi mong...
"Mas gusto ko sa kaniya, pasensya na" huh?! Sinaktan mo ulit ako para makapiling lang siya...
Ang siya na sumira sa pangarap nating dalawa
Alam mo bang ang tanga ko?
Ang tanga-tanga ko kasi kahit tanggap na.ng isip ko na wala ka na pero,
Pero patuloy parin ang puso ko na umasaa
Minsan nahuli ko ang sarili ko habang nangangarap
Nangangarap para sa ating dalawa
Pero masakit pala, sobrang sakit kasu, kasi sa isang iglap malaya ka na
Malaya na tayo na sa madaling salita wala ng ikaw at ako
Masakit, masakit kasi kung dati, sabay nating pinapangarap ang hinaharap pero ang lakas!
Ang lakas manampal ng katotohanang ako nalang
Ako nalang kasi wala ng tayo
Yung tayo na minsan nating pinaghatian
Pero siguro doon nalang talaga
Hanggang doon nalang kasi masakit na! Sumasakit na yung puso kong alalahanin lahat ng mga pangyayaring nakapagpadurog ng pinung-pino sa puso ko dahil lang sa pagpapahalaga ko sa pag-ibig mo na inalay sa akin na ngayon ay kaniya na
Pero bumalik tayo dun sa panahong maghihiwalay palang
Maghihiwalay palang tayo pero yun pala yung panahong para sayo tapos na tayo
Tapos na itong kabaliwang ginawa natin para sa iyo
Pero hindi mo ako tinanong!
Hindi mo ako tinanong kung gusto ko ba?
Kung gusto ko bang palayain ka
Dahil ang isasagot ko?
Ayoko! Ayoko! Ayoko!
Hindi ngayon! Bukas o sa susunod na araw! Ayoko!
Dahil hindi ko kaya
Hindi ko kayang palayain ka
Kasi alam kong babalik na naman ako sa panahong hindi pa kita kilala
Pero kailangan kong palayain ka
Palayain ka kahit masakit sa puso, kaya ngayon? Malaya ka na!
Malayang-malaya ka na sa rehas na ginawa ko upang ikulong ang puso mo
Ngayon, magpapasalamat nalang ako kasi, kahit sa maikling sandali ay nakapiling kita at nagkaroon ng tayo.
Yung tayo na kahit kalokohan lang para sa iyo
Salamat! At ngayon, malaya ka na. Malaya na.
Malaya na tayo.
Wala ng ikaw at ako.
Pero salamat kasi naranasan ko ulit na magmahal
Magmahal kahit kalokohan lang
Salamat sa panloloko mo
Sa panloloko mong naging dahilan upang lalong tumibay ang puso ko
Salamat muli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now