Nakatitig sa tukador sa harap ng bintana
Na kung saan dali-dali pinunasan ang mga luha,
Mga luhang naging produkto ng pagbitiw mo,
Akala ko maayos tayo, pero akala ko lang pala,
Sapagkat simula palang pala magulo na, sobrang gulo na!
Ipinaramdam mo na mahal mo ako sa pamamagitan ng gawa at salita,
Ngunit ang salita at gawa ay unti-unting nawala.
Sa unang dama ko ng pagbabago at panlalamig mo ay binaliwala,
Ngunit ang pagbabaliwala ay isang malaking katangahan lang na aking ginawa,
Dumating ang ikalawang araw at ang messages mo ay unti-unting nabura, nabura na tila sulat ng lapis na naglalaho ang ilang mga letra na kaybilis.
Tumunog ang cellphone ko na tanda na may nagtext sa akin, napabangon ng wala sa oras sapagkat hindi namalayan na nakatulog sa paghihintay ng reply mo,
Ngunit ang exited kong mukha ay napalitan ng lungkot, lungkot na mas masahol pa sa nadama ko ng ako'y ipagpalit,
Sa taong daig pa ang basurera kung manamit.
Binuksan ang cellphone at pangalan mo ang tumabadMessage from Yam
Yan ang mga katagang nagpabilis sa aking puso, ngunit ang pusong kaninang kay saya ay napalitan ng isang maliit na ngiti,
Ngiti na malalaman mong hindi totoo sapagkat walang kasiguraduhan kung tunay nga ba o kalokohan lang.
Kung dati "goodnight, sweet dreams yam" ngayon, k.bye,
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko,
Malulungkot ba o ano?
Pero isa lang ang alam ko,
Wala akong karapatang magtanong o magselos dahil walang TAYO,
Ikaw at ako lang, You And Me,
O sa madaling salita ay ang tawagan natin upang hindi ipalimot na we are more than friends but less than lovers,
Tawagang ating pinasikat,
Na siya ring dahilan ng bawat sakit,
Sakit na hindi pwedeng idulog,
Sapagkat hindi tayo,
YAM nalang mas mabuti pa.sorry guys kung panget ah? sobrang busy lang talaga in life ang author niyo.
YOU ARE READING
Spoken Poetry
PoetryI try my best to impress you, but don't expect na sobrang ganda and perfect neto, because always remember! nobody's perfect!